KABANATA 6

1.3K 8 2
                                    

KACEY's POV

Tok! Tok!

Ang aga namang istorbo niyon. Sino naman kaya 'yon?

Lumabas ako ng kusina para pagbuksan ng pinto ang taong kumakatok. Nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ang lalaking nasa labas ng aking bahay.

Lalaki: Good morning!

Seryoso ba 'to? Si Bogs?! Ang boyfriend ko ay narito sa Malaking Bato Subdivision ngayon?!

Bogs: Hi, baby!

Akma niya kong yayakapin nang lumayo ako sa kanya. Nagulat siya sa reaksyon ko at ibinaba ang dalawang braso.

Bogs: What's the problem, baby? Aren't you happy to see me?

Pinandilatan ko siya ng mata. Pagkatapos ay hinatak ko siya papasok sa loob ng aking bahay. Tumingin muna ako sa paligid bago ko isinara ang pinto. Buti na lang ay walang tao sa labas. Hinarap ko ang aking boyfriend.

Kacey: Anong ginagawa mo rito?

Bogs: Baby naman. Ganyan ba ang pagsalubong sa boyfriend mo? Wala man lang kiss at hug.

Nagtatampo ang tinig nito. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.

Bogs: Kuripot naman. Gusto ko rito.

Itinuro niya ang kanyang labi. Napailing na lang ako.

Kacey: Okay.

Ngumiti muna ako sa kanya bago ko siya hinalikan sa labi. Mabilis lang 'yon.

Bogs: I missed you.

Kacey: That's why you're here, right? Dahil na-miss mo ko.

Bogs: Ahm, not really. Nandito ako rahil may nalaman ako na may kinalaman sa plano mo.

Medyo naguluhan ako.

Kacey: Ano naman 'yon?

Bogs: Ganito. Makinig kang mabuti, baby.

----------

THIRD PERSON POV

Namamasyal sa mall ang mag-asawang Madrigal kasama ang kanilang anak na si Camille. Nasa baby clothing section sila ng isang store. Namimili sila ng damit para kay Camille nang may lumapit na isang babae. Si Savannah.

Savannah: Mila! Anong ginagawa niyo rito?

Sumama ang timpla ng mukha ni Mila. Alam kasi nitong isa si Savannah sa napakaraming babae na nagpapapansin sa gwapo nitong asawa.

Mila: Ikaw pala, Savannah. Namimili kami ng asawa ko ng gamit para kay Camille. Baby clothing section kasi ito. Bakit ka nandito? May anak ka na ba?

Nahihimigan ni Savannah ang sarkasmo sa tinig ni Mila. Medyo naiinis ito sa kanya kaya lalo niyang iinisin.

Savannah: Hi, Paul. Kumusta ka? Nakakapagod 'yong session natin kahapon, ah. Pero sobra akong nag-enjoy.

May halong landi sa boses ni Savannah.

Mabilis na napalingon si Mila kay Savannah kahit hindi pa ito tapos mamili ng damit para kay Camille.

Mila: Anong session? Anong nag-enjoy?

Kinabahan si Paul. May halong pagbabanta sa boses ni Mila. Tumataas din ang boses nito. May ilang mga mamimili na rin ang nakatingin sa kanilang direksyon.

Paul: Ah, wala lang 'yon, sweetheart. May photo shoot kasi ako kahapon. Tapos kasama ko sa photo shoot si Savannah.

Medyo kumalma na si Mila. Pero gusto pa ring mang-inis ni Savannah.

Aagawin Kita Sa Asawa Mo...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon