KABANATA 5

1.4K 13 0
                                    

KACEY's POV

Perfect! Natapos ko rin ayusin ang mga gamit ko rito sa kwarto ko. Pababa na sana ako nang mapansin ko sa isang sulok ang memory box ko. Pinulot ko ito mula sa sahig. Isa pa pala ito sa mga kailangang itago.

Ang memory box na ito ay naglalaman ng mga bagay na gusto ko nang makalimutan pero hindi ko kaya. Ang sakit ng mga alaalang idinudulot ng mga bagay na ito sa akin. Naroon ang isang larawan na kuha noong bata ako kasama ang isang batang lalaki. Naroon ang isang panyo na natanggap ko bilang unang remembrance sa isang batang lalaki. Naroon din ang unang bulaklak na natanggap ko mula sa isang lalaki. Santan flower.

Napansin ko ang isang note na t-in-ape ko pa sa isang colored paper noong bata ako.

Kacey: To the cutest girl I've ever seen.

Naaalala ko pa ang araw na ibinigay sa akin ang isang box ng chocolates kasama ang note na ito. Iniabot sa akin ng isang batang babae ang box na may note. May lalaki raw na nagpapabigay.

Mula nang araw na iyon ay hindi ako tumigil para malaman kung sino ang lalaking 'yon. Nang makilala ko siya ay naging magkaibigan kami. Napakasaya ko noong panahong 'yon. Sobrang saya.

Nakita ko sa sulok ng memory box ang laruang wedding ring. Kulay blue. 'Yong mga kasamang free item ng mga tigpipisong chichirya rati. Naaalala ko pa ang sinabi ng nagbigay sa akin ng laruang singsing na ito.

"Balang araw, totoong singsing na ang isusuot ko sa daliri mo. 'Yong mamahalin at hindi madaling mayupi."

Nararamdaman ko ang unti-unting pagbukal ng luha sa gilid ng mata ko. Nami-miss ko siya. Miss na miss ko na siya. Ang batang lalaki na minahal ko rati.

Unti-unti nang tumutulo ang mga luha mula sa mata ko. Mabilis kong pinunasan ang aking mga luha. Hindi pwede ito. Ayokong umiyak. Ayokong umiyak para sa lalaking nanakit ng puso ko.

----------

THIRD PERSON POV

Sa studio ng photographer na si Molly…

Nakahiga si Paul sa pulang sofa. Angat na angat ang kulay ng kanyang suot na puting boxer briefs dahil sa kulay ng sofa.

Molly: Bumukaka ka, Paul. Give me seductive eyes.

Kahit naiinis si Paul ay ginawa niya ang gusto ng baklang photographer. Alam na alam na niya kung paanong seductive look ang gagawin niya sa harap ng camera. Ipinatong niya sa sandalan ng sofa ang kaliwang binti at isinayad naman sa sahig ang kanang binti.

Sa isang sulok naman ng studio ay takam na takam si Savannah sa pagtitig kay Paul. Nakakaakit ito sa ginagawang pose sa harap ng camera. Siguradong magiging mabenta ang brand ng underwear na suot nito rahil kay Paul. Gwapo, macho, at umaapaw ang sex appeal.

Molly: O, Savannah, samahan mo naman si Paul sa sofa. Pumatong ka sa kanya. Gusto ko 'yong may halong gigil ang kapit niyo sa katawan ng isa't isa. Gusto ko 'yong may takam. Gets?

Savannah: Yes, Molly.

Malanding lumakad palapit sa sofa si Savannah. Akmang ipagdidikit ni Paul ang dalawang binti nang pigilan siya ni Savannah.

Savannah: Ano ka ba? Dapat nakabukaka ka para mas intense ang photo.

Gusto nang magmura ni Paul. Ginagamit ng mga ito ang photo shoot na ito para tsansingan siya.

Hindi tumitingin si Paul habang mabagal na pumapatong sa katawan niya si Savannah. Kumapit ang kanang kamay nito sa batok niya. Ang kaliwang kamay naman nito ay kumapit sa kanyang baywang.

Naramdaman ni Paul na ikiniskis ni Savannah ang namamasang parte ng pang-ibabang saplot nito sa namumukol niyang adan sa loob ng suot niyang boxer briefs. Pasimple pero naramdaman niya.

Aagawin Kita Sa Asawa Mo...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon