KABANATA 8

1.1K 12 0
                                    

THIRD PERSON POV

Hingal na hingal si Kacey nang sumandal sa main door ng kanyang bahay matapos maisara ito. Hinihimas-himas pa niya ang dibdib habang hinahabol ang paghinga. Para siyang hinahabol ng sampung demonyo sa ginawang pagtakbo kanina. Umaasa siyang walang nakapansin sa kanya.

Nag-iikot-ikot si Kacey sa subdivision kanina upang i-familiarize ang sarili sa pasikot-sikot ng Malaking Bato Subdivision. Pabalik na siya ng kanyang bahay nang marinig niyang may dalawang babaeng nag-uusap at nabanggit ang pangalang Edgar. Napukaw ang kanyang kuryosidad pagkarinig ng pangalang iyon kaya nanubok siya sa usapan ng dalawang babae. Kung hindi siya nagkakamali ay Barbie ang pangalan ng isang babae. Ito iyong nakita niyang maputing babae na rumaan sa tapat ng bahay niya na nagsabing ito raw ang pinakamagandang babae sa Malaking Bato Subdivision.

Base sa pag-uusap ni Barbie at ng kausap nitong babae ay mukhang may interes si Barbie sa lalaking si Edgar at gagawin nito ang lahat para matikman ang lalaki. Napangiti si Kacey sa kaalamang iyon dahil maaari niyang magamit si Barbie para sa kanyang plano. Ang Plan B nila ni Bogs dahil hindi na uubra ang Plan A.

Maganda na sana ang pwesto ni Kacey habang nakikinig sa likod ng mga makakapal na halaman nang may matapakan siyang tuyong dahon na nakaagaw ng atensyon ng babaeng kausap ni Barbie. Kinabahan siya kaya naman dali-dali siyang umalis sa lugar na iyon, hoping na walang nakakita sa kanya. Binilisan niya ang pagtakbo pauwi ng bahay. Kaya ngayon ay hingal na hingal siya. Lumalawit pa ang dila.

Pinapaypayan ni Kacey ang sarili gamit ang kanang kamay habang naglalakad papuntang sala ng bahay. Dito niya nakita ang boyfriend na si Bogs na nagpu-push-up. Nagpuputukan ang muscles sa mga malalaking braso, sa mga balikat, sa malapad na likod, sa dibdib, sa mga hita, at sa mga binti nito. Tumatagaktak ang pawis sa buong katawan nito na naging dahilan para mapakagat si Kacey sa kanyang ibabang labi. Tanging gym shorts lang ang suot ng kasintahan at sa oras na iyon, kung kailan hingal na hingal at pagod na pagod si Kacey mula sa pagtakbo, ay isang masarap na ulam ang tingin ni Kacey sa kasintahan.

Kacey: Grabe naman. Ang ganda ng view!

Kinikilig pa si Kacey habang nagsasalita. Sumagot naman si Bogs habang tuloy lang sa pagpu-push-up.

Bogs: O, nandiyan ka na pala, baby. Kanina ka pa?

Medyo hinihingal pa si Bogs habang nagsasalita, pero diretso pa rin naman ang pananalita.

Kacey: Yes, at matutuwa ka sa nalaman ko. Mukhang may pwede na tayong magamit para sa plano ko. Pwedeng hindi na ako ang mismong magsagawa ng Plan B at may ibang taong gagawa para sa atin.

Tumigil sa pagpu-push-up si Bogs at tumayo. Inabot ang tumbler na may lamang tubig sa ibabaw ng center table ng sala. Nilagok ang lamang tubig bago hinarap ang girlfriend. Nasa mga mata nito ang curiosity.

Bogs: Ano naman 'yang natuklasan mo?

Ngumiti si Kacey ng pagkatamis-tamis bago isinalaysay kay Bogs ang mga narinig niya kanina mula sa usapan ni Barbie at ng kausap nitong babae. Tumatango-tango si Bogs habang nagsasalita si Kacey. Mukhang nauunawaan na nito kung ano ang gustong mangyari ng girlfriend.

Bogs: So, kakausapin mo 'yong Barbie?

Umiling si Kacey at itinuro ang sarili at ang boyfriend niya.

Kacey: Tayong dalawa. Syempre, gagamitin mo ang charm mo. Babae 'yon, so kailangan ng charm ng isang lalaki. At sino pa ba ang pinaka-charming na lalaki sa balat ng lupa?

Tumaas-baba pa ang mga kilay ni Kacey.

Kacey: Walang iba kundi ang boyfriend ko!

Napakamot sa batok nito si Bogs. Alam na nito ang nasa isip ng girlfriend.

Aagawin Kita Sa Asawa Mo...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon