KABANATA 23

236 3 0
                                    

THIRD PERSON POV

Napangiti si Georgia nang makita ang pinsang si Bernard na ina-assist ng isang pulis palapit sa kanyang kinauupuan. Nang makaupo na si Bernard sa upuang katapat ng kinauupuan ng pinsang si Georgia ay sumama agad ang mukha nito.

Hapon ng araw ng Huwebes at naisipan ni Georgia na dalawin ang kanyang reclusion perpetua convict na pinsan na si Bernard sa isang city jail para ito ay kumustahin. Gusto ni Georgia na ibalita sa kanyang pinsan ang mga nangyari nitong mga nakaraang linggo.

Bernard: Siguraduhin mo lang na may maganda kang ibabalita sa akin, Georgia, dahil kung wala ay huwag mo nang sayangin ang laway mo at baka makalimutan ko pang pinsan kita.

Si Georgia ay napalunok ng laway dahil sa nakikita niyang pagbabanta sa mga mata ni Bernard.

Georgia: Kuya Bernard, hindi mo ba ako na-miss?

Alanganing ngumiti si Georgia sa kanyang pinsan na siyang nagpaaral sa kanya sa College.

Malaki ang utang-na-loob ni Georgia sa pinsang si Bernard dahil ito at ang pamilya nito ang mga kumupkop sa kanya at tumayong parang magulang mula nang pumanaw ang kanyang biological parents sanhi ng isang malagim na aksidente. Kaya naman ginagawa ni Georgia ang lahat ng paraan para makabawi sa kanyang utang-na-loob sa mga ito.

Nang makulong si Bernard ay hindi alam ni Georgia ang kanyang gagawin dahil nang panahong iyon ay wala na rin ang kanyang mga tito at tita na siyang mga magulang ni Bernard. Mabuti na lamang ay tapos na si Georgia sa kanyang pag-aaral nang mahatulan ng reclusion perpetua ng korte ang kanyang pinsan.

Bernard: Mukha ba akong nakaka-miss ng tao? Ha, Georgia?

Pinandilatan pa ng mga mata ni Bernard si Georgia matapos sabihin iyon.

Georgia: Ahm, gusto ko lang pagaanin ang mood, Kuya Bernard. Isa pa ay may maganda akong ibabalita sa 'yo ngayon.

Nakita ni Georgia ang pagsilip ng curiosity sa mga mata ni Bernard.

Bernard: Magandang balita? Ano naman 'yan?

Pabirong ngumuso si Georgia sa harapan ni Bernard at pagkatapos ay marahang humalakhak.

Georgia: Akala ko ba ay hindi ka interesado sa aking sasabihin, Kuya Bernard?

Mariing pumikit si Bernard na tila ba pinipigilan nito ang sariling magalit o sumabog dahil sa inis sa harapan ni Georgia.

Nang muling idinilat ni Bernard ang mga mata nito ay nakita ni Georgia ang galit sa mga mata ng pinsan.

Bernard: As long as tungkol kay Paul Madrigal ang ating pag-uusapan ay asahan mong makikinig ako, Georgia. Hanggang ngayon ay nagagalit pa rin ako sa tuwing naiisip o naririnig ang pangalan ng lalaking iyon.

Matalik na magkaibigan sina Bernard at Paul simula noong nasa High School pa lamang ang mga ito.

Palaging magkasama sa mga kalokohan sina Bernard at Paul lalo na pagdating sa mga babae. Para lamang nagpapalit ng damit ang dalawang magkaibigan kung magpapalit-palit sila ng girlfriends.

Minsan pa ay nagpapalitan ng kasintahan sina Bernard at Paul sa tuwing nagsasawa na silang dalawa sa kani-kanilang mga karelasyon.

Natigil lamang ang ginagawang paglalaro sa mga babae nina Bernard at Paul nang maging kasintahan na ni Paul ang kaibigan nilang si Veronica at nang maging syota ni Bernard ang binabaeng si Molly. Tumagal ang dalawang relasyon hanggang sa makapagtapos sila ng College.

Ngunit ang pagkakaibigang Bernard at Paul ay nagkaroon ng lamat nang makasuhan si Bernard dahil sa ginawa nitong pananamantala sa isang babae. Galit na galit si Bernard kay Paul dahil sa insidenteng iyon.

Aagawin Kita Sa Asawa Mo...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon