KABANATA 1

2.2K 12 0
                                    

THIRD PERSON POV

Kitang-kita sa dalawang magkaibang bakuran ang dalawang lalaking panalo sa kagwapuhan, kakisigan, at ka-macho-han.

Sa bakuran ng mga Santillan ay naroon si Edgar. Naka-boxer briefs lang ito habang nagpu-push-up. Tumatagaktak ang pawis sa likuran, sa dibdib, hanggang sa abs nito. Kitang-kita ang effort sa mukha nito. Lumalabas pa ang dila paminsan-minsan kapag hinihingal na. Maraming babaeng kapitbahay ang napapatingin sa kanya. Gustung-gustong lamutakin ang pang-upo niyang punung-puno ng muscles. Tuwang-tuwa naman ang mga babae lalong-lalo na ang mga kabataan kapag napapatingin sa kanila si Edgar at gagawaran sila ng pasimpleng kindat. Pasimple dahil nasa malapit lang ang asawa nito.

Sa bakuran naman ng mga Madrigal ay makikitang nagdidilig si Paul ng mga halaman. Fit na fit ang sandong suot nito sa katawan. Hakab na hakab din sa suot nitong pantalon ang mga malalaking hita at ang napakalaki nitong bukol. Kilig na kilig ang mga babae kapag dumadaan sa tapat ng bakuran nila. Lalong-lalo na kapag tinatapat ni Paul ang hose sa sando nito at mababasa ang suot. Babakat ang mga abs nito. Didilaan nito ng pasimple ang ibabang labi. Pasimple dahil nasa tabi lang ang asawa nito.

Nang biglang may tumigil na kotse sa tapat ng bakanteng bahay. Nakita nilang bumaba ang isang babae na napaka-sexy, napakaganda, at nakakaakit. Ang lalaki ng mga boobs nito. Sobrang sexy ng baywang na kaysarap hatakin. Bilugan ang malaman na pang-upo. Ang suot nitong shorts ay sobrang ikli na halos bumakat na ang pagkababae nito. Tinanggal nito ang suot na shades.

Lumapit agad ang asawa nina Edgar at Paul para makiusyoso. Syempre sumunod agad ang dalawang gwapong lalaki para makipagkilala sa napakagandang babaeng ito.

Matapos makipagkilala nila Sandy, asawa ni Edgar, at Mila, asawa ni Paul, ipinakilala naman ng bagong dating na babae ang sarili.

Sexy na babae: I'm Kacey, but you can call me whatever you want.

Nakalapit na sina Edgar at Paul at biglang nagningning ang mga mata ni Kacey sa nakikita. Nasa langit na ba siya at puro magaganda ang kanyang nakikita. Gwapong mukha, malalapad na dibdib, matitigas na abs at…malalaking bukol!

Sandy: Ahm… Kacey, asawa ko nga pala. Si Edgar.

Edgar: Hi, Kacey.

Mila: Kacey, ito naman ang gwapo kong asawang si Paul.

Paul: Hello. Welcome to the neighborhood!

Kacey: Oh. Hindi pala masama ang paglipat ko rito sa lugar niyo. Bigla akong na-excite.

Nakatingin ng malagkit si Kacey kina Edgar at Paul habang sinasabi ito. Sabay labas ng dila niya para basain ang ibabang labi.

Kacey: Boys, pakibuhat naman ng mga dala kong gamit. Mabibigat kasi ang mga 'yan.

Mabilis pa sa alas kuwatrong binuhat nina Edgar at Paul ang mga maleta ni Kacey. Tig-isa sa bawat kamay.

Sandy at Mila: Tutulong na lang din kami.

Kacey: Oops! Masyado na tayong marami sa bahay ko. Sa ngayon, strangers muna kayo sa paningin ko. Okay na muna na silang dalawa ang pumasok sa bahay.

Sandy at Mila: Pero…

Nang biglang magsalita ang mga asawa nila.

Edgar: Sige na, Sandy. Magluto ka na sa bahay. Bigla kasi akong nagutom.

Sabay tingin ng malagkit kay Kacey.

Paul: Ituloy mo naman 'yong pagdidilig ko, Mila. Alam mo namang ayaw kong nalulungkot ang mga bulaklak.

Sabay tingin sa mukha ni Kacey at dahan-dahan pababa sa bakat na pisngi ng langit sa pagitan ng hita nito.

Naiwan ang dalawang misis na nakatulala.

Aagawin Kita Sa Asawa Mo...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon