KABANATA 22

197 5 0
                                    

KACEY's POV

Pinigilan kong maningkit ang aking mga mata nang makita ang pagmumukha ni Paul sa labas ng gate ng aking bahay. Kailangan ko pa ring magpanggap na isang nice and friendly neighbor sa harapan ng lahat ng mga residente ng Malaking Bato Subdivision para mas madali kong maisagawa ang aking mga plano.

Ano naman kaya ang kailangan ni Paul sa akin ngayon?

Wala pa naman ako sa mood makipag-usap ng mga tao dahil hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin naibabalik ni Barbie ang perang ipinambayad ko rito para sa aking iniutos dito na pang-aakit sa talipandas na si Edgar na hindi naman nito napagtagpayan. Maliban doon ay hindi ko pa ito ma-contact sa number nito.

Kapag malaman kong iniiwasan o pinagtataguan ako ni Barbie, sisiguraduhin kong may kalalagyan ang babaeng ito kahit saang lupalop man ito ng daigdig naroroon. Hindi pwedeng magpalamang ako sa babaeng iyon.

Maraming tao na ang nanamantala sa akin noon at hindi ko hahayaang maulit iyon. Hindi na ako ang dating si Kacey.

Hindi na ako si Kacey Juarez.

Ako na ngayon si Kacey Lobuton.

Hindi man ganoon kagandang pakinggan ang aking bagong apelyido ay ayos lang dahil malaki ang naitulong ng apelyido ng aking ama para ako ay muling makabangon mula sa aking kinasadlakang putik.

Ang apelyidong Lobuton ang nagbigay sa akin ng panibagong pag-asa at ng bagong simula.

Dahil sa aking bagong pangalan gayundin ang aking bagong mukha kaya naman mas nagiging madali para sa akin ang makapaghiganti nang hindi man lamang nakaaamoy ang ibang residente ng Malaking Bato Subdivision na ako ang dating babaeng hinahamak lamang ng karamihan sa kanila. Isang babaeng kinasusuklaman ng iba sa kanila dahil lamang sa tingin nila ay hindi katanggap-tanggap ang aking anyo.

Kaya naman kahit hindi kaaya-ayang pakinggan ang aking surname ay mahal na mahal ko pa rin ito. Ipinagmamalaki ko ito.

And I will always be thankful of my father dahil nariyan ito noong mga panahong kailangang-kailangan ko ito.

Nakita kong nakangiting kumaway sa akin si Paul mula sa labas ng gate habang naglalakad ako palapit sa tarangkahan. Isang pilit na ngiti ang aking iginanti sa kanya.

Ang akala siguro ni Paul ay nakalimutan ko na ang ginawa niyang pagnanakaw ng halik sa aking mga labi noong gabi ng aking house party. Kung ganoon ang kanyang iniisip, puwes, nagkakamali siya.

Patong-patong na talaga ang atraso sa akin ni Paul magmula pa noon. At hindi na ako makapaghintay na siya naman ang aking masira.

Kung inaakala ni Paul na kakampi nila akong dalawa ni Krista sa paglilihim sa namagitan sa kanilang dalawa, well, he better think again. Dahil sooner or later ay gagamitin ko pa ang nangyaring iyon sa kanilang dalawa ni Krista against him.

I can't wait to ruin Paul Madrigal's life.

Nang buksan ko ang gate ng aking bahay ay nakita kong may hawak na bowl si Paul sa kanyang dalawang kamay. Agad na napakunot ang aking noo.

Kacey: O, neighbor. Good afternoon. What can I do for you?

Matamis na ngumiti sa akin si Paul at iniangat pa niya ang mangkok na kanyang hawak na para bang hindi ko pa iyon napansin kanina.

Paul: Good afternoon, Kacey. Gusto ko lang magpasalamat for throwing a house party last time. Sobra kaming nag-enjoy ng aking sweetheart.

Sweetheart, ha?

Ano kaya ang sasabihin ng asawa ni Paul na si Mila kapag nalaman nitong habang natutulog ito ng mahimbing ay nakikipagtalik naman ang mister nito sa ibang babae at sa mismong pinsan pa ng kaibigan at kapitbahay ni Mila?

Aagawin Kita Sa Asawa Mo...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon