KABANATA 10

1.1K 11 0
                                    

THIRD PERSON POV

Pakembot-kembot na naglalakad si Savannah pauwi ng kanyang bahay nang biglang may sumapo ng kanang pisngi ng kanyang pang-upo at pisilin iyon. Napatili si Savannah at akmang hahampasin ang mapangahas nang makitang si Saul pala iyon. Ang nobyo ng kinaiinisan niyang si Krista.

Savannah: Hayop ka, Saul! Ginulat mo ako!

Pinaghahampas ni Savannah ng kanyang handbag si Saul. Sa braso, sa bisig, at sa abs nito. Akala talaga niya ay may masamang tao na sa tabi niya at balak siyang nakawan at pagsamantalahan.

Savannah: Hayop ka! Hayop! Hayop! Hayop!

Natatawang inaawat naman ni Saul ang mga bisig ni Savannah sa kahahampas dito.

Saul: Tama na 'yan, Savannah. Sorry kung nagulat kita. Pero na-miss ko lang talagang lamutakin ang hot body mo.

Bigla ay kinurot ni Saul ang baywang ni Savannah na nagpatili sa babae. Inilapit ni Saul ang bibig nito sa kaliwang tainga ni Savannah at bumulong.

Saul: Na-miss mong babuyin kita sa kama, 'di ba? Na-miss mo ang kahayupan ko, tama?

Kumindat pa si Saul kay Savannah. Kumagat-labi naman si Savannah. Tumingin-tingin muna ang babae sa paligid bago sumagot kay Saul.

Savannah: Tamang-tama. May sakit si Molly ngayon kaya wala akong photo shoot. Buong araw mong sirain ang pagkatao ko sa kama, Saul.

Ngumisi si Saul.

Saul: At buong araw namang tatao si Krista sa ukayan ng pinsan niya. Iyong-iyo ang malaking kayamanan ko ngayon.

Kinilig naman si Savannah sa sinabi ni Saul at hinatak na ang kanang kamay ng lalaki patungong bahay niya.

Savannah: Doon tayo sa bahay ko, Saul. Kailangang makarami tayo ngayon.

Pilyong tumawa si Saul.

Saul: Sure, Savannah na mahilig sa banana.

Akala nila Savannah at Saul ay walang ibang tao sa paligid, pero may isang pares ng matang nakatingin sa kanila mula pa kanina. Si Barbie.

Barbie: Sinasabi ko na nga ba at may itinatagong sungay itong si Savannah. Role model of our subdivision kuno.

Bigla ay naalala ni Barbie na sinabihan ito ng walang utak ni Savannah kahapon.

Barbie: Wala palang utak, ha? Puwes, Savannah, tingnan natin kung sino ang mawawalan ng utak ngayon kapag sinabi ko kay Krista ang kawalanghiyaan ninyong dalawa ni Saul.

Nag-hair flip pa si Barbie at maya-maya ay isang malademonyong ngisi ang sumilay sa mga labi nito.

----------

Nasa labas na ng ukay-ukay store ni Sandy si Barbie. Kanina pa siya pasilip-silip sa loob ng store para kumpirmahin kung wala nga roon si Sandy, ang asawa ni Edgar, ang lalaking madalas landiin ni Barbie.

Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan ang madalas na panlalandi ni Barbie kay Edgar tuwing pumupunta ang babae sa fitness club ng lalaki. Laging sinisigurado ni Barbie na wala si Sandy sa gym kapag pupunta siya roon.

Alam ni Barbie na mula Lunes hanggang Biyernes ay sinasamahan ni Sandy si Edgar sa fitness club nito. Kaya naman tuwing Saturday siya pumupunta sa gym ni Edgar at doon ay inaakit niya ito na lagi naman nitong dini-deadma. Tuwing Linggo naman ay nagpapahinga ito kasama ang misis nito.

Kaya naman siguradong-sigurado si Barbie na wala sa ukay-ukay store nito si Sandy ngayon at nandoon sa fitness club ng asawa. Tuwing Saturday lang naman madalas pumunta si Sandy sa store nito rahil alam nitong maraming tao kapag weekend. Pero mas mabuti pa ring makasiguro rahil ayaw ni Barbie na magpang-abot sila ni Sandy sa teritoryo nito. Wala siyang laban.

Aagawin Kita Sa Asawa Mo...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon