KABANATA 19

417 4 0
                                    

THIRD PERSON POV

Sumama ang loob ni Paul nang malamang nagsinungaling sa kanya ang asawang si Mila. Sinabi ni Mila sa kanya na dinala nito sa mga magulang nito ang anak nilang si Camille para ang mga ito ang magbantay sa kanilang anak habang nasa house party sila ng bago nilang kapitbahay na si Kacey.

Ngunit nabigla si Paul nang malaman niya mula kay Georgia, ang babysitter ng anak nilang si Camille, na inutusan pala ito ng kanyang asawa na humanap ng taong maaaring mag-alaga kay baby Camille habang lahat sila ay nasa house party na in-organize ni Kacey para sa halos lahat ng residente ng Malaking Bato Subdivision.

Sinabi ni Georgia kay Paul na ang kakilala nitong matanda na si Lola Carrie ang agad nitong naisip para magbantay kay baby Camille dahil matagal na nitong kilala ang matanda at alam nitong mapagkakatiwalaan ito.

Nagpasalamat pa rin si Paul kay Georgia kahit sa loob-loob niya ay naiinis siya sa kanyang misis dahil nakuha nitong ipaalaga ang kanilang anak sa ibang tao nang hindi sinasabi sa kanya. Ang masama pa ay nagsinungaling si Mila sa kanya.

Walang ideya si Paul kung bakit nagsinungaling ang asawang si Mila sa kanya tungkol sa bagay na ito. Kung alam lang niyang ipababantay ng kanyang asawa sa ibang tao ang kanilang anak ay sana hindi na siya pumunta sa house party na iyon ni Kacey.

Mabuti na lamang ay walang naging problema sa pag-aalaga ni Lola Carrie kay baby Camille dahil kung may nangyaring hindi maganda ay hindi alam ni Paul kung mapapatawad niya si Mila lalo pa nga at nagsinungaling ito sa kanya.

Nang makauwi na si Mila galing school ay nagdalawang-isip si Paul kung mag-i-initiate na ba siyang kausapin ang asawa o hahayaan na lang niyang magpatuloy ang cold treatment nito sa kanya.

Gusto sana ni Paul na pahupain muna ang inis sa kanya ni Mila pero hindi siya mapakali sa kaiisip kung bakit hinayaan ni Mila na ibang tao ang mag-alaga sa kanilang anak habang sila dalawa ay nagpapakasaya sa house party.

Nakahiga na sa ibabaw ng kanilang kama sina Paul at Mila ngunit hindi pa rin makatulog si Paul. Gusto niyang kausapin ang asawa ngunit pakiramdam niya ay hindi magandang ideya iyon dahil hanggang ngayon ay halos hindi siya tapunan ng tingin ng kanyang asawa na para bang nandidiri ito sa kanya.

Well, may karapatan naman talagang mandiri si Mila kay Paul dahil kagabi lamang ay nakipagtalik si Paul sa babaeng hindi niya asawa at ang masama pa ay pinsan ng asawa ng kanyang matalik na kaibigan ang kasama niya sa pagtataksil kay Mila.

Wala namang intensyon si Paul na pagtaksilan ang kanyang asawa ngunit ibang-iba ang kanyang pakiramdam kagabi. Nag-init ng labis ang kanyang katawan at nang maramdaman niyang may katabi siyang babae sa ibabaw ng kama ay bigla na lamang rumesponde ang kanyang katawan sa isinisigaw nitong tawag ng laman.

Naiinis si Mila sa asawang si Paul ngayon dahil sa natuklasan nitong underwear brand photo shoot ni Paul kasama si Savannah, ang babaeng alam nitong may pagnanasa sa mister nito. Ngunit ano na lang kaya ang mararamdaman ni Mila oras na malaman nitong nakipagtalik ang asawa nito sa ibang babae?

Mapatawad pa kaya ni Mila si Paul?

Ang hindi sinasadyang kasalanang nagawa ni Paul sa kanyang asawa ang isa pang pumipigil sa kanyang huwag komprontahin si Mila tungkol sa ginawa nitong pagpapaalaga sa kanilang anak sa ibang tao.

Pakiramdam ni Paul ay wala siyang karapatang kwestyunin ang kanyang asawa gayong malaki ang naging kasalanan niya rito. Nagtaksil siya at nilalamon ng guilt ang kanyang buong sistema.

Nang silipin ni Paul ang kanyang asawa ay nakita niyang mahimbing nang natutulog si Mila. Pinagmasdan ni Paul ang magandang mukha ng kanyang asawa. Nami-miss na niya ang makipag-usap dito.

Aagawin Kita Sa Asawa Mo...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon