KABANATA 15

675 3 0
                                    

KACEY's POV

Inis na inis ako habang pinagmamasdan ang nakangising mukha ni Paul.

Katulad pa rin nang dati ay masyadong bilib si Paul sa sarili nito rahil alam nitong hinahabol ito ng mga babae at mga binabae.

Katulad na lamang dito sa aking house party ngayon. Halos lahat ng mga pares ng mata ng mga kababaihan at sangkabekihan ay hindi alam kung kaninong Adonis itututok ang kanilang mga paningin.

Kung kay Edgar ba o kay Paul?

Kalat sa buong Malaking Bato Subdivision ang tungkol sa kung paanong nag-e-enjoy ang magkaibigang Edgar at Paul sa pagpapatakam ng kanilang magandang pangangatawan sa mga taong alam nilang pinagnanasaan silang dalawa.

May mga lalaki talagang katulad nina Edgar at Paul.

Mga lalaking nagbu-boost ang ego sa tuwing nakikita nilang maraming humahanga at nagnanasa sa kanilang kagwapuhan at ka-macho-han.

At kalat na kalat din sa buong Malaking Bato Subdivision ang balitang hanggang pagpapatakam lamang ang ginagawa ng matalik na magkaibigang Edgar at Paul ngunit kahit kailan ay hindi nagpatikim dahil pareho na silang kasal sa kani-kanilang mga asawa.

Napangisi ako sa puntong iyon.

Well, malapit nang bumigay sa tukso ang dalawang mayabang na magkaibigang Edgar at Paul.

Kanina ay nakita kong naghahalikan sa loob ng aking kusina sina Edgar at Barbie. Hindi ko akalaing magiging madali lang para kay Barbie ang maakit ang isang Edgar Santillan.

Wala akong nabalitaang babaero at naging unfaithful si Edgar sa girlfriend niyang si Arabella noong nasa College pa kami.

Si Arabella na kapatid ni Saul, isa sa mga residente ng Malaking Bato Subdivision. Ang babaeng pinagselosan ko ng todo noon nang malaman kong girlfriend pala ito ni Edgar.

Dahil sa mga kabutihang ipinakita sa akin ni Edgar nang muli kaming magkita noong nasa College na kami ay umasa akong masusuklian din ang aking pagmamahal para sa kanya.

Pero siguro nga ay masyadong naging ambisyosa ang tulad kong hindi naman kagandahan noon na ako ang pipiliin ni Edgar sa huli at hihiwalayan niya ang dati niyang girlfriend na si Arabella para sa akin.

Oo, maaaring naging masyado akong mapaghangad para sa isang bagay na hindi rapat pinapangarap na mangyari ng isang taong hindi naman kagandahan, pero hindi ko naman siguro deserved na maranasan ang mga bagay na ipinaranas sa akin ni Edgar at ng kanyang mga kaibigan.

Sumulyap ako kay Edgar na ngayon ay nakikipagkwentuhan na sa kanyang asawang si Sandy.

Ano kaya ang dahilan kung bakit hindi nagkatuluyan sina Edgar at Arabella at itong si Sandy ang napangasawa ng lalaking dati kong minahal?

Dahil ang alam ko ay mahal na mahal ni Edgar si Arabella at hindi siya tumingin sa ibang babae rahil dito.

O maaaring naagaw ni Sandy ang atensyon ni Edgar?

Ngunit kong titingnan ko ang kabuuan ni Sandy ay masyadong simple ito para sa angking ganda at kaseksihan ni Arabella.

Siguro ay minahal ni Edgar si Sandy hindi rahil sa physical appearance nito kundi rahil sa ugali nito.

Pakiramdam ko kasi ay mabait itong si Sandy. Malas nga lang nito at asawa ito ng lalaking pinakakinamumuhian ko sa buong mundo kaya ramay ito sa aking paghihiganti para sa asawa nitong si Edgar.

Pero siguro ay hindi ganoon kalalim ang pagmamahal ni Edgar para kay Sandy dahil walang kahirap-hirap na bumigay si Edgar sa pang-aakit ni Barbie.

Kawawang Sandy.

Aagawin Kita Sa Asawa Mo...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon