KABANATA 21

320 3 0
                                    

THIRD PERSON POV

Malakas na kinakalampag ni Sandy ang pintuan ng malawak na kwartong kanyang kinaroroonan ngayon. Isang malawak na kwarto kung saan ang dalawang bintana ay may harang na bakal na rehas mula sa loob nang sa gayon ay hindi makalabas ang sinumang magtatangkang tumakas sa alinman sa dalawang bintana na nasa kwartong iyon.

Sa isang sulok ng kwarto ay naroon ang banig, unan, at kumot na maaaring gamitin ni Sandy kung gusto nitong matulog o magpahinga. Ngunit sa sitwasyon ni Sandy ngayon ay hindi tulog at pahinga ang isa sa kanyang priorities.

Ang gusto ni Sandy ay ang makalabas mula sa loob ng kwartong iyon na hindi niya alam kung saang lupalop na ng mundo at makabalik sa kanyang asawang si Edgar.

Mag-iisang linggo na si Sandy sa loob ng kwartong iyon at nami-miss na niya ang kanyang asawa. Gabi-gabi siyang umiiyak habang iniisip kung ano na ang ginagawa ng kanyang asawa.

Alam ni Sandy na nag-aalala na para sa kanya ang asawang si Edgar dahil ilang araw na siyang hindi umuuwi sa kanilang bahay. Hindi gusto ni Sandy na mag-alala ang kanyang asawa ngunit hindi niya alam kung paano makikipag-communicate dito gayong dinukot siya ng hindi niya nakikilalang tao at hindi niya alam kung nasaan siya ngayon maliban pa sa kinuha ng taong dumukot sa kanya ang kanyang cellphone kasama ang kanyang handbag at ang mga laman niyon.

Natatandaan ni Sandy na ikinakandado na niya ang roll-up door ng kanyang pagmamay-aring ukay-ukay store nang biglang may tumakip na panyo sa kanyang ilong at bibig noong nakaraang linggo.

Sinubukan ni Sandy na manlaban ngunit wala siyang laban sa lakas ng taong tumatakip sa kanyang ilong at bibig gamit ang panyong may halong nakaliliyong amoy.

Bigla na lamang naramdaman ni Sandy na parang umiikot ang kanyang paligid at nakararamdam siya ng matinding pagkahilo habang nakatakip sa kanyang ilong at bibig ang panyong hawak ng taong dumukot sa kanya. Hanggang sa unti-unting manghina ang katawan ni Sandy at mawala ang kanyang ulirat.

Nang magising si Sandy matapos ang insidenteng iyon ay naroon na siya sa loob ng nakasaradong kwartong iyon at hindi na rin niya makita ang kanyang mga gamit na naaalala niyang bitbit niya bago siya dukutin.

Sigurado si Sandy na ang taong nagdadala ng pagkain para sa kanya tuwing oras ng almusal, tanghalian, at hapunan ay ang lalaking dumukot sa kanya. Nakasuot ang lalaki ng itim na bonnet at tanging mga mata lamang nito ang nakikita ni Sandy sa tuwing inaabutan siya ng lalaki ng pagkain.

Gusto sanang subukan ni Sandy ang tumakas sa tuwing dinadalhan siya ng pagkain ng lalaki kung wala lamang itim na metal na nakatutok sa kanya sa tuwing pumapasok ang lalaki sa loob ng kwarto.

Sa sobrang takot na nararamdaman dahil sa kanyang kasalukuyang sitwasyon ay hindi rin nae-enjoy ni Sandy ang mga pagkaing inirarasyon sa kanya ng lalaki. Minsan pa ay naiiyak siya habang kumakain dahil nami-miss na niyang kumain kasama ang kanyang asawa pati na rin ang kanyang pinsang si Krista.

Minsan ay sinusubukang kausapin ni Sandy ang lalaking nakasuot ng itim na bonnet ngunit hindi ito sumasagot. Kapag tinititigan ni Sandy ang mga mata ng lalaki ay umiiwas ito ng tingin sa kanya.

Matangkad ang lalaki at maganda ang pangangatawan. Paniguradong kayang-kaya siya nitong saktan kung susubukan niyang tumakas.

Hanggang ngayon ay nagtataka si Sandy kung bakit hindi pa rin nanghihingi ng ransom money ang lalaking dumukot sa kanya. Naging dahilan iyon para isipin ni Sandy na hindi lamang basta pagdukot ang nangyaring ito sa kanya kundi may iba pang dahilan kung bakit naroon siya sa lugar na iyon.

Hindi alam ni Sandy kung bakit nangyayari sa kanya ang bagay na ito. Wala siyang natatandaang may tao siyang nakaaway o naagrabyado man lang para gantihan siya sa ganitong paraan.

Aagawin Kita Sa Asawa Mo...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon