DON EURO DESKA’S POV
MAY NABANGGIT ang testigong lalaki na nasa isla raw at walang nabanggit kung saang isla idinala ang anak kong si Suzzy Deska. Hindi ko nalang sana pinapatay ang lalaking testigo na iyon na nag ngangalang Gary. Ayaw niya kasing sabihin na kung saan bang isla?
Andaming isla rito sa pilipinas!
Tanging isang mafia lng ang pinaghihinalaan kong kumuha sa anak ko. Ang brutal na mafiang si Francio Elyer Lee lng naman ang dudukot sa anak ko dahil siya lng naman ang matindi kong kaaway.
Hindi kaya sa isla nila dinila ang anak ko?
“Don Euro, nahuli na ang isang kidnapper at dahil kay Denver Rivañez ay nadakip na namin.” balita ng aking kanang kamay.
Uminom ako ng alak at napahawak sa aking bigote habang nakatingin sa malaking family picture namin rito sa mansion.
Malapit na rin kitang mahanap anak.
“Dalhin mo rito.” utos ko na agad kumilos ang butler.
Malalagot sa akin ang dumukot sa pinakamamahal kong anak!!
May lalaking duguan na nakaposas ito na ngayon napuhod sa harapan ng mafia na walang iba kundi si Don Euro Deska.
Hinahalikan ng lalaki ang sapatos ng mafia na nakatingin lng sa family picture frame na malaki nang apakan niya ang kamay ng lalaking kanina pa humahalik sakanyang sapatos.
“AAAAAAAHH” hiyaw ng lalaki sa sakit ng pag-katapak sakanya ng mafia.
“Tignan mo ang anak kong tinangka nyong dukotin!” gigil na usal ni Don Euro Deska.
“Siya...siya nga po ang babaeng kinuha ng isang lalaking kung makipaglaban ay mas magaling pa sa mga assasin..ang ibang kasama ko aargh!! kinuha nya rin at hindi ko alam kung saan nya dinala aaaaahh!! s-sa casino may lalaking kamukha ng dumukot na pumupunta roon..AAAAH!!” pinapahirapan ang lalaki habang nagsasalita ito.
Sumenyas si Don Euro na tanggalin ang posas.
“Kaninong mafia ka nagtratrabaho?” tanong na ikinalaki ng mata ng lalaki at nang natanggal na ang posas at agad nyang inagaw ang baril sa butler at ipuputok sa kanyang ulo.
Pero wala pala iyon bala na ikinaluhod niya muli habang ang mukha ng mafia ay hindi maipinta.
“H...hindi ko pwedeng..sabihin..patayin niyo nalang ako.. paki-usap.” umiiyak na sambit ng lalaki na tinayo naman siya ng dalwang butler ng mafia at pinaupo ito.
“Don Francio Elyer Lee.” sambit ng mafia na ikinagulat at takot ng lalaking nakaupo. “Na kahit hindi mo ikanta iyan ay alam kong siya ang nag utos sainyo. Be my people and I'll give you/your family protection, plus a reward. 50 billion.” seryosong pagkasabi ni Don Euro Deska.
Napalunok ang lalaking nakaupo na parang nakumbinsi siya sa alok ng mafia.
“Ang boss naming si Don Francio ay matagal nya nang pinapahanap ang kanyang tagapag- manang tumakas sa teritoryo niya. At magpa- hanggang ngayon ay mailap ang anak nya na ayaw nang bumalik pa sakanya. Khyler Noelle Baltazar Lee ang pangalan ng anak niya pero hindi ko pa iyon nakikita dahil nakatakas na iyon nung nagsimula akong magtrabaho kay Don Francio. Gusto nyang maranasan mo pong mawalan ng anak..pero hindi lng si Don Francio ang may pakay kundi ang ibang mafia na interesado sa anak nyong si Suzzy Deska.” mahabang paliwanag ng lalaki na ngayon nagulat ang mafiang si Don Euro Deska sa kanyang nalaman.
BINABASA MO ANG
OBSESSIVE MEN SERIES 1: KIDNAPPED BY BLCKSPADE STREAMER
Любовные романыSuzzy Deska is a daughter of the mafia and she is well-known in their university because of her beautiful face, anyone who sees her will really be fascinated by her. Unexpectedly, she was intrigued by a mysterious streamer who is also famous on his...