CHAPTER 11: BOYFRIEND

229 6 0
                                    

[A/N: HABANG NASA ISLA SI SUZZY AY ITO NAMAN ANG MGA PANGYAYARI SA BUHAY NI DENVER AT ANG KANYANG POV]


DENVER'S POV


MAHIGIT ilang linggo na ang nakakalipas nung huli kong nakasama ang girlfriend ko. Hindi ko inaasahan na ganun yung mangyayari sa party na sana pala hindi ko na lang siya sinundo sa mansion para hindi mangyari sakaniya ito.


Hindi ko naman siya mahal pero bakit ngayon ang sakit, sakit?

Simula nung mga bata kami ipinagkasundo na kami ng both parents namin na ikasal kapag naka-graduate na ako. Sunod-sunuran ako sa parents ko na wala akong choice kundi sumunod sa mga gusto nila para maging proud sila sa akin.


Dumating sa punto na inutos nilang ligawan ko si Suzzy na labag sa loob ko naman dahil may iba akong babae na nagugustuhan pero sinunod ko pa rin ang utos nila upang hindi sila madisappointed sa anak nilang ginawa para sumunod sa gusto nila.


*FLASHBACK*


Andito kami ngayon ni Suzzy sa isang beach upang mag date at para na rin ligawan siya na agad naman niya akong sinagot dahil may feelings siya para sa akin simula pa nung mga bata pa kami.



    “I love you, Dev.” malambing niyang pag kasabi na agad naman akong nakokonsensya sa ginagawa kong ito na kahit ayokong gawin ito eh, wala naman akong choice kundi sundin pa rin.



     “Suzzy. banggit ko na agad siyang tumingin sa mga mata ko.




Lumapit ako sakaniya at isinuot ang kwintas na ito sa leeg niya na ibinigay ni Mom sa akin upang iregalo kay Suzzy. Ngayon makikita ang ngiti sa labi na napakatamis pati na rin yung mata niyang tuwang tuwa dahil sa kwintas.



    “I love you too.” I said.


She hugged me.


Pero hindi ko siya niyakap pabalik dahil wala naman akong nararamdaman kay Suzzy.


Kahit na marami pang nag lalaway sakanya sa campus o saan man' lugar ay ako ang sinagot ni Suzzy.



Na walang ka-alam alam na utos lamang ito ng parents ko upang mas mapadali na 'yong kasal.


Nakapanguso siya. “Ahmm..bat ang sad ng dev kong iyan?”


Ang cute niya kapag ganto siya.




Pilit ko man' mahalin itong babae pero hindi eh, mas mahal ko ang best friend niyang si Sabrinna.




Pero wala akong magawa para sundin yung gusto ko dahil maraming hadlang, katulad nalang ng mga magulang namin na nag pu-push upang matuloy yung nalalapit na kasal naming dalawa ni Suzzy. Nakakainis dahil hindi ko magawang suwayin ang mga utos ng parents kong gustong gusto si Suzzy Deska na maging asawa ko.




Andito kami sa beach para makapag bonding ang both family namin ni Suzzy. Pero yung kuya niya hindi nakapunta ngayon dahil busy raw siya sa business niyang resto.



Masaya kaming nag sasalo-salo na makikita ang ngiti sa Dad ni Suzzy na si Don Euro Deska ngayon.Lahat sila masaya pati na rin ang katabi ko ngayon na si Suzzy na abot langit ang ngiti.




   “I can't wait to have a grandchildren haha.” saad ni Don Euro Deska na ang lahat ay tumawa rin.



    “Daddy, stop!ani naman ni suzzy na namumula na ngayon ang mukha.



OBSESSIVE MEN SERIES 1: KIDNAPPED BY BLCKSPADE STREAMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon