CHAPTER 30: SUZZY'S BABY BUMP SPECIAL EPISODE

90 3 0
                                    

1 week later. . . . . .

SUZZY'S POV

TUMAYO ako at tumungo sa human size mirror. Ito pala ang istsura ko kapag nakikita ako ni khyler ngayon at tumagilid ako na ikina-awang ng bibig ko sapagkat meron ng baby bump!

Hinawakan ko ito nang nakangiti dahil si baby na ito na palaging nagpapagutom sa akin. Excited na akong makita ni khyler na daddy ni baby hihi! Pati na rin kay Lina na sure akong matutuwa siya kay baby na matakaw. Nang magutom uli ako.

Sige baby, kakain na tayo ng marami.

Inayos ko muna itong kama bago ako lumabas ng kwarto. Sa kusina palagi ang punta ko dahil nagccrave ako ng gusto kong kainin na laging puno ang ref.

Ang daddy ni baby kasi araw-araw bumibili ng stocks para hindi magutom kami ni baby eh.

Hinimas ko ang tyan ko habang naglalakad dahil gumagaan ang aking pakiramdam sa pamama- gitan ng paghaplos ay napapangiti ako.

May na aamoy agad akong mabangong niluluto ni khyler na aking ikinasaya dahil mapaparami nanaman ang kain ko ngayon na fav rin baby ang luto ng daddy nyang si khyler.

Pagkababa ko'y dinala ako ng aking mga paa sa dining area na nakita ko agad si Lina na nakaupo at nagkakape ito.

Ang bango talaga ng niluluto ni khyler!

Umupo na ako sa tabi ni Lina na napalingon sa'akin at ngumiti ito na ganun rin ako dahil masayang masaya ako ngayon as in super!

   “Blooming na blooming ka ah?” aniya sabay inom ng kape.

Hinaplos ko ang ang aking tyan na napansin niya naman at napatigil siya sa pag inom ng kape. Ang mukha niya'y gulat na gulat ngayon na ikinatawa ko lamang dahil ang cute ng reaction ni Lina.

Ano kaya ang magiging reaksyon ni Khyler?

  “Suzzy!!” tili ni Lina at ang tingin ay gusto nyang hawakan rin kaya tumango ako.

Hinawakan na ni Lina ang baby bump ko.

   “Omg!” aniya at tumingin sa'akin.

May naglapag ng pakwan sa harap ko at nilingon ko si khyler na agad pumasok muli sa kitchen. Ang sweet nya talaga dahil sa slice ng water- melon na tinanggal pa talaga ang mga buto.

  “Suzzy, alam na ba ni khyler about sa baby bump?” tanong ni Lina na ikinailing ko naman
at kumuha ng isang slice ng pakwan.

   “Ngayon ko lng kasi napansin itong baby bump at excited na rin ako sa magiging reaction niya.” saad ko sabay kagat ng pakwan.

  “Matutuwa iyon dahil ang mga lalaki raw sobra ang saya kapag mahawakan ang baby bump. Alam kong maiiyak iyon sa saya Suzzy hehe saka mas lalong magiging over protective.” saad ni Lina na ikinasabik ko lalong ipaalam kay
khyler tungkol sa baby bump.

  “Lina, kumuha ka rin ng pakwan.” alok ko at umiling lang siya.

  “Mas need nyo ni baby iyan Suzzy.” saad ni Lina at uminom na ito ng kape nya.

Napangiti naman ako at kumagat ng pakwan dahil fav ng baby namin itong pakwan eh. Parang gusto ko ng gatas kaya naman tumayo ako at pumunta sa kusina para makapag timpla nang makita ko agad si khyler na nakatalikod na busy magluto kaya napangiti naman akong papalapit sakanya ng dahan dahan upang yakapin siya.

Nang humarap siya sa'akin kaya napanguso ako dahil nahuli nya akong papunta sakanya eh. Ngumiti naman siya at lumapit sa'akin kaya kumuha na ako ng baso at para makapagtimpla na ng gatas. Gusto ko sana siya isurprise pero napakatalas ng panrinig ni khyler hmp.

OBSESSIVE MEN SERIES 1: KIDNAPPED BY BLCKSPADE STREAMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon