SUZZY'S POV
HINAHANAP ko si khyler. Saan nanman ba siya nagpunta? Huwag mong sabihing umalis nanaman siya nang walang paalam sa'akin huh?!
Haynaku hindi parin nagbabago na kahit meron na siyang mag inang naghahanap sakanya. Gusto ko kasi parating makikita at sasandalan ko siya.
Gumagaan ang pakiramdam namin ni baby na nasa tummy ko kapag katabi lang namin si khyler na wala nanaman at pinaghahanap kami ni baby.Umupo muna ako sa sofa dahil sobra akong napagod sa kakalakad at paghahanap sakanya.
Nang makita ko si Lina na busy sa laptop at halata sa kanyang mukha na seryoso itong nakatutok lang roon sa laptop. Hinihimas ko ang aking tummy na may umbok na at gustong gusto talaga ni baby na parati siyang hinihimas yan ah.Saan kaya nagpunta ang Daddy mo?
Mula pagkagising ko wala na agad siya. Hindi kaya may babae siya! Tapos pinuntahan niya nanaman iyon ngayon? Hays. Magsama sila!
“Suzzy, nakita ko si khyler sa isang silid sa taas. May kung anong ginagawa siya roon.” saad ni Lina habang ang dalawang kamay na tayo at nagmartsa na papunta sa taas.
Teka. . .hindi ko naitanong kung saan bang silid na tinutukoy ni Lina kung nasaan ba si khyler.
Di'bale na nga. Hahanapin ko nalang. Nakakatamad nang bumaba pa ng hagdan upang itanong kay Lina kung asan si khyler. Isa-isa kong nilibot ang silid upang mahanap si khyler. Huminto ako saglit dahil napagod agad ako.
Nasaan ka ba Khyler?
Parang gusto ko nang humiga ngayon. Binuksan ko ang isang pinto at ang tamlay kong sinilip kung nandito ba si khyler. Pero walang khyler akong nakita at sobra akong nadismaya. Isinara ko na itong pinto at nagtungo sa isang pinto naman. Nang bubuksan ko na sana itong pinto ay merong bumukas na pinto sa kabilang pinto. Nilingon ko iyon at agad kong inirapan ito dahil kanina pa ako, kami ni baby naghahanap sakanya.
Halos mapagod na ako maglakad tapos andito lang pala siya! Lumapit ito sa'kin pero naglakad ako papasok ng isang silid at isasara ko na sana ang pinto nang iharang nito ang kanyang mukha. Naiinis na akong buksan ulit ang pinto. Ayan siyang mapang-asar ang mga ngiti. Agad niyang hinalikan ang tummy ko na aking ikinangiti sa bawat haplos nito kay baby.
“Hinanap niyo ako hmm?” anito sabay halik saking noo pababa ng ilong hangang sa labi.
“Huwag kang masyadong assuming.
Hindi ikaw ang hinahanap namin ni baby kundi......ano......Ahmm--” pagdadahilan ko nang magsalita agad siya.“Haha konti nalang maniniwala na ako.” He chuckled, then kiss my cheeks.
“Hindi naman kasi---” naputol ang sasabihin ko nang halikan niya ako nang mapusok sabay akap sa'kin ng mahigpit parang dinidiin ako nito sakanya. Nang pakawalan na nito ang aking labi ay gumilid ang kanyang labi na ikinamula ko.
“Talaga ba hmmm?” nakangisi nitong sabi.
“Hindi nga kas---” naputol muli ang nais kong sumbat sakanya nang halikan muli ako ni khyler.
“And then? tuloy mo pa baby.” anito na ikinanguso ko nalang at ayoko nang magsalita pa.
“Hey.” malambing nitong boses at nilagay ang isang palad ko sakanyang mukha. “Sushi.” namula at nag init ang aking buong mukha.
Dagdag pa ng kanyang mga titig na talagang nakakapanghina nang sobra. Biglang dinilaan nito ang aking palad na agad akong nagulat sa ginagawa niyang iyon at agad ko namang binawi ang aking kamay. Pero hindi ko inaasahan na silihin ako nito ng mapusok na mga halik. Habang hinahaplos niya ang aking tummy na nagugustuhan ni baby ang haplos ng Daddy niya.
BINABASA MO ANG
OBSESSIVE MEN SERIES 1: KIDNAPPED BY BLCKSPADE STREAMER
Любовные романыSuzzy Deska is a daughter of the mafia and she is well-known in their university because of her beautiful face, anyone who sees her will really be fascinated by her. Unexpectedly, she was intrigued by a mysterious streamer who is also famous on his...