SUZZY'S POV
Pumunta nalang ako sa kwarto dahil inaantok ako. Habang umaakyat ng hagdan ay sumasagi sa aking isipan tungkol sa biglang alis ni khyler. Automatikong napasimangot ako dahil hindi man lang siya nagpaalam sa'kin na aalis siya.
Girlfriend niya ako pero bakit hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Nakakasama ng loob sobra.
Busy si Lina sa phone niya kanina pa. Halatang importante at napakaseryoso ni Lina na nakatutok lang sakanyang phone. About siguro iyon sa trabaho niya kaya ganun. Nagtungo ako kung asan ang silid na may piano.
Binuksan ko itong pinto at namula ang aking mukha dahil nagpipiano si khyler roon. Napalingon siya sa'kin at ngumiti. Lalakad na ako palapit nang biglang naglaho si khyler na parang bula. Ang ngiti saking labi ay naglaho rin. Umupo nalang ako rito kung saan katapat ko ang piano.
Namimiss ko siya kaya siguro nagkakagaanito ako ngayon...
Nilibot ko ang aking paningin at huminto ito sa isang frame. Tumayo ako para lapitan upang makita iyon ng malapitan. Napangiti ako nang masilayan ang nasa frame na ang sweet ng dalawang matandang mag asawa. Mga ngiti nila sakanilang labi ay talagang nakakahawa.
Ito siguro ang grandparents ni khyler.
Hawig niya ang kanyang lolo. Ang mga magulang kaya ni khyler. Meron rin sigurong frame sila rito sa mansion. Gusto kong makita ang kanyang magulang o di kaya kahit litrato man lang. Gaya ng frame ng grandparents ni khyler na itong naka-display rito. Nga pala, hindi ko pa alam ang buong pangalan ni khyler. Ewan ko ba sarili ko sa tagal na naming magkasama hindi ko na itatanong sakanya ang buong pangalan niya.
Itatanong ko nalang sakanya pagbalik niya.
“Ah!”
Biglang hiyaw ko sa hindi malamang dahilan kung bakit sumasakit ang aking ulo. Napaupo ako sa isang sofa rito na hindi kalakihan ang laki. Nahihilo nanaman ako. Ilang minuto rin akong nakaupo rito sa sofa. Nang umokay na ang lagay ko ay tumayo na ako upang maglibot libot pa. Boring kasi kaya gusto kong puntahan ang ibang silid ng malaking mansion ni khyler.
Pagkalabas ko bumungad sa'kin si Lina na nagmamadaling bumaba ng hagdan. Patungo siya roon sa dining area. Nagmartsa nalang ako papunta sa isang silid at napapangiti ako kapag naaalala si khyler. Binuksan ko itong pinto na ikinamula ko agad kaya isinara ko agad ito. Ang silid na iyon kasi roon ko siya nakitang nakasuot ng maskara at pula ang LED lights nung makita ko si khyler nakaraan. Ngayon maliwanag na.
Nagtungo naman ako sa isang silid. Pagkabukas ko palang nito ay nanlaki ang aking mata dahil dito niya ako dinala nung gagawin niya raw akong singer pero—AAAAAAAA>///<.
Isinara ko na itong pinto dahil naalala ko ang lahat ng pangyayari sa silid na iyon. Itong kabilang silid ay kay Lina. Binuksan ko ang isang silid na katabi lang rin ng silid ni Lina. Isa itong malaking silid kung saan rito nanatili ang mga bisita upang makapagpahinga. Ang ganda. Dito ang mga pinsan at kaibigan ni khyler natulog.
Ang linis ay walang bahid ng dumi o alikabok na parang hindi pa ito nagagamit na silid.Biglang bumukas ang pinto na ikinagulat ko sa gulat at napatalon pa ako sa pagkabigla.
“Pasensya na hija kung nagulat kita.” aniya na ikinakalma at ngiti ko.
Teka sino ito?
“Cleaning Lady ako rito at ng ibang mga kasama kong matagal nang naglilinis rito sa mansion hija. Pasenya ka na sa bigla kong pagbukas ng pinto.”
BINABASA MO ANG
OBSESSIVE MEN SERIES 1: KIDNAPPED BY BLCKSPADE STREAMER
RomanceSuzzy Deska is a daughter of the mafia and she is well-known in their university because of her beautiful face, anyone who sees her will really be fascinated by her. Unexpectedly, she was intrigued by a mysterious streamer who is also famous on his...