LINA’S POV
ANDITO ako ngayon sa labas para dama ang pag iihaw ng mga barbeque at ibang lamang dagat. Kung pwede ko lang isama rito sila Gilbert ay sila na agad inuna kong inihaw sa pang bbwiset nila sa akin sa buong araw. Inutusan kasi ako ni khyler na mag ihaw rito dahil may surprise raw siya kay Suzzy mamayang gabi.
May party na talagang ikinatuwa ko para naman makabonding ko rito si Suzzy sa labas at makapag swimming sa dagat na napakapresko ang tubig sa balat. Umalis kasi si khyler kasama iyong si Levie dahil bibili raw sila sa mall ng mga alak at ibang handa.
At as usual lahat kami may alam sa surprise ni khyler kay Suzzy at ang tanging walang alam lang ay sino pa ba? edi si Suzzy naku ang slow nyo talaga mga readers kemirut!
Makapag ihaw na nga lang at baka napàtay pa ako ng author nang wala sa oras rito eh.
Nasa loob si Suzzy ngayon at ang tanging kasama niya lang ngayon ay si yuan na busy palagi sa pagbabasa ng libro niyang napakakafal na mas makafal pa sa feslak nung kaibigan ni khyler kung makadekwat ng mga inihaw ko rito.
“Hoy! akala nyo bang dalawa hindi ko napapansin ang mga naihaw kong nababwasan nang dahil sa inyo huh? eh, kayo kaya ang mga ihaw rito na napakainit at usok!” bulyaw ko sa dalawa na ngumunguya ng barbecue.
“Kaya mo na iyan, Lina.” sabat ni Hance na ikinainit ng dugo ko lalo.
“Oo, nga. Ikaw naman ang inutusan ni khyler eh, bakit kami ang paghihihawin mo?” pang asar na sabi nung isa at ito talaga ang ikinaiinisan ko eh. Itong si Gilbert na nakakainis!
Binato ko sakanila iyong hawak kong pamaypay at hinangin lang iyon papalayo kaya naman tumakbo ako para habulin iyon. Ang malas kasi at iyong dalawa ang sumisira sa araw ko rito.
“Kaya mo iyan HAHAHHAHA. Lina!” natatawang sabi ni Hance.
“Go my Lina, Go. Go. Go Lina!” pag ccheer ni Gilbert kaya naman binato ko sakanya yung tsenelas ko sa sobrang inis at hindi pa tinamaan ang bwèset na iyon eh, naka-ilag ang loko!
“Ayusin nyo na nga iyong party doon, mag set up na kayo at baka dumating na sika khyler nang wala parin kayong nasisimulan hoy!” sigaw ko at ang mga loko nagtawanan lang at tumakbo palayo na talagang iniwan ang gawain ng mga bwèsit at ako lang naman ang gagawa nitong iniwan nilang gawain.
“Huwag na huwag lang kayong babalik rito mamaya kapag natapos na ako!!” sigaw ko ulit at nagpalakpakan pa ang mga bwèsit.
Nakita ko naman si Felix na kinakalikot ang guitara nya sa gilid kaya naman napangiti ako.
“Felix, tulungan mo ako mag set up ng party mamaya kapag natapos na ako sa mga inihaw ko rito at malapit naman na ako matapos eh.” malumanay na pagkasabi ko para tulungan ako nitong isang pinsan ni khyler.
“Ah, sgesge po.” sagot nito na ang galang ha?
Bumalik na ako sa pag-iihaw ko dahil kailangan ko nang matapos rito at mag sset-up pa kami nung party mamaya pagkatapos ko rito.
SUZZY'S POV
NAGTATAKA na talaga ako dahil halos sila umalis at may lakad na pati si khyler ay ganun rin. Si yuan lang ang kasama ko rito na tahimik na nagbabasa ng librong makapal.
Umupo ako habang nag-iisip kung bakit biglaan ang mga lakad ng mga iyon, lalo na si Lina na akala ko free siya whole week tapos ngayon meron raw siyang importanteng pupuntahan.
BINABASA MO ANG
OBSESSIVE MEN SERIES 1: KIDNAPPED BY BLCKSPADE STREAMER
RomanceSuzzy Deska is a daughter of the mafia and she is well-known in their university because of her beautiful face, anyone who sees her will really be fascinated by her. Unexpectedly, she was intrigued by a mysterious streamer who is also famous on his...