SUZZY'S POV
Mariin kong idinilat ang aking mata at iginala ang aking paningin sa paligid na ang makikita dito ay napaka well oraganize na book shelf at may study table roon na parang itong silid ay pag aari ng matalino at respetadong tao. Tama lang rin yung lambot ng kama na napakacomfy nito kaya siguro ang gaan ng pakiramdam ko dahil nakahiga ako sa ganitong kama.
May lampshade sa gilid ng kama na hindi ito masyado nakakasikaw o nakakaantok na parang katamtaman lang, napakagaan ng pakiramdam ko rito sa silid na ito.
Biglang bumukas yung pinto at iniluwa nito ay isang babae na papalapit sa akin kaya nagtataka ako kung bakit ito lalapit sa'akin ngayon.
“Nawalan ka nang malay dahil sa labis na pagkagutom, kailangan mong kumain” wika nito na parang ang tono ng pananalita nito ay isang professional na doctor.
Wala akong maalala kaya naman naguguluhan ako sa nangyayari ngayon, may inabot siyang isang baso ng tubig kaya kinuha ko iyon at ininom.
May kumatok sa pinto na agad naman tinungo iyon ng babae habang umiinom ako ng tubig ay nakatingin ako roon sa pinto nang may nag abot ng isang tray na pagkain pero tanging kamay lamang yung nakita ko sa nagbigay sa babae ng tray ng pagkain na napakabango at halatang napakasarap nito kaya bigla akong nakaramdam ng gutom dahil sa amoy ng pagkain na iyon.
“Oh eto, kumain ka para bumalik yung dati mong lakas.” wika nito at nilapag sa harap ko yung tray na ikinatakam ko lalo dahil mukhang masarap nga ito kaya agad kong kinuha yung kutsara at kumain na, unang subo palang ay nabuhayan na agad ako.
Napakasarap nito kaya kumain lang ako nang kumain na parang lahat ito ay kaya kong ubusin dahil talagang napakasarap at parang professional na chef ang nag luto nitong pagkain.
“Siya nga pala, My name is Celina Maureen Mendez but you can call me Lina for short.”wika ng babaeng iyon kaya napangiti ako at itinigil ang pagsubo at uminom ng tubig.
“Suzzy...Suzzy Deska.” nakangiti kong saad at napangiti siya na nag lahad pa ito ng kamay na agad kong hinawakan yung kamay niya at nakangiting nakikipag shake hands.
Ang weird tanging pangalan ko lang yung
naalala ko?“Napakagandang pangalan ah? Suzzy Deska right?” wika nito at tumango ako at sumubo ulit ng pagkain na napakasarap.
Umupo siya sa kama habang pinapanood lang ako kumain kaya inalok ko siya ng saging pero tumanggi ito kaya ako nalang kumain.
Napadighay ako sa sobrang busog ko ngayon na agad akong nag excuse kasi nakakahiya yung ginawa ko na may nakarinig pa ng pag dighay ko eh, ubos kona yung pagkaing nasa tray na agad niyang kinuha at naglakad palabas.
“Wait...” saad ko at huminto ito at nakangiting nilingon ako.
“Salamat Lina ah? at sorry pala sa biglaang pag dighay ko nakakahiya na narinig mo pa...”saad ko at tumango ito at ngumiti.
“Naku, wala iyon. Normal lang naman iyon kaya hindi mo na kailangan mag apologize pa, Suzzy. Oh siya kailangan ko muna ito ilabas ha?, babalik rin ako para makapag usap pa tayo.” wika nito kaya napangiti ako at ganun rin si Lina bago lumabas.
Naisipan kong lumabas na rin sa silid na ito nang mahagip ng aking paningin yung picture frame na malapit sa study table kaya agad ko iyon tinungo at kinuha ito, isa pala itong childhood picture na punong puno ng dumi na putik ang damit ng bata na abot langit ang ngiti nito kasama ang ibang mga kaibigan sa litrato na ito.

BINABASA MO ANG
OBSESSIVE MEN SERIES 1: KIDNAPPED BY BLCKSPADE STREAMER
RomansaSuzzy Deska is a daughter of the mafia and she is well-known in their university because of her beautiful face, anyone who sees her will really be fascinated by her. Unexpectedly, she was intrigued by a mysterious streamer who is also famous on his...