Chapter 1 - Meet "Shu"

1.7K 28 4
                                    

"SHUUU!" Nagdadabog akong pumasok sa condominium unit nya, derecho hanggang kwarto. Oo, may susi ako sa bahay nya.

Ayun. Naka-dapa pa sya sa kama, ang sarap ng tulog. Nakakabanas lang. Ang tagal na namin syang hinintay sa bahay ko, eh nasa Dream Land pa pala sya. Jusko lang talaga.

Binulabog ko ang malapad nyang kama... nag-iisa sya pero ang kama, queen-sized.

Wa-epek. Niyugyog ko na lang sya mismo.

"Shu, gising! Anong petsa na?!"

"Mmm..."

Naintindihan nyo? Yan lang ang sinagot nya sa kin habang nakapikit pa rin. Imbyerna.

"Shu!!!" Umalingawngaw na sa buong kwarto nya ang boses ko.

Naalimpungatan naman ang loko. Napabangon bigla. Tumingin sa paligid, tumingin sa cellphone, sabay tingin sa kin. Mukhang lost. Tapos natauhan.

"Kay! Anong ginagawa mo dito?" with matching kunot-noo sa kin.

Ayyy, ang ganda ng lolo mo, nakalimutan na yata ang lahat.

Tumaas ang kilay ko. "Holy Thursday na po ngayon. Pupunta tayo sa beach house namin sa Quezon. Remembeeer?" paalala ko.

Loading... Loading ang utak nya...

"Ahhh." Bumangon na sya at kumuha ng towel. "Ugh, sorry, puyat ako."

"Nasan ang mga gamit mo?"

"Naka-prepare na."

Lumabas na ko ng kwarto nya nang pumasok sya sa bathroom. Nag dial ako at tumawag sa pinaka matino kong friend na nasa bahay. Baka kasi namuti na ang mata ng mga naiwan doon.

"Hello, Julia?"

"Uy, ano? Nasan na si Enrique?"

"Ay nako te, kagigising lang. Nagsho-shower lang tapos pupunta na kami dyan."

"Okay. Naiinip na yung mga tao dito. Si Sam, binubunot na yung mga tanim mo."

By the way, that Sam is Julia's boyfriend.

At natauhan ako.

"Hoooy, tigilan nyo yung mga roses ko! Paborito ko yan." Galing ang mga iyon sa Mommy ni Shu na mahilig sa halaman. May flower farm sila sa Bulacan. Goin back...

"Hindi, hindi. Yung bermuda grass lang ang pinagti-tripan nya."

"Wag naman, masisira yung landscape ko..." nag-pout pa ko kahit di naman nila ako makikita.

"Eh di bilisan nyo na jan at bumalik ka na dito."

"Sige, sige," sagot ko. "Shu! Bilisan mo! Nasisiraan na ng bait si Sam!"

After 20 minutes, natapos din ang nagshower. Humilata muna ko sa sofa habang nagfe-Facebook. Wala man lang akong naririnig na kaluskos ng pagmamadali.

"Shu?"

"What?" walang emosyon na sagot nya.

"Nagmamadali ka na ba?"

"Yeah."

"Hindi obvious - ay kamote!" Kagulat! Bigla syang sumulpot sa taas ng sofa. Nakatingala pa naman ako!

"Tara na." Nauna na syang maglakad papunta sa pinto dala ang malaking sports bag na Nike.

Sumunod na lang ako palabas. "Yan lang dala mo?"

"Yep," he answered while locking the door. "May damit pa nga yata ako sa beach house nyo eh."

"Oh yes, yung naiwan mo last year. That is, kung hindi pa sila kinain ng daga."

"Ang gross mo."

Naglakad lang kami papunta sa bahay ko two streets away from his condominium. Iniwan nya na ang kotse nya kasi Starex ni Sam yung gagamitin.

Pagdating namin sa bahay...

Tulog na si Bianca.

Nagke-Candy Crush si Julia.

Nagbubunot pa rin ng damo si Sam.

At...

Bakit nakapila nang magkakasunod ang mga pocketbooks ko sa sahig? Sinundan ko ng tingin kung saan nakarating ang halos 60 books ko. At nasa dulo ng pila ang isa pa naming ka-tropa.

"Hoy Khalil, anong ginagawa mo?"

Tumawa ito nang nakakaloko. "Domino!" sabay tulak sa katabi nyang libro na nagpataob din sa mga kasunod nitong libro... hanggang sa umabot sa ulo ni Bianca.

"Aray! Anu yon?!" naalimpungatan ito.

"Puro ka kalokohan, tara na! Nasa labas na si Shu."

----------

MEDYO mahaba ang byahe mula sa subdivision namin sa Paranaque hanggang Quezon. Kaya tulog ang mga friends ko.

Si Sam ang nagdrive, at nasa passenger seat syempre si Julia. Nasa likod naman ng seat ko sina Khalil at Bianca. Katabi ko sa first row of seat sa loob ng Starex si Shu, na bumalik na sa Dream Land.

By the way, i just call him Shu, but his real name is Enrique Gil. Oh yeah, the Ne-yo of the Philippines. Fortunately (or unfortunately?) kaibigan ko sya. Matagal na. We have been together since i was in high school and he was in college. Friends ang parents namin and magkapitbahay kami sa Merville. Solong anak sya, solong anak din ako. Pero HINDI KAMI MAG-BESTFRIEND at HINDI DIN KAMI INA-ARRANGED MARRIAGE. Lilinawin ko lang habang maaga pa. Haha.

Sa barkada, ako lang ang tumatawag sa kanya ng "Shu"... it all started when...

"Hey, bakit mo ko binato ng notebook? Anong problema mo?" timpi ang galit nya sa kin, i could feel it. Salubong ang kilay nya at nameywang pa.

Palabas na sya ng bahay noon. Pinakiusapan sya ni Mama na ko na i-tutor ako sa Algebra. Ang hirap kasiii. Ang lolo mo, imbes na turuan ako, binigyan pa ko ng maraming sasagutan. "Practice makes perfect" daw. Sabay walk out. Sa sobrang inis ko, binato ko sya ng graphing notebook ko. Pasalamat sya yun ang una kong nadampot, hindi yung scientific calculator na may hardbound cover.

"Ang sungit mo na, ang suplado mo pa! For your information, hindi ko din gusto magpaturo sayo! Kung ayaw mo, di wag!" at ako naman ang nag-walk out paakyat sa kwarto ko.

Bwa-ha-ha-ha. I WON. Ako ang nakapag-walk out. Haba ng hair!

Mula noon, tinawag ko na syang "shu" - short for "shungit" at "shuplado". Galit na galit pa yan pag tinatawag ko ng ganyan dati, pero nasanay na din sya.

Want to know more about us? See you sa next chapter!

Ako Na Lang! (A KathQuen Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon