PAGKAGALING sa ATC, nag taxi na ko derecho sa bahay. Nag change lang ako ng damit at hindi na ko nag dinner. Wala akong gana. I tried to sleep the inis off, but I could not. So pumunta na lang ako sa salas at nanood ng tv. I tuned in to Cartoon Network pero nakatulala lang ako sa screen, hindi naman talaga ako nanonood.
Naalala ko yung scene sa ATC.
Sina Quen at Devon, magka-share sa isang table. Nag-uusap. Silang dalawa lang.
Parang umakyat yung dugo sa ulo ko at that very moment.
Hindi pala nagtatampo ha? Busy pala ha? It's my fault-it's my fault ka pa jan!
I was really pissed. Inulit nya nanaman yung ginawa nya just few days ago, na alam nya namang ikinagalit ko ng sobra.
Gusto ko syang lapitan and sabihing, "kung may problema ka sa kin, sabihin mo! hindi yung iniiwasan mo ko, and worse, nagsisinungaling ka pa!"
Pero hindi ko na ginawa yun syempre. Nag walk out na lang ako. The best part is, nakita nya ko. Pero hindi nya ko sinundan. At okay lang yun dahil ayokong gumawa ng eksena sa mall. Baka maka Sampal version 2.0 sya sa kin.
Nung nasa taxi na ko, tumatawag sya, but I turned off my phone. Wala ako sa mood makipag usap. Inis na inis talaga ako.
Add to the inis, kasama nya nanaman si Devon.
What the heck is going on between them?! Bakit ba ayaw nyang sabihin sa kin?!
I felt a familiar ache in my heart. Feeling of disappointment, broken ego, betrayal of trust.. Shet, ang bibigat nun. Pwede bang feeling of.. jealousy na lng?
Tama ba si Robi? I sighed.
Baka naman hindi talaga ako importante kay Shu. Nag a-assume lang ako. If iwas important, eh di hindi nya sana ginagawa 'to?
Naramdaman ko na lang na tumutulo nanaman yung luha ko, habang nanonood ng Tom and Jerry Kids, that is.
Dumadalas na yata ang pag-iyak ko in the past days dahil kay Quen.
Narinig ko na may nag-open ng gate then in a few seconds, yung front door naman ang nagbukas.
I knew it was him. Hindi ako tumingin sa pinto kahit alam kong nakatayo na sya don. He was staring at me for a while. Nakahalata yata ang magaling na lalaki na wala akong balak pansinin sya. He moved and grabbed the remote control tapos pinatay nya yung tv. Hindi parin ako nagre-react.
He kneeled in front of me, tapos yung dalawang kamay nya ipinatong nya sa sofa sa magkabilang side ng inuupuan ko.
"Kay."
Isang word pa lang nya, nag overflow nanaman yung luha ko.
Yung totoo, bakit ako umiiyak??? Hindi ko din alam! Parang may sariling buhay yung tear glands ko, bigla-bigla na lang nag aactivate!
Nag initiate na syang punasan yung mukha ko. Kebs lang ako, hindi ko sya pinigilan. Yung mata ko nakatutok pa rin sa tv, kahit naka-off na.
"Why do I have this feeling na kailangan kong mag explain?" He spoke again.
Deadmatology101.
"Hey, may meeting talaga kami ni ate Dhan sa ATC kanina. About yun sa upcoming concert ko. Si Devon, nakita ko lang din sya dun, may client presentation sya. Pareho kaming naghihintay. Si ate Dhan nandun din, nasa counter. Hindi mo ba nakita?"
"Bakit ka nag eexplain?" I asked him coldly.
"Eh bakit ka umiiyak?"
![](https://img.wattpad.com/cover/4830735-288-k198384.jpg)
BINABASA MO ANG
Ako Na Lang! (A KathQuen Series)
FanfictionThis story is an attempt to do away with my usual melodramatic stories. Hehe. Mas makulit, mas pasaway 'to. But it is still a KathQuen fan fiction and love story. Hopefully, you'll like it. Wag masyadong seryoso, chill lang! =) SPREAD THE LOVE <3