SEVEN DAYS. Pitong araw. Oo, t-in-agalog ko lang. Seriously though, iyan lang naman ang bilang ng mga araw na hindi kami nagkikita at nag-uusap ni Quen.
Hindi ko alam kung anong klaseng ka-busy-han meron sya or kung anong drama nya sa buhay. But...
he hasn't been answering my messages.
he wasn't picking up his phone when i called.
he wasn't home whenever i went there.
at higit sa lahat...
hindi ko din sya nakikita sa tv.
So NASAAN sya?
Tinago mo ba?!
Kidding aside... hindi ako sanay na nawawala sya ng ganyan. Ever since we became close, hindi pa tumatagal ng one week na hindi kami nagkikita. Five days are already long, and that only happened when he had provincial or international shows. But before he left or after he got back, makakausap ko agad sya. Agad-agad.
What on earth is happening???
Naisip ko yung last na usap namin. Ano bang problema? Wala naman di ba?
"Kath, are you okay?"
Magkasama kami ni Robi sa company car na dina-drive nya, pauwi nang Merville. Hatid-sundo na ko ng lolo nyo, binigyan sya ng kotse eh. Engineer daw kasi sya. Astig noh? Anyway..
"Ha? Ah, ano, oo okay lang." Or not. Tsss.
"Masama ba yung pakiramdam mo?"
I looked at him, puzzled. "Hindi naman. Bakit?"
"Mukha ka kasing may sakit."
I sighed and looked out the window. Uma-ambon pa naman. Lakas maka-emo! "Hindi, okay lang talaga ako. May iniisip lang ako, hindi ko kasi ma-figure out."
"Ano yun? Maybe i can help?"
"Wag na, okay lang yun." Dahil paano ko ba sasabihin sa kanya na nawawala si Quen at hindi ko mahagilap? So no na lang. "Uhm, may sinasabi ka ba?" Tumingin na ulit ako sa kanya. Hindi ko kinakaya ang droplets ng rain na tumatama sa bintana. Drama talaga!
"Oh. Uhm, i was asking if we can go out tomorrow night. Kung wala kang gagawin."
"Wala naman akong gagawin. Saturday eh. Pero for what? Tsaka saan tayo pupunta?"
He smiled a bit. Pero mejo walang effect ang smile nyang yon. I wondered why... Anyway, hinayaan ko syang magsalita.
"There's this place in Makati, napuntahan ko the other day. MoMo Cafe in Greenbelt. The food is good. Gusto sana kita isama."
"Ahh.. Sige. Okay lang naman. Kasama ba natin si Devon?" Last time we went out was the mall show nga sa Megamall.
"Hindi eh. I think may lakad din sya."
"Ganun?"
"Yeah. Hindi ba na-mention sayo ni Quen?"
"Anong na-mention?" Nagsalubong ang kilay ko. Anong kinalaman ng hindi pagsama ni Devon kay Quen?
"Well, i'm not really sure but i think they are seeing each other again."
Seeing each other again?! Eh kami nga hindi nagkikita noh! Anong 'seeing each other again' yan???
BINABASA MO ANG
Ako Na Lang! (A KathQuen Series)
FanfictionThis story is an attempt to do away with my usual melodramatic stories. Hehe. Mas makulit, mas pasaway 'to. But it is still a KathQuen fan fiction and love story. Hopefully, you'll like it. Wag masyadong seryoso, chill lang! =) SPREAD THE LOVE <3