EASTER Sunday. Time to go back to the reality of life. Tapos na ang bakasyon!
Well, super nakapag relax naman kami sa Quezon kahit paano. As in kain, swimming, kwentuhan at rest lang ang ginawa namin. Feeling ko lahat kami naging chubengbeng. Waaah.
Same seats kami sa van pabalik ng Manila - nasa front seat si Julia, nasa likod sina Bianca at Khalil, at katabi ko si Quen. Maaga kami umalis ng Quezon kasi may show pa yung pinaka sikat sa tropa... ako. Char. Syempre si Quen.
Anyway, dahil mga 6AM pa lang eh napilitan na kaming lahat bumangon at mag ayos ng mga gamit, deadbatt ang lahat. Si Bianca tulog. Si Khalil tulog. Si Julia tulog. Si Sam tu- joke! Sya kaya nagda-drive. Hehe.
Ako, nagising after 30 mins ng byahe. Si Quen pinilit hindi matulog para may kausap si Sam. Alam nyo na, ayaw naman nyang sa heaven na sya mag-show. At si San Pedro ang may hawak ng "We Love You, Enrique Gil" na tarp.
"Matulog ka na, shu. Ako naman magbabantay kay Sam. Shifting tayo," sabi ko. Iba na din kasi yung mata nya. Obvious na antok na antok pa.
"I'm okay." Umayos pa sya ng upo tapos kinuha yung bottled water. Uminom.
"Okay, sige, sabi mo eh."
Katahimikan. Pinapakiramdaman ko sya. Gume-gewang-gewang na yung ulo ya na nakasandal sa upuan. Imagine that!
Dahil maldita ako minsan, bigla akong nagsalita. "Shu, gutom ka?"
He jerked. "H-ha? Hindi, hindi."
KUWAWA. Parang patulog na tapos nagulat.
"Ahhh. okay." Evil grin. Hehe.
At maya-maya lang...
"Shu?" i called. "Shu... Yoohoo... Awooo..."
Waley. Tulog na sya nang bonggang-bongga. Nakapatong pa yung ulo sa balikat ko. O ha? Okay lang talaga sya. Okay na okay. TSS.
Hindi naman sa nagrereklamo ako... mabango naman yung hair nya. Hindi naman tumutulo laway nya. At di naman sya humihilik.
It's just that...
Hmm...
Strange.
----------
Pagdating namin sa Manila, kami ni Quen ang unang hinatid. Sa Makati at Mandaluyong areas pa kasi nakatira yung apat kaya village namin ang first stop.
Bumaba na kami sa bahay ko, tapos umalis na yung Starex. Papasok na sana kami para malagay yung mga gamit at makauwi na din sa condo nya si Quen, pero may tumawag sa min sa kalsada.
"Quen! Kath!"
Sabay kami napalingon ni Quen, pero hindi sya nagsalita.
So ako na lang. "Devon? Uy, you're back!"
By the way, before i forget my manners, let me introduce to you Devon. Dati din silang nakatira sa Merville, pero paiba-iba kasi ng destino yung daddy nya kaya umalis din sila after few months dun sa townhouse na ni-rent nila.
Curious ba kayo kung bakit na-speechless si Mr. Enrique Gil?
Ehem. Dati nya kasing niligawan yan...
Pero binasted sya.
Haba ng hair!
Eh hindi pa naman singer si Quen noon. Isa lang syang plain college student na nanligaw sa plain kapitbahay. Ayun, na-friendzone. WAHAHA. Tawa lang ako ng palihim kasi hindi pa kami close ni Shu that time. College na ko at graduate na sya nung naging smooth-sailing ang aming friendship.
Kidding aside, nakita ko naman noon na talagang affected si Quen sa pagkaka-basted sa kanya. But i did not know na affected pa rin sya sa muli nilang pagkikita.
A-W-K-W-A-R-D.
Kaya ako na ulit ang nag break ng ice.
"Uh, Devon, pasok ka. Kwentuhan tayo sa loob -"
"Uuwi na ko, Kay." si Quen nakatingin sa kin.
Once again... A-W-K-W-A-R-D.
"Sorry, i have to prepare already. See you around na lang." si Quen ulit, dun sa isa naman nakaharap.
In fairness, sinabi nya yan nang may ngiti sa kanyang mga labi, kahit na (i know, deep in my heart) pinilit nya lang yan.
Nung nakalayas na si Quen, pumasok kami ni Devon sa house ko.
----------
"Kamusta ka na? Bakit bigla ka na lang sumulpot ulit?" tanong ko. Nilapag ko yung juice sa center table.
Sulpot talaga eh noh, parang mushrooms lang.
"Na-call back si Daddy dun sa dati nya designation dito. Eh natuwa sya so sabi nya bumalik kami dito. Tapos magre-resign na sya."
"Saan ba kayo galing?"
"From here, pumunta kaming Cebu, mejo nagtagal kami doon. Tapos sa Gen San. Kaso ang hirap dun, mejo magulo. Kaya nagpalipat sya sa Palawan. Ngayon, gusto nya na talaga dito sa Manila mag-stay."
"Kamusta ba ang Mommy mo?"
"Not getting better. Kaya nga naisip din ni Dad, dito na lang sa Manila para malapit sa malalaking hospital... alam mo na. Kung sakaling kailanganin."
"I'm sorry to hear that."
May heart condition kasi ang mom nya, kaya din kahit saan pumunta ang daddy nya, kasama silang buong family, sila ng kapatid nya at ang mommy nya.
Mejo matagal pa kaming nagkwentuhan. Random stuff. Until may narinig kaming doorbell sa gate.
Si Quen. Sya agad naisip ko na bumalik.
Ano, hindi nakatiis? Gusto din makipag bonding?
Tumayo ako para buksan yung gate. "Wait lang ha."
"I think cousin ko yan," sagot ni Devon. "Sinabi ko na andito ako."
"Ah..."
Lumabas na kami ng sabay para tingnan yung nasa gate. Hindi nga si Quen.
Pero oy ah, ang cute nya. Yun ang una kong naisip. I swear. HAHA.
Pagbukas ko ng gate, pinakilala sa kin ni Devon ang cute na nilalang na naligaw sa aming bakuran.
"Kath, si Robi nga pala, pinsan ko."
----------
TENEEEN!
May new characters! Ayan, sila ang magbibigay yanig sa story na ito!
Meet Devon and Robi!
Palakpakan!
*toot toot*
May nag text...
Kath: Ang saya mo ah? Bet mo talaga kami pahirapan?
BWAHAHAHA.
BINABASA MO ANG
Ako Na Lang! (A KathQuen Series)
FanfikceThis story is an attempt to do away with my usual melodramatic stories. Hehe. Mas makulit, mas pasaway 'to. But it is still a KathQuen fan fiction and love story. Hopefully, you'll like it. Wag masyadong seryoso, chill lang! =) SPREAD THE LOVE <3