NAG-START na kaming mag-inuman (pagkatapos ni Julia na palayasin kami ni Quen sa kinauupuan namin). And no need for me to tell here kung ano ang mga napag kwentuhan namin althrougout the drinking session dahil napaka walang kentang mga bagay lang naman... gaano ka-walang kwenta? Here's a peek -
Bianca: Alam nyo bang bakla yung isa sa Telletubies?
Khalil: Sino?
Bianca: Si Tinky Winky!
Kung paano kami umabot sa Telletubies ay hindi ko din alam. Eto pa -
Julia: Anong sabi ng panda sa photographer?
Me: Ano?
Julia: Pa-picture po... yung colored ha?
At marami pang "anong sabi ng..." jokes. Pero eto ang hindi ko kinaya - dito ko nasabi sa lahat na tama na, lasing na talaga sila. At kailangan na naming itulog ang mga lutang naming utak.
Sam to Khalil: Pero seriously bro, ang ganda nung ginawa mong sand castle kanina. Hands up, pare, hands up!
Khalil: Talaga bro?
Sam: Oo!
Khalil: Bigyan ng jacket yan plus P5, 000! Ikaw ang bigatin!
ENOUGH. Sabi ko na eh, dapat di na ko nagkwento. Tsss.
Kung hinahanap nyo sa usapan si Quen, well, kaunti lang kasi ang speech nya. Alam nyo naman, pinapanindigan ag world title nya bilang suplado. Hmm, in fairness, may pagkatahimik naman kasi talaga yan eversince the world begun. At oy ah, hindi ko pa sya nakikitang nalasing dahil sobrang kontrolado ang pag inom.
Ehem, ako din naman. Good girl eh.
So ang ending ng gabi, kami ni Quen ang taga-ligpit ng kalat.
"Nasan na sila? Nakapasok na lahat?" tanong sa kin ni Quen nung pumasok ako sa kusina.
"Yep, nasa kwarto na sila. May naiwan pang plates sa labas?" Sya kasi ang nagpasok ng lahat ng hugasin. At ako naman ang dishwasher.
"Wala na. Eto na lahat."
Ang cute din talaga minsan ng mokong na 'to. Once a year, nakikita ko syang ganyan. Nagliligpit ng mesa, nagtatapon ng basura, nag i-stack ng plato, tuwing nasa out-of-town kami. Syempre, wala namang ibang gagawa nun. Alangan namang ako lang diba? Ang GANDA ko namang katulong.
Lumapit na ko sa sink para magsimula nang maghugas. Naupo naman si Quen sa mesa.
Nilingon ko sya. "Hindi ka pa matutulog?"
He shook his head. "Hindi pa naman ako inaantok."
"Aba'y dapat lang. Ang dami mong tulog kanina."
"Puyat nga kasi ako kagabi."
"May gig ka ba?"
"Oo, yung invitation sa Morato."
"Ahh."
Silence for a while.
"Ikaw, kamusta work mo?" sya naman nagtanong.
I gave him the is-this-for-real look. "Seriously, Shu? Nagca-catch up ba tayo?"
"Why not, hindi na din naman tayo nagkikita lately. Pag nagkikita tayo hindi naman tayo nakakapag usap."
BINABASA MO ANG
Ako Na Lang! (A KathQuen Series)
FanfictionThis story is an attempt to do away with my usual melodramatic stories. Hehe. Mas makulit, mas pasaway 'to. But it is still a KathQuen fan fiction and love story. Hopefully, you'll like it. Wag masyadong seryoso, chill lang! =) SPREAD THE LOVE <3