AALIS na dapat kami after ng show ni Quen, pero nag-signal sya sa kin na "wait lang". So we waited there, nakaupo lang kami sa audience area habang nag au-autograph signing sya ng album. Mejo matagal ha, ang haba kasi ng pila, pero naaliw naman ako kasi masaya ka-kwentuhan si Robi... sige na nga, si Devon na din. Hehe.
Sa wakas, natigil na ang kakatanong sa kin ni Cute tungkol sa min ni Quen - tungkol sa kin na lang ang tinatanong nya. Enebehhh, kilig much.
"Anong favorite color mo, Kath?" tanong nya out of the blue.
"Hmm, yellow and red. Why?"
"Wala lang, i just want to know," he answered tapos nag smile pa. "Anong favorite food mo?"
"Yung carbonarra, paborito namin yun ni Quen."
"Kaya magaling kang magluto nun?"
"Slight."
"Ahhh. Eh yung favorite mong flowers?"
Oh my gosh, bibigyan mo ba ko ng flowers? Ayoko mag assume, pero... eto na, nag aassume na ko. Waaahhh. "Uhm, roses."
"Anong color ng roses?"
"Green."
"Huh? May green rose ba?" nagtataka yung mukha nya.
Tumawa ako, di ko napigilan. "Biro lang. Red syempre." WUHAHAHA. Green rose? Ano yun, koreanovela? Joke.
"Ah, okay. Hmm..."
Mukhang nag iisip pa sya. Ayoko sanang i-burst ang bubble nya at sirain ang maganda naming moment sa pagku-kwentuhan pero nakakahalata na ko na panay ang sulyap ni Devon sa min at natatawa na din. So...
"Uy Robi, pasagutan mo na lang kaya ako ng slumbook para malaman mo lahat yan?"
"Eto naman, gusto ko lang naman maraming malaman about you. Na galing mismo sayo."
Eeehh yung feeling ko nag-blush ako? Kasi naman 'to si Robi eh, nakatingin pa sya ng straight sa kin nung sinabi nya yan!
"Yiiieee, iba na yan!" Devon teased. Tinusok-tusok pa yung braso ko.
Natawa si Robi; pati tuloy ako, natawa na nahiya. C'mon, mamon. Parang high school lang?
"Ehem." Someone from somewhere made a sound. Nung tumingala ako, nakatayo na pala malapit sa min si Quen.
"Tapos na ko. Let's go." Ang seryoso ng fez ng lolo mo.
"Uy hi, anjan ka na pala." Tumayo ako at sumabay sa kanya maglakad. Nasa likod namin sina Devon at Robi.
Hindi sya sumagot.
"Hey shu," tawag ko sa attention nya. Derecho lang kasi sya ng lakad, papunta na kami dun sa admin office exit.
Tumaas lang yung kilay nya, as if asking "What?"
Lumapit ako ng konti at bumulong. "Bipolar ka ba?"
"Huh?" kumunot lalo yung noo nya. Parang gulong-gulo na yung buhay nya, nagtanong lang naman ako.
"Kanina kasi ang saya-saya mo nung madaming tao, tapos ngayon ang gloomy nanaman ng aura mo," i bluntly said.
"I'm tired."
"Bakit nga pala pinahintay mo pa kami? Magta-taxi na dapat kami pauwi."
BINABASA MO ANG
Ako Na Lang! (A KathQuen Series)
FanfictionThis story is an attempt to do away with my usual melodramatic stories. Hehe. Mas makulit, mas pasaway 'to. But it is still a KathQuen fan fiction and love story. Hopefully, you'll like it. Wag masyadong seryoso, chill lang! =) SPREAD THE LOVE <3