Chapter 16 - The end...

796 21 5
                                    

You may want to play the song on the Youtube link, para intense.

And yes, this is the end...

----------

I WAS WATCHING Quen sleep.

Nasa Bulacan kami, sa bahay ng abuelo nya. He requested to be free from work for 2 days para madala nya ako sa province at maipakilala ako sa lolo at lola nya - take note, bilang girlfriend. Matagal ko na din naman kasing kilala yung mga close relatives nya, pero as family friend lang.

Kinabukasan na ang alis ko papuntang Singapore. We have spent the last few days before i leave together. Derecho na kong airport pagkagaling sa Bulacan.

Nasa flower farm nila kami, nagpapahinga sa kubo pagkatapos namin magtanim ng paborito kong roses. Konti lang ang itinanim namin pero pagod na pagod kami, kasi may habulan, kilitian, batuhan, at hampasan pa na kasama ang pagtatanim.

Kaya nakatulog sya.

Ako hindi makatulog, just like the previous nights.

I watched him habang natutulog sya sa taas ng mesa na gawa sa narra, sa loob ng kubo. Nakaupo ako sa isang upuan sa tabi ng mesa at nakatitig lang sa mukha nya.

Ang gwapo ng mahal ko.

Ni-trace ko ng isang daliri yung noo nya papunta sa tip ng ilong nyang matangos. Mga 30 minutes na din syang tulog, at gustung-gusto ko na syang gisingin para makapag-bonding na ulit kami.

"Shu?"

No answer. The subscriber cannot be reached ang peg.

"Shu, babe, gising na.."

"Hmm.." He made a sound and moved a little.

Yan, nakasilip ako ng kaunting pag asa na magigising na sya. Whammy, push your luck!

"Uyyy, gigising na yan.." I stood up and positioned my face over his. "Gising na, baby boy."

Pagmulat ng mata nya, nag smile ako ng malaking-malaki. "Good morning!"

Nagsmile din sya.. tapos pumikit ulit.

"Aba! Hoy Enrique, bumangon ka na jan! Tanghali na!" nameywang pa ko sa tabi ng mesa sabay palo sa braso nya. Ang panget na 'to, ini-snob ang beauty ko?!

Dumilat na ulit sya tapos tumawa sabay bangon. "Grabe naman Kay, ganyan mo ba ko gigisingin pag mag-asawa na tayo?" bumaba sya sa mesa sabay yakap sa kin with his face on my face. Face-to-face! "Kulang na lang sabihin mong, 'magsasaing ka pa tapos maglalaba ka pa'. Haha!" ginaya nya pa yung boses ko.

"Eh ayaw mo kasi gumising eh, sayang kaya yung araw!" reklamo ko.

"Uy, inaagawan mo na ko ng image ha. Ikaw na ang masungit ngayon. Akala ko ba ako yan?" nang aasar pa rin yung mukha nya.

Tinanggal ko na sya sa pagkaka-pulupot sa kin. Pulupot talaga. Ganyan yan eh, medyo clingy.

"Bahala ka na nga jan." Nag walk out ako palabas ng kubo sabay tawag sa lola nya. "Lola, si Quen ooohh!"

Lumabas si Lola Teresita sa maliit na opisina ng flower farm. "O, apo, bakit?"

"Si Quen, inaaway po ako."

"Inaaway? Bakit ka inaaway?"

"Lola, wag kang maniwala jan. Hindi lang nyan makuha yung gusto nyang kiss kaya yan nagta-tantrums."

Ako Na Lang! (A KathQuen Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon