"WHAT?!!"
Nagulat naman ako sa lakas ng boses ni Quen. Nag vibrate sa buong salas. "Y-yun yung binalita nya sa kin eh.."
"You mean magkasama kayo sa Singapore?" His eyes widened in disbelief.
"Yeah?" I answered confused. "Teka, bakit ba parang nagagalit ka?"
"Did you talk about that? You planned to go there together?!"
"No! Ngayon ko nga lang nalaman na nag apply pala sya eh." Yun naman yung totoo. Then I remembered na nabanggit ko yung about sa application kay Robi when I learned about it, nung araw na sabay kami umuwi. "Well, sinabi ko sa kanya that I'm going, pero hindi ko alam-"
"Pupunta ka don and kasama mo sya for two months!"
"Alam ko, wag mo kong sigawan!" Nainis na din ako. Kasi naman, bakit ba sya sumisigaw? Bakit ba sya galit? Ano naman kung kasama ko si Robi, di ba? Buti nga yun kasi first time ko sa Singapore eh.
He glared at me as he stood up from his seat.
"Huy, bakit ba galit na galit ka jan? Hello, open yung training for everyone. Anong gusto mong gawin ko, bawiin yung application nya? Sabihin na wag na syang sumama?"
He sighed violently tinalikuran nya ko and naglakad papunta sa pinto.
At dahil ayoko sa lahat eh yung wino-walk-out-an ako, sinundan ko sya. Humarang ako sa dadaanan nya. "Ano bang problema? Ayaw mo nun, may makakasama ako dun, hindi ka na mag-aalala sa kin. And buti nga, si Robi yun, hindi na sya iba sa tin."
"That's what I'm furious about! Sya yun! Bakit ba kailangan sunod sya ng sunod sayo?!"
"Hindi ko alam!" Nameywang pa ko. "And what's the big deal?"
"What's the big deal huh? You're asking me? Ang manhid mo naman!" He chuckled. "It's not a big deal for you kasi siguro gusto mo din na nandun sya!"
"What?!"
"Kasi may gusto ka din sa kanya and you really don't mind spending two months kasama sya!"
PAK!
Oo, sinampal ko sya. Kasi nakaka-offend na.
"Pupunta ako don for my career. TRABAHO. TRAINING. Hindi para lumandi katulad ng iniisip mo!"
He stared back at me. And I suddenly felt guilty for slapping him nung nakita kong nasaktan sya, physically and more than that.. His eyes reflected too much pain.
Namalayan ko na lang na lumabas na sya ng bahay ko. I was left dumbfounded.
----------
"UY Kath, tulala ka nanaman jan." That was China, my colleague. Well, dumaan sya sa table ko para lang sabihin yan.
Kasi naman.. I couldn't focus at my work the entire day. Nasa work station lang ako, but I wasn't really working. Naalala ko si Quen. Hindi maalis sa isip ko yung reaction nya nung sinampal ko sya. I can't believe na nasaktan ko sya nang ganun. I kept telling myself, he provoked me, kasalanan nya.. pero still, sobrang nagi-guilty pa rin ako.
I tried to dial his number more than 20 times already, hindi ko lang maituloy. Until finally, nagka-lakas na ko ng loob. I called him bago ako umalis ng office.
Nagri-ring na yung phone nya pero hindi ko pa alam kung anong sasabihin ko.
Bahala na.
BINABASA MO ANG
Ako Na Lang! (A KathQuen Series)
FanfictionThis story is an attempt to do away with my usual melodramatic stories. Hehe. Mas makulit, mas pasaway 'to. But it is still a KathQuen fan fiction and love story. Hopefully, you'll like it. Wag masyadong seryoso, chill lang! =) SPREAD THE LOVE <3