WOW HA, 8:00AM and somebody's disturbing me?! Ang aga ko na nga nagising kahapon, pati ba naman ngayon? It's Sunday, my goodness. Grr.
Inabot ko yung Blackberry ko na nasa gilid lang naman ng kama ko. Kapa-kapa din, hindi ko alam kung nasan na sya at tinatamad pa ko magmulat ng mata. Pinakinggan ko na lang kung saan galing yung tunog.
Gotcha.
Tinapat ko sa tenga ko yung cellphone pagka-click ng answer button; hindi ko na tiningnan sa screen kung sino ang nilalang na naglakas-loob na bulabugin ang masarap kong tulog.
"Hello?!"
"Morning. Gising na." Utos nung nasa kabilang line. Alam ko 'yung boses na yon eh.
"Shu, why? Ang aga mo naman manggising..."
"Get up na, simba tayo."
"Huh? Hindi ka ba na-inform na may afternoon at evening mass?!" mejo tumaas ng slight yung tono ko.
Sorry Lord, not that i don't want to be in Your presence ng early morning pero... ehhh... sobrang early naman po kasi.
"Mas okay kung maaga tayo magsimba para may magawa pa tayo after."
I groaned. "Wala ka bang lakad today?"
"You didn't do your assignment?"
ANO DAW? "Anong assignment?"
"Sa Day 1 ka lang pala magaling eh."
"Teka wait lang ha, ano ba yun?" Pasensya na hind pa kasi talaga umaandar ng matino ang utak ko sa mga panahon na yan.
"I thought this Operation MisShu is your idea. I'm helping you out now."
Then it hit me. Oo nga pala. "Ah yeah. May plan naman ako today eh. Naunahan mo lang ako.. At ginising mo pa ko."
"Bakit hindi mo alam na free ako today?"
"Hindi ko ma-contact si ate Dhan kagabi. Kaya manonood dapat ako ng ASAP mo ngayon."
"I'm excused from ASAP today."
"Okay. So anong gagawin natin?" pagulong-gulong pa rin ako sa kama.
"Attend the mass, then let's eat out."
"Sige na, sige na. Babangon na. Text you when i'm done preparing."
"Okay."
At ayan, napilitan na nga akong bumangon para sa Day 2 ng Operation MisShu.
----------
Sa Greenbelt kami pumunta para magsimba. We got there just in time for the 10AM mass pero sa bandang likod na kami napaupo. I was trying my best na hindi ma-distract... kasi naman, may group of girls na nagbubulungan malapit sa min. Ayokong makinig sa pinag-uusapan nila kasi nag start nang kumanta yung choir ng first worship song, pero ang gulo talaga nila.
"Oh my, si Enrique Gil yun di ba?"
"Oo nga! Ang gwapo nya."
"Matangkad pala sya sa personal?"
"Oo naman, halata naman sa tv eh."
"Sino yung kasama? Girlfriend nya?"
BINABASA MO ANG
Ako Na Lang! (A KathQuen Series)
FanfictionThis story is an attempt to do away with my usual melodramatic stories. Hehe. Mas makulit, mas pasaway 'to. But it is still a KathQuen fan fiction and love story. Hopefully, you'll like it. Wag masyadong seryoso, chill lang! =) SPREAD THE LOVE <3