Chapter 2 - We're NOT Bestfriends

1K 25 7
                                    

"HAAAAAH!" Buong puso't kaluluwa na hikab at pag-iinat ko pagkababa ng van - until i was gently pushed away. "Ano ba?!"

"Nakaharang ka, bababa din ako." TSSS. Si Mister Shu. At bumaba na nga sya ng van, pumunta sa likod at kinuha ang mga gamit.

Kinuha ko na din ang gamit ko and dumerecho kami sa loob ng resthouse. Sa family ng mother ko ang bahay na 'to na may sobrang lawak na front yard. A fence separated the house and lot to the beach. Lagi kaming pumupunta dito pag Holy Week. Kami ni Quen ang mainstay sa annual trip, iba-iba lang ang nakaksama namin. This time, ang friends ko from college ang bitbit ko - na nakilala na din naman ni Shu in many instances.

"Saan natin ilalagay yung mga isda and liempo na pang ihaw? Baka masira," ani Sam habang bitbit ang cooler ng frozen goods na baon namin.

Tumuro ako sa kitchen. "Doon sa ref. I-plug mo na lang kung naka-off."

"Malinis ba 'to?" Sam asked as he inspected the ref.

"Oo, may relatives kaming napunta dito from time to time para mag-stay or maglinis pag wala kami."

"Kath," si Julia naman. "Saan ang room natin?" Kahit naman kasi almost 1 year na silang magboyfriend ni Sam, hindi pa rin sila nagsasamang matulog sa isang kwarto pag outing. Takot lang ni Julia ma-preggy ng wala sa plano. Hihi!

"Yung nasa left," tapos bumaling ako kay Quen. "Shu, dun kayo sa right. Nandoon din yata yung mga gamit na naiwan mo last time. Sa closet."

"Ayt." Pumasok na sya sa kwarto dala ang bag nya.

Nagkanya-kanya na din kaming ayos ng supplies at personal stuff para masimulan na ang swimming at kainan.

----------

ANG LAMIG. ANG LAMIG-LAMIG.

Para kasi kaming mga batang nakawala sa haula nung makita ang dagat. Kahit yearly akong pupupunta sa place, sabik pa rin ako sa beach, wala naman kasing ganyan sa Manila.

So yun nga, ang tagal naming nagbabad na parang mga yagit na pinagkaitan ng kalayaan sa matagal na panahon. Actually, bata pa naman talaga ang age group namin. Sina Khalil, Bianca and ako, 21. Si Sam and Julia, 22. Si Quen? HULAAN NYO.

Clue: Between 24 and 26.

Oh yeah, at nakikisama pa rin sya sa min. Wala kasi syang ibang friends. BAKIT KAYA?

Ni-nu-ni-nu-ni-nu-ni...

Naramdaman kong may nagpatong ng jacket sa balikat ko.

"Hey, thanks," nilingon ko si Shu. Naka jersey jacket na din. Ang paborito nyang "EG" jersey jacket na red.

"Gawin na kaya natin yung bonfire? Parang mamatay ka na sa lamig eh," umupo sya sa tabi ko. Nasa front yard kami. May mga mababang wooden chairs na parang pinutol-putol na trunk ng puno at ibinaon sa lupa.

"Sige, tawagin mo na sila," utos ko habang sinusuot ang jacket.

"Bakit ka kasi nandito sa labas?"

"Nagluluto sila doon, wala akong maitulong," I honestly said. Open secret naman kay Quen ang kawalan ko ng talent na sumunod sa yapak sni Chef Boy Logro eh. "Tsaka sabi nina Bianca at Khalil susunod na daw sila -"

"Ehem, ehem."

Speaking of the minions. Naglakad na palapit ang dalawa.

"Nakaka-istorbo ba kami sa lovers?" si Bianca.

"Shatap," i said.

Quen just smiled sarcastically.

"Fine, fine, ayaw ng lovers. Ano kayo, bestfriends?" si Khalil.

"Hindi kami magbestfriend!" sabay na sagot namin ni Shu. At hindi kami galit, nagpapaliwanag lang.

Tumaas naman ng kamay ang mga ito, na parang suko na.

"Tara Khalil, start na lang natin yung bonfire," yaya ni Quen.

Nagstart na silang magdikit-dikit ng mga kahoy. Hawak naman ni Bianca yung lighter at bote ng gas. At ako naman, nakatunganga lang.

"O, eto na yung drinks." Lumabas na din sina Sam sa bahay. Hawak nya yung mga bote ng Tanduay ice.

"And pulutan," dagdag ni Julia na nakasunod na din. Hawak naman nya yung nilutong kropeck at ang specialty nyang buffalo wings.

"Puro makasalanan ang pagkain natin ha, nakakataba." Syempre, kunwari health concious ako. Pero kunwari lang yun.

"Wag kang kumain." Binara nanaman ako ni Shu. What's new? Hmp.

Tinaasan ko sya ng kilay. "Sinabi ko bang ayoko?"

He chuckled. "Kumo-comment ka pa kasi, kumain ka na lang."

"Hoy kayong magbestfriend, lumayas kayo jan at jan ko ipapatong ang food -"

"Hindi kami magbestfriend!" Chorus nanaman naming sagot.

Ang kukulit kasi!!!

----------

Oy ah, hindi sila magbestfriend. Ayan. Tandaan nyo para di kayo masigawan.

Vote and Comment din minsan. Hehe. =D

Ako Na Lang! (A KathQuen Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon