"ANAK, I'm sorry, hindi kami makakauwi jan sa Pilipinas sa birthday mo."
Yun ang sabi ni Mama after nya ko kamustahin. Nag long-distance call sya galing US.
"Ganun po ba? Bakit po, Ma? May problema ba jan?"
"Actually, nagkasakit kasi ang papa mo so nagpa-hospital kami."
"Po?! Anong sakit ni papa?" Nag alala naman ako syempre sa papa ko.
"No, hindi naman masyadong seryoso. Trankaso lang, na-overfatigue din sa trabaho. Pero nakalabas na sya ng hospital after 2 days."
"Bakit ngayon nyo lang po sinabi? Kailan pa yan?"
"Kahapon lang sya lumabas. Ayaw nga akong patawagin sayo at alam na magwo-worry ka. Eh hindi ko din naman matiis na hindi sabihin."
"Pero sure na po ba na okay si papa?"
"Oo, okay na sya. Pero ayoko pa rin na pumasok sya sa work at baka ma-stress nanaman. At eto nga, nagdecide ako na i-delay muna ang uwi jan. Isa pa, mejo napagastos din kami dito."
"Okay lang po, Ma. Every year naman, umuuwi kayo pag birthday ko. I understand. Basta, magpagaling na lang si Papa. Ako na lang ang magvi-visit jan one of these days."
Four years na silang wala sa Pilipinas mula nung ma-approve ang migration namin ni Mama. Si Papa, matagal nang nasa abroad, kasama ng Daddy ni Quen sa company. Sabay din umalis ang Mommy nya at Mama ko. Pareho kaming hindi sumama ni Quen kasi sya, ayaw nya talaga magwork sa ibang bansa. Ako naman, gusto ko gumraduate dito at hindi ko din feel tumira sa ibang bansa. Until nagkaroon nga ng shot sa showbiz si QUen, lalo na syang hindi nakaalis. Ayoko na din umalis, anyway, sa amin pa rin ang bahay sa Merville. Every year umuuwi sila Mama pag birthday ko, kasama na yung year ng college graduation ko na malapit din lang sa birthday ko.
"Naku naman anak, alam mo naman na gustung-gusto din naming umuuwi jan dahil nami-miss din namin ang Pilipinas. Mejo made-delay lang talaga ngayon pero uuwi kami jan, promise."
"Opo, opo, sige na po. No problem. Wag nyo na kong intindihin dito. Mag-skype na lang tayo sa birthday ko." Every week naman kami magka-skype kaya reguar din ang communication namin. Updated kami sa buhay ng isa't-isa.
"O sige. At nag-promise naman sa amin si Quen na sasamahan ka sa birthday mo so alam namin na hindi ka mag-isa jan."
Doon ako mas nagulat. "Si Quen po? Kailan nyo nakausap ang lalaking yun?"
O ha! O ha! Pati sa parents ko na nasa ibang bansa, nagpaparamdam sya - tapos sa kin, hindi?! Eh magkapitbahay lang kami? Anong kalokohan 'to?!
"Ha? Hindi ba nya nasabi sayo na dinalaw nya kami dito noong isang araw?"
Oh, by the way, 10 days na kaming hindi nagkikita nyan. Nadagdagan pa yung isang linggo na pinaghihimutok ko sa last chapter.
"Dinalaw?" I came to my senses. Aba't talaga ngang nakausap sya ng parents ko! "Ibig sabihin nanjan sya?!"
"Bakit parang gulat na gulat ka? Hindi ba sya nagsabi sayo na nagka-concert sila dito kaya dumaan sya dito sa bahay? Nagdinner pa nga kami kasama ang tito Enrique at Tita Bambi mo." Parents ni Quen yung na-mention ni Mama. "Pero ang alam ko sandali lang sila dito. Wala pa ba jan?"
Huminga ako ng malalim. Kailangan kong kumalma, baka masigawan ko pa ang sarili kong nanay dahil sa inis ko sa ISANG TAO DYAN.
"Never mind, Ma. Sige, balitaan ko na lang po kayo kung talagang sasamahan nya ko sa birthday ko." DUH, sasamahan your face, Quen! Hindi ka nga nagtetext eh!
BINABASA MO ANG
Ako Na Lang! (A KathQuen Series)
FanfictionThis story is an attempt to do away with my usual melodramatic stories. Hehe. Mas makulit, mas pasaway 'to. But it is still a KathQuen fan fiction and love story. Hopefully, you'll like it. Wag masyadong seryoso, chill lang! =) SPREAD THE LOVE <3