Maaga akong nagising para magluto ng breakfast, pero pagdating ko sa kusina, nakita ko na si Charis doon na nagluluto na ng pagkain namin. Lumapit ako sa kanya at napangiti ito nang makita niya ako. Binati ko ito at ganon din naman ang ginawa niya. Sinabi niya sa akin na mahimbing pang natutulog ang kanyang anak kaya iniwan niya muna ito sa kanilang kwarto.
Pasensya na at nakialam ako sa kusina ninyo. Gusto ko lang ipagluto kayo para pasasalamat na rin sa ginagawa niyo para sa akin. sabi nito at ngumiti ako.
Wala yon Kung asawa ka ni Arlo, syempre pamilya ka na. Ako na ang magluluto dyan at baka kung mapano ka pa.
Naku, walang mangyayari sa akin. Kahit nga noong pinagbubuntis ko si Daphne,kumikilos pa rin ako sa bahay. As long as nagpo-provide sa amin si Arlo kahit lagi siyang wala. bumuntong hininga ito. Natatakot nga ako at baka may nangyari na sa kanyang masama. Hindi siya nawawala ng ganito katagal.
Baka naman sumakay na talaga siya sa barko gaya ng una niyang plano para mas maging maganda pa ang future ninyo. sabi ko kahit maging ako ay hindi convince. Hayop na lalakeng yon! May babae palang iba at nakadalawa na silang anak, tapos ako lagi niyang binibitin. Kaya siguro wala na siyang energy pag ako na ang partner niya dahil may isa pa siyang partner. I wonder kung paano ang relasyon nilang dalawa? Masaya ba? Nag-aaway ba sila palagi? Hindi ko naman ito matanong sa babae dahil baka magtaka pa siya. Naku, huwag niya lang tangkain na agawin si Apollo sa akin at talaga namang giyera ang ibibigay ko sa kanya!
Papayagan ko naman siya, pero sana nagpaalam man lang. Lagi na siyang hinahanap ni Daphne at nauubusan na ako ng palusot sa kanya. Isa pa, nag-aalala rin ako sa isa pa naming baby. Hindi ko alam kung nandon pa siya pag nanganak na ako.
Was he with you nang ipanganak mo si Daphne? ngumiti ito at tumango.
Oo, siya pa mismo ang nagdala sa akin sa ospital. Tinulungan niya rin ako na alagaan ito and he tried his best naman. Uhm, kayo ni Sir Apollo? Matagal na ba kayong magkasama? saglit akong natigilan sa kanyang tanong.
Hindi pa naman, sandali pa lang pero super masaya ako sa kanya. sagot ko. Pasensya na kahapon, nagulat lang talaga ako.
AKo rin naman, akal ko may ibang babae na si Arlo. pilit naman akong natawa. Kung alam lang ni Charis na mag-asawa rin kami ni Arlo. Akala ko ako lang ang babae sa buhay niya pero mas may nauna pala sa akin! Anong naisip niya at niligawan niya ako at pinakasalan? Kaya kailangan ko talaga siyang makausap. Tinulungan ko siya sa pagluluto at saktong bumaba si Apollo kasama ang kanyang apo nang ihain na namin ang pagkain sa mesa. After our breakfast, naghanda na kami para pumunta sa ospital para magpa-checkup si Charis. Pinahiram ko siya ng damit para pamalit at may dala naman siyang pamalit sa kanyang anak. Nang ready na kaming lahat, sumakay kami sa sasakyan ni Apollo at pumunta na kami sa ospital.
Okay naman ang naging checkup nito at normal ang paglaki ng baby sa loob ng tiyan nito. Binigyan siya ng mga vitamins tapos ay sunod kaming pumunta sa supermarket para bumili ng mga kailangan ng mag-ina ni Arlo. Sinabihan sila ni Apollo na bilhin ang kanilang gusto na kinatuwa naman ng bata at naiiyak na naman si Charis habang nagpapasalamat siya sa amin. Nang matapos kaming mamili, nag-lunch kami sa isang restaurant, tapos ay hinatid na namin sila sa kanilang bahay. Masasabi ko na inaalagaan naman ni Arlo ang isa niyang pamilya ng mabuti. May sarili silang bahay at hindi sila umuupa lang.
Mag-iingat kayong dalawa, at pag umuwi si Arlo sabihan mo ko. sabi ni Arlo rito. Kung matagpuan ko naman siya, sasabihin ko kaagad sayo. bumaling siya sa bata at malambing niya rin na kinausap ito. Matapos kaming magpaalam, umuwi na rin kami. Pareho kaming pagod nang makapasok kami ng bahay. Bagsak akong umupo sa sofa at sumunod naman siya sa akin.
Napagod ako both emotionally and physically. Gusto ko na talagang matagpuan si Arlo para masakal ko siya at sabihin niya sa akin ang totoo kung bakit niya ako pinakasalan. Why did he pursue me kung may isang babae na pala sa kanyang buhay. Ni hindi ko man lang nahalata.
Arlois very convincing especially kung babae na ang involved. I hould have warn you, pero akala ko talaga nagbago na siya. He talks about you a lot at sinabi niya sa akin na ikaw ag babaeng gusto niyang pakasalan. Hindi mo lang alam kung gaano ako nagtiis. Gusto kong sabihin sa kanya na huwag kang pakasalan dahil gusto ko na ako ang maging asawa mo. I should have stop him, I should pursue you at hindi ko hinayaan ang anak ko na lokohin ka.
Gaya nga ng sinabi mo, inakala mo na nagbago na siya. Wala kang kasalanan In the first place, ako dapat ang tumanggi. I was a little doubtful with my feelings for him but when he proposed to me, I was happy because he treated me fairly. Wala akong kaalam-alam na niloloko na niya pala ako. Hindi ko naman kasi siya kinonfront about sa kanyang trabaho. He was doing well and hindi ko alam kung paano siya nag-provide sa akin at sa isa niyang pamilya.
I really dont know Minsan lang siyang humihingi ng pera sa akin. napaisip naman ako at ayoko itong isipin pero sumisingit siya sa utak ko.
Pa, sa tingin mo ba may babae ulit si Arlo? tanong ko sa kanya at natigilan naman siya.
Sana naman wala na, Diana Huwag niya naman sanang abandonahin si Charis at ang kanilang mga anak. Kung ikaw, nandito naman ako para sayo.
I would stay positive as possible, pero sana nga wala na bahagya siyang ngumiti at tumango.
******
Arlo! napalingon ang lalake sa pagtawag na yon na kanyang narinig kahit pa napakalakas ng sounds sa buong club. Akala niya kung sino na at bigla siyang kinabahan. Nakita niya ang kanyang kaibigan at medyo nabawasan ang kanyang kaba kahit konti lang. Hindi niya kalain na may makikita pa siyang kakilala niya rito. Lumapit ang kanyang kaibigan at malakas siya nitong tinapik sa kanyang likod. Gago ka! Anong ginagawa mo rito? tuwa niyang sabi. Teka, nakauwi ka na ba mula sa barko? tanong niya at uminom naman ako ng alak mula sa aking baso.
Ha? napakamot siya sa kanyang ulo dahil ang totoo ay hindi naman siya sumakay. May ibang agneda siya na nilakad at ngayon ay nakita na siya ng isa sa kanyang kaibigan. Paano niya ba malulusutan ito. Oo, parang ganon na nga.
Hindi ko akalain na makikita kita rito. Kasama mo ba si Diana? Hindi bat hindi siya mahilig sa ganitong lugar? sasagot sana siya nang bigla may yumakap sa kanyang mula sa likod.
Babe! sigaw ng babae at hinalikan siya nito sa pisngi. Napagod ako sa kakasayaw. Pakihawak muna ang phone ko, pupunta lang ako sa restroom. sabi nito. Kinuha naman niya ang cellphone nito at lumakad ito papunta sa CR. nagtataka na tumingin sa kanya ang kanyang kaibigan.
Babe? taka nitong sabi. Kakabalik mo lang, may iba ka na agad? tanong nito at napailing siya. Um-order siya ng maiinom at binigay niya ito sa kanyang kaibigan. Huwag mong sabihin na hiwalay na kayo ni Diana? malakas naman siyang bumuntong hininga at pinaupo niya ito sa stoll sa tabi niya.
Hindi ako sumakay sa barko, okay? Sinabi ko lang yon para makalayo sa boring kong asawa. sagot ko at uminom ulit. Hindi na ako masaya sa kanya kaya umalis ako.
Mas mabuting sinabi mo na lang kaysa niloloko mo pa siya. Alam ba nong bagong gorlfriend mo na may asawa ka?
Bakit ko naman sasabihin, pare? Okay naman kami tsaka ayoko na maghiwalay kami. Binibigay niya sa akin lahat ng gusto ko, mayaman yon, eh.
Mayaman? Kaya naman pala nakipagrealsyon ka sa kanya. Mas mukha pa siyang auntie mo, compare naman sa asawa mo na napakaganda. Mabuti at pumayag ka na pumunta rito na kasama siya.
Actually, dito kami nagkakilala. Mag-isa, kaya sinunggaban ko na. Swerte ko naman dahil marami siyang pera. Mas masaya ako sa kanya. napailing lang naman ito. Huwag mong sasabihin, pare, ah. Lalo na sa tatay ko, papatayin ako non.
Sigurado yan, pre! Ang gago mo talaga! Mas ginusto mo patalagang makasama ang isang babaeng mas matanda na sayo dahil lang sa pera. Sana hiniwalayan mo na lang si Diana, ang alam ko hindi naman siya mahirap. Hindi naman siya naghihirapa at ang ganda nga ng buhay niyo.
Ah, basta! Ayoko na sa kanya. Hindi ko naman talaga siya gusto. Masyado siyang malambing maalaga. Gusto ko yong may thrill.
Eh, di sana ginawan mo ng paraan para may thrill. Sa jowa mo ba ngayon may thrill ba? napatawa naman ako at inubos ang alak na nasa aking baso.
Wala, pero binibigyan niya ako ng maraming pera! tuwa niyng sabi at nagkatawanan silang dalawa. Nang bumalik ang kanyang nobya, niyaya siya nitong sumayaw at nagpaubaya naman siya. May gusto na naman kasi siyang ipabili rito kaya konting lambing lang, ibibigay nito kaagad. Mas maganda ang buhay niya ngayon kaysa sa dati kaya hindi na siya babalik pa doon! Bahala silang maghintay sa pag-uwi ko!
BINABASA MO ANG
Daddy-in-Laws
General FictionSumakay ang kanilang mga asawa sa barko para magtrabaho. At iniwan siila ng mga ito sa bahay ng kanilang mga ama para maalagaan silang mabuti. Wala na silang mga asawa at sila lang dalawa ang nakatira sa bahay na 'yon. Paano pag sa kanilang pagsasam...