Chapter 14

15.3K 61 0
                                    

Tumigil lang si Apollo sa pagpaparusa niya sa kanyang anak nang may dumating ng pilice at ambulance. Bumaba ang isang lalake sa police car na kasing laki ni Aopollo at mga kasama niya. Nag-iisa lang ito at nang makita nito ang nangyari, napailing lang ito. Napatingin si Apollo rito at nagbatian silang dalawa. Nagtaka naman ako kung sino ito at tinitigan ng mabuti ang lalake. Tumingin ito sa akin at tumango. Napakurap naman ako dahil may pagkakahawig sila ni Apollo. Teka, may kapatid ba siya? Tumingin rin ako kay Arlo na wala ng nalay at duguan na nakahiga sa daan.

BABE!!! tili ng babae na kasama niya kanina at nilapitan nito ang lalake. Sa ginawa ba naman ni Apollo, sino ba naman ang hindi mawawalan ng malay. Isa pa, hindi siya hinuhuli ng police at mukhang magkakilala sila. Dinaluhan ng babae si Arlo at umiiyak na ito. Kinuha ito ng mga paramedic na dumating at sinakay sa ambulance kasama na rin ang bago nitong karelasyon na mas matanda pa rito. Lumapit si Apollo sa akin at hinawakan niya ang aking mukha.

You okay? Sinaktan ka ba niya? alala niyang tanong sa akin at umiling naman ako.

Ayos lang ako, nawalan lang ako ng balance kanina. Ikaw? Ayos lang ba na ginawa mo yan kay Arlo? Humihinga pa ba siy? tanong ko at malakas naman siyang bumuntong hininga.

He will live pero huwag na niyang asahan na ituturing ko pa siyang anak ko pagkatapos lahat ng kanyang ginawa. Hayaan mo ang babae niya ngayon ang mag-alaga sa kanya. Okay lang kayo ni Charis? tanong niya. Si Daphne? Kawawa naman ang apo ko. kinuha niya sa akin ang bata na tumigil na sa pag-iyak at yumakap agad ito sa kanyang Lolo.

Charis? Ayos ka lang? tanong ko sa kanya. Tumingin ito sa akin tapos ay tumango lang ito. Parang may gusto siyang itanong, pero hindi niya na lang ituloy. Pupunta ba tayo sa ospital para tignan siya?

Next time pag humupa na ang galit ko sa kanya. By the way, this is my brother, si Kreed. Sorry kung hindi mo pa siya nakikilala. Sa ibang lugar kasi siya nadedestino saka lang siya na-assign rito. pakilala niya sa pilice na dumating. Binati kami ng kanyang kapatid at nakatitig lang ako rito habang nakikipag-shake hands ako sa kanya.

Hindi mo man lang nabanggit sa akin na may kapatid ka. ngumiti siya at hinapit niya ako sa aking bewang.

Baka kasi magkagusto ka sa kanya pabiro niyang sabi at natawa lang naman ako. Umuwi na tayo at pinagpipyestahan na tayo ng mga tao rito. tumango lang naman ako at lumakad na kami. Sumakay kami sa kanyang sasakyan at nagpaalam kami sa kanyang kapatid na nakatitig kay Charis. Napangiti naman ako ng konti at nang tumingin ako kay Charis, napansin ko na parang paiyak na siya. Kailangan na mag-usap kami pag-uwi namin.

Grabe! Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi sa amin ni Arlo. Hindi siya masaya sa akin? Ako nga ang indi masaya sa kanya, kahit nga sa kama, ang weak ng performanc eniya at siya pa talaga ang makapal ang mukha na sabihan yon! Buti nga sa kanya! Ewan ko na lang kung gustuhin pa siya ng babaeng kasama niya. Isang tingin ko pa lang doon, sa kanyang branded na suot mula ulo hanggang paa, siguradong ubod ng yaman ang babaeng yon. Kaya siguro hindi na bumalik at iniwan na lang ni Arlo ang kanyang mag-ina, at pati na rin ako. When did he become so selfish? Sabagay, magtataka pa ba ako kung ganon din naman siya pagmagkasiping kami.

Diana, pwede ba tayong mag-usap? sabi sa akin ni Charis nang makarating na kami sa bahay. Lumingon naman ako sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa akin pero namamasa na ang kanyang mga mata.

Sure tipid kong sagot at sinabihan ko si Apollo na patulugin niya muna ang kanyang apo sa kwarto. Pinaupo ko naman si Charis sa sala at kumuha muna ako ng maiinom para sa aming dalawa. Alam kong nagugukuhan ka sa sinabi ni Arlo kanina. simula ko nang mailagay ko ang mga baso na may laman na juice sa center table.

May naging relasyon ba kayo? agad niyang tanong at bumuntong hininga ako.

Nong una kong dumating rito at hinahanap mo siya, kinabahan talaga ako. Hindi ko alam kung bakit mo hinahanap ang asawa ko, eh.

Asawa mo? Si Arlo? Akala ko ba mag-partner kayo ni Apollo?! gulat na gulat niyang sabi.

Oo, sabihin na natin na nagloko ako at masa pinili ko na mas maging masaya sa piling ni Apollo. Gaya nga ng sinabi ko, dinala ako rito ni Arlo para tumira pansamantala para may kasama ako. Magtatrabaho siya sa barko at dito muna ako kay Apollo habang wala siya paraw daw may magbantay sa akin. I thought he was my husband at ako lang ang babae sa kanyang buhay. Dumating ka at mukhang mas nauna ka niyang nakilala kaysa sakin. You guys have a three years old daughter.

So ibig mong sabihin na niloko ka niya at habang umaalis siya at hindi bumabalik ng ilangaraw, kasama ka niya? tumango ako.

Wala akong alam na may asawa siyang iba, Charis. Akala ko ako lang angasawa niya. Hindi ako nagduda na may iba pala siyang inuuwian. I was his wife, kinasal kami at nandoon si Apollo at mga kaibigan niya at kaibigan ko na rin. We had a garden wedding and we are all happy.

Swerte mo ay may garden wedding kayo. Kami sa city hall lang, madalian pa dahil nabuntis ako. Pero hindi ko naman naramdaman na napilitan lang siya.

Im sorry at hindi ko sinabi sayo kaagad, buntis ka at ayoko na ma-stress pa. You look like tired and stress nang una tayong magkita. Gusto kitangawayin noon dahil inaangkin mo ang asawa ko. Pero nagloko rin naman ako at naging kami ni Apollo. Sana huwag mo akong i-judge dahil doon, sa kanya lang ako nakaramdam ng ganitong saya.

Diana, naging mabait ka sa akin at ang dami mo na rin naitulong. Totoo ba ang naging kasal niyo? Fake ba yong sa amin?

Hindi, Charis, walang nakarehistro na marriage certificate namin. Kayo ang legal and I can say na ako ang other woman. Inisip ko nga, kaya siguro ako dinala rito para makasama talaga ang lalakeng para sa akin at si Apollo yon.

Maswerte ka sa kanya, Diana, hangad ko ang kaligayahan ninyong dalawa. naluha na rin ako at nagyakap kaming dalawa. Masakit ang ginawa sa atin ni Arlo, pero ewan ko parang mas gumaan na ang pakiramdam ko ngayon nang makita ko siya. Nagpapasalamat rin ako at hindi siya bumalik sa buhay namin, at baka nagdusa rin ako sa kasama siya.

Oo nga, yon nga rin ang naisip ko. He;s going to be okay lalo na kung tatanggapin pa rin siya ng jowa niya ngayon. Pero satisfying din ang ginawa ni Arlo, feeling ko nakaganti na rin ako sa kanya. But I still need to talk to him. May gusto pa akong malaman mula sa kanya.

Ayoko na siyang makita pa. Magsisikap na lang ako para sa mga anak ko.

Nandito lang kami para tulungan ka at suportahan ka. Kaya huwag ka ng mahihiya sa amin. ngumiti siya at tumango. Matapos kaming mag-usap, pinagpahinga ko na siya dahil alam kong napagod siya sa nangyari kanina. Bumaba si Apollo at bahagya akong nagulat nang niyakap niya ako.

Ayos ka lang ba talaga? tanong niya sa akin. Naghiwalay kami at hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.

Oo nga, hindi naman ako sinaktan. napatingin ako sa kanyang kamay na namumula at medyo namamaga kaya hinila ko siya papunta sa kusina. Kumuha ako ng ice na binalutan ko ng towel at dinampi ko ito sa kanyang kamay. Mukhang pinuruhan mo naman ang anak mo, Apollo. Mabuti at hindi ka hinuli ng kapatid mo.

Naiintindihan naman niya, and I was just protecting you. Nakita naman ng lkahat ang ginawa niya. inis nitong sagot.

Kahit gaano pa ang inis mo sa kanya, nak mo pa rin si Arlo. Bibisitahin natin siya pag humupa na ang sitwasyon. Gusto ko rin siyang kausapin.

Fine Well give it a few days pag tuluyan ng bumalik ang kanyang huwisyo. ngumiti ako at hinalikan ko siya sa labi.

Daddy-in-LawsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon