Pagkalipas ng ilang araw, magksama kaming pumunta ni Apollo sa ospital para bisitahin namin ang kanyang anak. May dala kaming mga prutas at mga pictures ng kanyang anak noong nag-birthday ito. Hindi ko alam kung magugustuhan niya, pero sana naman may pakialam pa rin siya sa kanyang anak. Nang makarating kami sa kanyang kwarto, lumabas roon ang babae na kasama niya. Natigilan ito nang makita niya kami at agad na lumapit sa amin.
Anong ginagawa niyo rito? Sinaktan niyo si Arlo! At ikaw! bling nitong kay Apollo. Ama ka pa man niya pero sinaktan mo siya! Umalis kayo rito. matalim naman siyang tinignan ni Apollo.
Wala kang pakialam kung anong gawin ko sa anak ko. Besides, may msa karapatan ako na nandito dahil pamilya ako. Ikaw? Sino ka ba? inis niyang sabi sa babae at namilog ang mga mata nito. Wala kang karapatan na paalisin ako dahil anak ko ang nandyan. PInarusahan ko siya dahil yon ang nararapat. Now, I want you to stay her at kakausapin lang namin siya. Huwag kang mag-alala, wala na akong balak na patayin siya. pagkasabi nito, binuksan niya ang pinto at pumasok kami. Nadatnan namin si Arlo na nakaupo sa kama at nakasandig ang kanyang likod sa mg unan. Kapansin-pansin pa rin ang mga pasa niya sa mukha pero hindi na gaanong maga. Napalingon siya sa amin at natakot ito nang makita niya ang kanyang ama.
Pa A-anong ginagawa niyo rito? nanginginig ang boses nitong sabi.
Ayoko na sana kitang makita pa, Arlo. sabi ni Apollo. Pero gusto kang kumustahin ni Diana at kausapin. napatingin ito sa kanya. Nilagay ko ang mga prutas sa side tabel at binigay ko sa kanya ang mga pictures.
Mga pictures yan ni Daphne sa birthday niya. Baka gusto mo lang makita, masayang-masaya ang anak mo, pero ikaw pa rin ang hinahanap niya. sabi ko. Kumusta ka na? Mabuti naman at kasama mo pa rin ang girlfriend mo.
Bigla ka yatang nag-alala sa akin. Okay lang ako, mabuti at hindi ako pinatay ng ama ko. binalik niya sa akin ng pictures na pinagtaka ko. Kayo na ang bahala sa mag-iina ko, hindi ko sila deserved. walang gana niyang sabi. Sorry na rin at niloko kita, pero mukhang masaya naman kayong dalawa sa isat-isa.
Apollo, kung may asawa ka na bago pa tayo magkakilala, bakit mo pa ko niligawan? Bakit nagpakasal pa tayo kung fake naman lahat? tanong ko sa kanya at bahagya itong tumawa.
Gusto mong malaman ang dahilan? nakangisi nitong sabi. Dahil alam ko na gusto kang makuha ng ama ko. Nagkakilala tayo sa shop, hindi ba? Napansin ko na tinititigan ka niya kaya naman inunahan ko siya na pumorma sayo. natigilan naman ako sa kanyang sagot. Naisahan ko siya dahil ang babaeng gustong-gusto niya ay napasaakin. Nasayo na lahat, Pa, pero unang naging akin si Diana. Hinigit ni Apollo ang gown nito pero inawat ko siya.
Hayaan mo na siya Apollo Kaya pala ginawa mo dahil insecure ka sa iyong ama. Wow hindi ko akalain na napakababaw mo talagang lalake. You know what? Si Apollo talaga ang gusto ko at masayang-masaya na ako ngayon sa kanya. Salamat at sinala mo ako sa ama mo at iniwan mo kaming dalawa. I am not guilty anymore at sana maging masaya ang buhay mo, Arlo dahil nawala na lahat sayo pati na rin ang iyong ama. Ewan ko na lang kung may babalikan ka pa. Sana magtagal kayo ng babaeng kasama mo ngayon at hindi siya magasawa sayo.
Nagawa mong lokohin si Diana dahil sa akin. Hindi ako makapaniwala, Arlo, anak kita. Hind ba dapat tayo ang unang sumusuporta sa isat-isa? Pero nagawa mo yon para gantihan ako? What an arrogant jerk youve become. Ginawa ko ang lhat para mapalaki kita ng mayos, pero hindi pa rin ito naging sapat. I pity you, son, pagsisihan mo lhat ng ginawa mo at baka mahanap mo na talaga ang saya na sinasabi mo. bumuntong hininga si Apollo. Hindi na kami magtatagal pa, magpagaling ka. hinawakan ako ni Apollo sa kamay at hinila na niya ako palabas. Nandoon ang babae na naghihintay. Alagaan mo siya, at ikaw na ang bahala sa kanya. Salamat nga pala at nandito ka pa. Aaalis na kami at hindi na babalik pa. inirapan lang kami nito at pumasok na sa loob. Tuluyan na kaming umalis ni Apollo at hindi na nga kami bumalik pa. Hindi na rin namin nakita pa si Arlo at nag-move on na lang kami sa aming buhay.
BINABASA MO ANG
Daddy-in-Laws
General FictionSumakay ang kanilang mga asawa sa barko para magtrabaho. At iniwan siila ng mga ito sa bahay ng kanilang mga ama para maalagaan silang mabuti. Wala na silang mga asawa at sila lang dalawa ang nakatira sa bahay na 'yon. Paano pag sa kanilang pagsasam...