Act #53: Diary Exchange part 2 ♥

32 7 4
                                    


Abalang-abala ang mga tao sa palasyo. Inaayos nila ang nakalaang kwarto para sa magaganap na press conference para sa announcement ng kasal nina Prince Jao at Princess Areeya. Nakapagpasya na ang magkabilang partido ukol sa magiging araw ng kasal.

Nagsimula na ring dumating ang ilang mga piling tao sa media – mga photographer, videographer, reporter at magazine content writer. Inaasikaso sila ng mga staff at inihatid sa nakatakdang lamesa at upuan ng bawat isa.

Ilang minuto pa at lumabas na ang prinsipe at prinsesa. Awtomatikong nag-flash naman ang mga camera ng mga taga media. Nakaupo na sila nang mag-start ang press conference.

FLASH!

FLASH!

FLASH!

"Princess Areeya, can you show us your engagement ring?" sabi ng isang photographer.

Sumunod naman ang prinsesa at ipinakita sa lahat ang singsing nito. Masaya at proud niyang itinaas ang kanyang kamay.

"Look here too, please!"

Panay ngiti naman ni Princes Jao na nasa tabi niya. Pareho silang masaya at parang naggo-glow.

"Have you ever thought about which family you want to join after the wedding?" tanong ng isang reporter.

"We haven't yet," sagot ni Areeya.

"Are you going to have children?" tanong ng isa pang reporter.

"Yes, we will! I will do my best to have a bunch!" mabilis na sagot ni Prince Jao na abot-tenga ang ngiti.

"P-Prince J-Jao?!" bulalas ni Areeya. Nagulat siya naging sagot nito.

"What? You don't want children?" hinarap siya ni Prince Jao.

"Hi-Hindi naman sa g-ganon," namumulang sagot ng prinsesa rito.

"Then what? Do you hate me?" tanong ulit ni Prince Jao.

"I- I love you, Jao!" bulalas ni Areeya na pulang-pula ang buong mukha nito. Napadiretso pa ito sa pagkakaupo.

"Iyon lang at hindi mo dapat sinasabing gagawin mo ang best mo tungkol sa bagay na iyan sa publiko..." nahihiyang sabi pa ni prinsesa Areeya rito.

"Oh, okay... you love me," sabi naman ni Prince Jao na tila na-lovestruck ito sa prinsesa.

Nasaksihan ng mga taga media at press kung gaano ka-sweet ang prinsipe at prinsesa. Ang iba ay kinilig at natuwa sa dalawa. Ngunit may iba namang parang nainis o na-cringe sa nasaksihang eksena.

Pagkatapos ang ilang oras, maayos na natapos ang press conference sa palasyo. Na-klaro na rin ang ilang mga katanungang kailangan ng sagot mula sa dalawa.

Nagpaalam na sina prinsipe Jao at prinsesa Areeya. Babalik na kasi sa kanyang opisina para magtrabaho ang prinsipe samantalang babalik naman sa kanyang silid ang prinsesa upang mag-aral.

Parang kaylan lang noong pagkukunwari lamang ang lahat. Pero ngayon, nagmamahalan na talaga kaming dalawa.

Gayunman, nalalapit na ang araw ng aming kasal. Nakakasabik ngunit marami pang dapat isipan bago kami ikasal. Pagkatapos kasi ng kasal kailangan naming maging supportive sa isa't-isa.

Tahimik lang ang prinsesa habang binibihisan siya nina Miss Senna at Miss Ericka. Tuwang-tuwa naman ang dalawang maid kaya hindi nila napapansin ang paglalakbay ng isip ng prinsesa.

Pero kapag binabalikan ko ang mga nangyari, parang ako lamang ang na-saved...

Napabuntung-hininga siya ng kaunti. Matapos siyang mabihisan ng dalawang maid ay naupo na ito sa kanyang study table. Inilabas ang kanyang diary at nagsimulang mag-sulat doon.

Alam kong marami ang bumabagabag sa kanyang puso at isipan. Nariyan ang sugat na dulot ng digmaan at ang hidwaan sa kaniyang pamilya...

Kung kaya ko siyang suportahan emotionally, atleast man lang iyon ang kaya kong gawin para sa kanya...

"If you are worried or troubled, please tell me," sabi niya habang nagsusulat ito sa diary. Nang matapos itong magsulat, ipinatawag niya si Miss Ericka upang ibigay sa assistant ni Prince Jao ang diary.

Pagkaalis ni Miss Ericka ay napadungaw sa labas ng bintana ang prinsesa. Patuloy pa rin ito sa mga iniisip niya mula pa kanina.

Pero sa tingin ko, kung ang lahat ng bagay ay pagsasaluhan naming dalawa, ang ligaya ay mado-doble at ang sakit at lungkot ay mahahati...

Tumango-tango pa ang prinsesa sa naisip niyang iyon. Napuno siya ng pag-asa na makakaya nilang dalawa ang mga problemang kinakaharap ni prinsipe Jao.

Lumipas pa ang ilang oras ay bumalik na rin si Miss Ericka. "Princess Areeya, narito na po ang sagot ni Prince Jao sa inyong diary."

Sabik na sinalubong niya ito. Agad niyang binuklat ang diary at binasa ang naging sagot ng prinsipe.

"Lately, we've only been having fish for dinner. Once in a while, I want some real meat! It's not like I hate fish but rather as a young man, I want to eat more meat as possible. I'm objecting to seafood and now fish."

"Hahh...?" hindi makapaniwala si prinsesa Areeya sa naging sagot ng prinsipe. Parang disappointed tuloy siya na parang ang babaw lang ng gusting topic ng prinsipe. Parang binalewala niya ang pagce-care nito sa sulat.

Nagmartsa ang prinsesa patungo sa opisina ng prinsipe. "Reply more seriously!" asar niyang sabi rito pagkapasok sa loob.

Ibinaba ni prinsipe Jao ang mga hawak nitong dokumento saka hinarap ang prinsesa. "But lately, things have been better. There hasn't been any trouble and a certain someone is behaving himself," paliwanag niya rito.

"Well... then, do you have any requests on how I should respond to you?" tanong niya rito.

Natahimik lang ang prinsesa. Naisip niyang tama ang sinabi ni Jao sa kanya. Naging maayos nga naman nitong mga nagdaang araw. At wala naman nangyaring gulo o ano pa man.

"Alam ko na!" sambit ni prinsipe Jao. "It would make me happy if you were more proactive,"

Nagtaka ang prinsesa sa sinabi nito. "What do you mean by 'more proactive'?"

Sumilay ang pilyong ngiti mula sa labi ng prinsipe. Inilapit nito ang kanyang mukha sa prinsesa. Mga ilang centimeter na lang ang layo ng kanilang mga mukha sa isa't-isa. "Like, from now on, giving me a kiss occasionally,"

Namula agad ang mukha ng prinsesa sa narinig. "U-understood! I'll g-give it some...consideration!" nauutal dahil sa matinding kaba na bulalas niya rito. Awtomatiko ring dumistansya siya rito. Huminghay na lang ang prinsipe sa naging reaksyon ng prinsesa sa sinabi nito.

Sinulyapan siyang muli ni Areeya, "Pero, wala talagang problema? Kahit sa nakatatandang kapatid mo?"

"My brother? With regards to that, he's the one that's worried not me," sagot ni prinsipe Jao.

"Hah?" nagtaka ang prinsesa.

"Even though he has the crown, he's worrying about interference," paliwanag naman ng prinsipe.

Naunawaan naman ni prinsesa Areeya ang ibig sabihin ng prinsipe. It's politics – magulo at komplikado. At wala silang magagawa ukol sa bagay na iyon.

Missions for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon