Could this be a diary exchange?!
Mula noong kunin ni Prinsesa Areeya ang notebook na iniwanan ni Prinsipe Jao sa kanya, hindi na ito mapakali sa kanyang silid. Palaging namumula ang kanyang mga pisngi.
Magpapalitan kami ng diary ni Prince Jao!!! Anong gagawin ko? Anong dapat na isulat ko rito?
Kanina pa ito nakatitig sa kanyang notebook. Ilang sandali na rin ang lumipas pero wala pa rin siyang nasisimulan. Wala pa ring maisulat.
Dear Prince Jao, it’s the beginning of summer…
“Para namang liham na ‘yon.” Wika niya sa kanyang sarili saka binura ang naunang isinulat. “Ano bang dapat kong isulat?” napangalumbaba ito saka nag-isip.
Ayokong magsulat ng isang bagay na magpapamukha sa akin na parang tanga at baka hindi na niya ako magustuhan…
Sa isipin iyon ay bigla siyang natigilan. Parang natatakot siyang maayawan ng prinsipe gayong lagi naman niya itong iniiwasan at pinagsusungitan.
That’s not it!!!
Isa akong prinsesa so, kailangan kong magsulat ng kahit ano na hindi magpapahiya sa’kin!
Sa naisip niyang ‘yon ay bigla siyang nagkaroon ng motivation sa pagsusulat at determinasyong matapos agad iyon para maibigay kay Prince Jao.
“Sabi ng prinsesa, magi-exchange diaries daw sila ng mahal na prinsipe. Kaya huwag daw muna siyang abalahin.” Wika ni Miss Ericka sa kasama nitong si Miss Senna na may dalang tsaa.
“How sweet!” Kinikilig na sabi ni Miss Senna sa mahinang boses.
Makalipas ang ilang oras, natapos na rin ng prinsesa ang pagsusulat sa kanyang diary. Inayos niya muna ang kanyang sarili saka lumabas ng kanyang silid.
Papunta siya sa office ng prinsipe upang personal na ibigay ito sa kanya. Habang papalapit na ito sa office ay palakas naman ng palakas ang kabog ng kanyang dibdib. Napalunok siya nang nasa harap na siya ng opisina ni Jao.
This is it!
Nasabi niya sa kanyang sarili saka inihanda ang kanyang kamay upang kumatok sa pinto ng opisina ng prinsipe.
*TOK! TOK! TOK!
“Excuse me, Prince Jao. Nakita ko pong palakad-lakad na naman po ang mahal na prinsesa sa labas ng inyong opisina. At pinakiusapan niya po akong ibigay ko raw sa inyo ‘to.” Wika ng secretary ni Jao nang bumukas at pumasok ito sa office. Well, naduwag na naman ang ating prinsesa kaya hindi na naman niya hinarap ang prinsipe.:P
Napahinto sa kanyang ginagawa ang prinsipe dahil sa narinig. Tiningnan niya kung ano ‘yung pinabibigay ni Areeya sa kanya.
BINABASA MO ANG
Missions for Love
FanficA prince from the north kingdom and a princess from the south kingdom. What kind of relationship do they share? [my PRINCESS AND I version] Kathquen fanfic.