Act #12: Confusions part 1 ♥

275 25 9
                                    

 

 

“…Princess Areeya? May problema po ba? Mukhang wala po kayo sa sarili ngayong araw.” Puna sa kanya ng isang nurse subalit hindi siya nito napansin. Napabuntong-hininga lang siya habang nakatingin sa may bintana.

 

 

“Kung pagod na po kayo, mahal na prinsesa, maaari po tayong tumigil muna para magpahinga…” wikang muli ng nurse nang makalapit ito kay prinsesa Areeya.

 

 

“Ah…” nagulat pa ito nang nasa tabi na lang pala niya ang nurse na kanina pa pala siyang kinakausap. “O-okay lang ako… wag kayong mag-alala.”

 

 

Kasalukuyang nasa sentro sila ng Judeccah at gumagawa ng medical checkup para sa mga mamamayan at para sa mga naging biktima ng digmaan. Ito ay libre at laging ginaganap tuwing weekend sa pamumuno ni prinsesa Areeya.

 

 

Kahit alam nilang nag-aaral pa lang na maging doctor ang prinsesa ay hinahayaan pa rin nila itong tumulong at manggamot. Maliban na lamang sa mga may malalang karamdaman at sakit, ang doctor na kasama nila ang titingin.

 

 

Ang medical checkup na ito ng prinsesa ay para sa lahat, hindi lang para sa mga mamamayang katulad nila. Subalit walang nagpupuntang mga mamamayang mula sa kaharian nila prinsipe Jao.

 

 

Mula sa labas ay marami ang naghihintay na mga pasyente ng prinsesa. Maayos at inaasikaso sila ng ibang nurses.

 

 

“Nagpapasalamat ako dahil tinutulungan tayo ng prinsesa mismo. Wala siyang pag-aalinlangan kung tumulong.” Sabi ng isang matanda.

 

 

“Oo nga. At pinagbubutihan niya talaga ang kanyang pag-aaral ng medisina upang matulungan tayong mamamayan.” Sagot ng kausap nito sa labas.

 

 

“Bilib nga ako sa mahal na prinsesa. Noong kasagsagan ng digmaan, kulang na kulang tayo ng mga doctor at nurse para tumugon sa mga biktima at sundalo, subalit ang prinsesa Areeya kahit na estudyante pa lang siya ay hindi siya natakot na tumulong at pumunta sa lugar kung saan may digmaan. Nasa puso niya talaga ang pagtulong.” Kuwento pa ng isang naka-bandage na sundalo.

 

 

 

“Totoo yan. Wala siyang reklamo kahit madumihan pa ang suot niyang puting damit. Kahit pagod na siya ay inuuna pa rin niya ang mga nangangailangan…” dagdag pa ng isang sundalo na may parang stretcher sa kamay.

 

 

“Hmp! Maituturing bang mabuti ang isang babaeng ibinenta ang sarili para sa mga kalabang bansa? Nagpapatawa ba kayo?!” sabad ng isang may edad na ring lalaki na malapit sa mga nag-uusap. “Sa dinarami-rami ng mga lalaki sa mundo na maaari niyang piliin, bakit kailangang ang devil na prinsipe pa ang napili niya? Iyon ay matatawag na KATAKSILAN!”

Missions for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon