Act #4: A Tragic Tour at Judeccah ♥
<AREEYA’s POV>
“Hey, look! Ang prinsesa at prinsipe ay paparating!”
“Balita ko may gagawin silang tour sa bayan ngayong araw.”
“Mukhang gumaganda ang kanilang relasyon, di ba?”
Narinig kong usap-usapan ng mga mamamayan dito sa bayan ng Judeccah. Ang bayang ito ay matatagpuan sa pagitan ng Hilaga at Timog na kaharian. Dito naming napiling manirahan ni Prinsipe Jao upang mas lalong mapatibay ang kapayaan ng bawat kaharian.
Tingin ng mga tao ay masaya at maayos ang aming relasyon ng prinsipe ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, ang lahat ng ito ay palabas lamang. Pagkukunwari lamang para sa usaping pang-kapayaan. Dahil ang totoo’y hindi naman maganda ang pakikitungo namin sa isa’t-isa.
Nakapinta sa aming mga mukha ang kasiyahan habang nakikipagkamay sa mga taong aming nadaraanan. Malugod naming pinapakinggan kung ano man ang mga gustong sabihin sa amin ng mga mamamayan.
“Prinsesa Areeya, maaari po bang magpa-autograph?” ang masayang turan ng isang bata habang iniabot sa akin ang isang ballpen at papel.
“Heto na.” Nginitian ko ang munting bata saka ko ibinalik sa kanya ang papel kung saan nakasulat doon ang aking pangalan.
“Maraming salamat po mahal na prinsesa!” nag-bow siya sa akin saka mabilis na tumakbo paalis. Hinatid na lamang siya ng aking paningin.
Saglit na sumulyap ako kay Prinsipe Jao na noon ay kinakausap ang mga matatanda sa di kalayuan.
Mula noong magpa-presscon kami ay hindi na siya nagsalita pa. Ni hindi niya na rin ako kinausap o kinakausap man lang. At siya pa ang may ganang magalit, ganoon? Well, mabuti na rin iyon para sa akin…
Natigil lang ang aking pagmumuni-muni nang may lumapit sa akin na isang binatilyong mula sa aming kaharian.
“Mahal na prinsesa, maaari mo po bang dalawin sa aming bahay ang aking inang may sakit?” ang sabi ng binatilyo. Mukhang malungkot ito. Siguro ay may malubhang sakit ang kanyang ina.
“Sige. Nasaan ang inyong bahay?” ang tanong ko sa kanya.
“Dito po tayo, mahal na prinsesa. Sumunod lang po kayo sa akin.” Ang turan nito at nagsimula na itong maglakad patungo sa kanilang bahay. Tahimik akong sumunod sa kanya. Ni hindi ko na nasabi kay Prince Jao na sasamahan ko ang binatilyong ito sa bahay nila.
Para saan pang sabihin ko sa kanya? Hindi naman niya ako kinakausap.
Nasabi ko sa sarili ko nang bigla kong mapunang malayo-layo na rin ang aming nilakad.
“Malayo pa ba ang inyong bahay? Ilang minuto na rin ang ating nilakad…” tanong ko sa binatilyong kasama ko. Medyo napapagod na rin ako sa paglalakad.
“Malapit na ho mahal na prinsesa. Konting pasensiya po.” Sagot nito sa akin.
Ilang sandali pa’y narating din namin ang bahay nila. Una niya akong pinapasok sa loob. Nagtaka ako kong bakit medyo madilim ang bahay nila. Nakasarado ang mga bintana. Bakit kaya hindi nila iyon buksan?
“Welcome, Princess Areeya!” iyon ang bati sa akin ng mga nadatnan naming mga tao sa bahay ng sinamahan kong binatilyo. Nakakapagtaka dahil tatlo silang lalaki na nakaupo sa may lamesa ngunit wala naman ang sinasabi nitong ina.
BINABASA MO ANG
Missions for Love
FanficA prince from the north kingdom and a princess from the south kingdom. What kind of relationship do they share? [my PRINCESS AND I version] Kathquen fanfic.