Act #37: House Arrest ♥

77 11 2
                                    


"Gagamutin ko ang sugat mo, kaya akin na'ng kamay mo." Sabi ni Areeya.

"Okay." Sagot naman ng prinsipe.


Dahil sa mga nangyari, ang pagprotekta ng prinsipe kay Areeya at ang pagliligtas niya sa mga taong bayan laban sa mga bandidong magnanakaw, pinagpasyahan ng karamihan na i-house arrest ang prinsipe.


Kasalukuyan silang nasa abandonadong gusali na matatagpuan sa labas ng bayan. Doon na rin nagpasyang tumuloy ang prinsesa at ang mga kasama nito.


Bagamat naka-house arrest ang prinsipe, mayat-maya ang pagbabantay at pagmamasid ng ilang taong bayan sa kanya. Tila duda pa rin ang ilan sa mga ito sa prinsipe kahit na tinulungan niya ang mga ito.


"Tatanggalin ko na 'yung bandages, okay?" sabi ni Areeya.

"Hey, Areeya. That's not it." Saway ni Jao sa kanya. "That's cotton."

"Ah... sorry. Heto na..." natarantang wika niya.

May kinuha na naman ulit si Areeya. "Para sa pag-disinfect."

"No!" bulalas ni Jao. "How can you treat my wound without looking at me?"


Namula ang mukha ng prinsesa. Ang dahilan kung bakit nagkakamali ito sa mga gamit na hinahawakan ay dahil naka-half naked ang prinsipe – meaning, wala itong suot na damit pang-itaas.


At napa-fluster ang prinsesa dahil nahihiya itong tumingin sa hubad na katawan ng prinsipe. Nakapikit itong humaharap sa prinsipe. Kinakabahan ito at malakas na malakas talaga ang tibok ng puso niya. Dagdag pang sila lang dalawa sa loob ng silid.


"P-pero kasi..." nag-iwas ng tingin ang prinsesa.


Bigla siyang hinawakan sa magkabilang pisngi ng prinsipe. Iniharap niya ang mukha nito sa kanya.

"Hey, look at me..." wika niya.

Dahil sa ginawang iyon ng prinsipe, biglang nataranta ang prinsesa at hindi sinasadyang maitulak siya nito.


"Ouch!" bulalas ni Jao. "What are you doing? I'm an injured person."

"Lumayo ka sa'kin!" sabi naman ni Areeya.


Sa nasaksihang eksenang 'yun ng mga taong nagbabantay, bigla na lamang silang umalis sa gusaling iyon. Tila naiirita ang mga ito sa 'lover's quarrel' ng dalawa.


++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++


"Princess, namumula ng sobra ang inyong mukha. May lagnat po ba kayo?" tanong ni Miss Senna habang naglalaba sila.


"Kayang-kaya na namin ang paglalaba nito, mahal na prinsesa. Kaya hindi mo na kailangan pang tumulong kung may sakit po kayo." Sabi naman ni Miss Ericka.

"O-okay lang ako. Wala akong sakit o ano man." Sagot ni Areeya.


Kahit na sabihin kong wala lang 'to...

Missions for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon