Act #24: It's a Trap! 2 ♥

101 14 4
                                    


[AREEYA's POV]



I don't know why...


But whenever he smiles at me, or treats me nicely, my heart beats even faster.


He said that it means I "love" him...


Sa tingin ko, hindi 'yun ang dahilan!


Pero kung ganon nga talaga iyon, marami pa akong mahal gaya ng pamilya ko at 'yung mga taong pinagsisilbihan ako...


Gayunman, bakit sa kanya lang tumitibok ng mabilis ang puso ko?


At higit sa lahat, bakit ako lang ang nakadarama nito?


Sa isiping iyon ay hindi ko namalayang napabuntung-hininga ako ng marahas. Napansin tuloy iyon ni Prince Jao. Kasalukuyang nakaupo kami sa ilalim ng puno at naghihintay sa mga kasama namin.


Humihip ang malakas na hangin at nagsasayaw ang mga puno at naglaglagan ang mga dahon. Nagulat ako ng biglang hawakan ako sa buhok ni Jao.


Binigyan niya ako ng napakatamis na ngiti.


Nagkatitigan kami subalit sa taranta ko ay nahablot ko yung isang sanga at naihampas iyon sa kanya.


"W-wait! What are you doing all of a sudden?!" bulalas niya habang sinasalag ang mga hampas ko ng kanyang braso. "There was a leaf on your hair so I only took it off, alright!? Stop over reacting."


"But I still hate it after all, since my heart feels like it's jumping out!" napapikit kong sigaw sa kanya sabay tayo sa kinauupuan ko.


"Like I said that means you love me!" sagot niya saka tumayo na rin ito. "Come on, realize it already."


"I mean, you look like there's nothing wrong with you, Prince Jao!" tinalikuran ko siya pagkasabi no'n. Ayoko kasing makita niya ang pamumula ng mukha ko.


Hinawakan niya ako sa may balikat. "How can I seem like there's nothing wrong with me?"


Sa pagkakahawak niya sa aking balikat ay bigla akong napalingon sa kanya. Nagtama ang aming mga paningin.


"I'm a complete mess here..." mahinang sabi niya.


Nagulat ako sa kanyang facial expression ng mga sandaling iyon. Ngayon ko lang siya nakitang ganon. I mean, he's so sincere and full of affection.


"Jao..." tanging nausal ko.


Hinawakan niya ako sa pisngi at marahang iniangat ang ulo ko. Nagkatitigan kami. At hinayaan kong unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin.

Missions for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon