Act #34: Nazer ♥

84 13 2
                                    

"Nais ninyong magpunta ako sa bayan ng Azaleah? Ngayon na?" gulat na tanong ni Areeya sa kanyang ama isang umaga'ng dumalaw ito sa kanya.


"Tama." Wika ng mahal na hari. "May magaganap daw na pagtitipon at kasiyahan roon, isang malaking pista."


"Isang malaking pista..." pabulong na ulit ni Areeya.


"At nais kang imbitahang um-attend roon ni Ginoong Nazer, ang lalaking napag-usapan natin nong nakaraan." Dagdag pa ng kanyang ama.


Nagulat si Areeya.


"Pero ama, sinabi ko namang ayokong – " protesta ni Areeya.


"Alam ko ang iyong nararamdaman subalit sa mga nangyayari sa ngayon, ang mga mamamayan ay nawawalan na ng tiwala sa iyo." Marahang hinaplos siya sa balikat ng amang hari. "Hindi mo ito maaaring tanggihan dahil maaaring lumala lang ang sitwasyon."


Natahimik si Areeya saka napatungo.


"Nauunawaan kita subalit ikaw ang prinsesa ng bansang ito." Malungkot na patuloy ng hari. "Hindi maaaring sarili mo lang ang iniisip mo..."


Namula ang mukha ng prinsesa. Tila noon lang niya na-realize na hindi pala pwedeng sariling kapakanan lang niya ang kanyang iniisip. Kailangan din niyang isaalang-alang ang kanyang mga responsibilidad sa bansang ito.


-----------------------------------------------------------------------------


Samantala, kasalukuyang nasa border ng Hadasseah at Judeccah ang isang personal maid ni Princess Areeya. Lulan ito ng isang malaking truck na huminto doon dahil sa border check point.


"Excuse me, kailangan naming i-check ang laman ng inyong sasakyan bago makapasok sa bansang Hadasseah." Wika ng isang guard.


"Yes, please do." Sagot naman ni Miss Ericka.


"Ah, kayo po pala, Miss Ericka." Nasorpresa ang guard. "Ang sitwasyon sa ngayon ay sobrang gulo... kamusta na po ang mahal na prinsesa?"


"Malungkot pa rin, as usual..." malungkot ding sagot ni Miss Ericka. "Kaya naisip kong mas mabuti siguro kung sumigla ulit ang pakiramdam niya kahit konti lang..."


Tumango-tango ang guard.


"At kaya ako bumalik para kunin ang isang bagay na makakapagpasaya sa prinsesa..." dugtong pa ni Miss Ericka.


Habang abala sa pag-uusap ang isang guard at si Miss Ericka sa harap, nagtungo sa likod ng sasakyan ang isa pang guard. Hinawi nito ang telang nakatakip sa likod ng cargo truck.


"Excuse me..." sabi ng guard nang hawiin nito ang tela.


Missions for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon