UWAAAAAAHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!
STUPID PRINCE!!!
STUPID JAO!!!
Parang incantations ang mga salitang ito na paulit-ulit na isinisigaw ng prinsesa habang nakasubsob ito sa kanyang kama.
Halos kalahating-oras na rin itong umiiyak dahil sa ginawang 'pagtataboy' sa kanya ng prinsipe. Binabantayan naman siya ng dalawang personal maids niya.
"Tahan na, mahal na prinsesa..." nag-aalalang wika ni Miss Senna.
"Oo nga, princess. Alam niyo naman na kapag emergency, reliable talaga si Prince Jao. Kahit na ba mas madalas na ruthless siya." Sabi naman ni Miss Ericka.
"Kung iisipin, hindi ba't ganito rin ang kanyang ina noon? Palaging umiiyak kapag nag-away sila ng kanyang ama?" sabi ni Miss Senna.
"Tama ka diyan." Pagsang-ayon ni Miss Ericka. "At ang madalas na pag-awayan nila ay ang mga maliliit na bagay. Katulad noong nagpagupit ito at hindi agad napansin ng mahal na hari."
"Pero kahit na napaka-irrational nito, ang mahal na hari pa rin ang palaging unang humihingi ng tawad. Halos lumuhod nga ito noon, eh." Nagkatinginan ang dalawang maids. Masaya nilang inaalala ang nakaraan.
"Nahulog ang loob ng mahal na hari sa unang pagkikita nila at paulit-ulit niya itong sinuyong pakasalan siya nito. Minahal niya ng lubos ang ina ng prinsesa..." kwento ni Miss Ericka.
"Sa tingin ko nga, malaki ang pagkakatulad nina prinsipe Jao at prinsesa Areeya sa mga ito." Komento naman ni Miss Senna.
"Tama ka diyan." Sambit ni Miss Ericka. "Katulad na lang kung gaano sila ka-arogante... at kung paano nila i-spoil ang mahal na prinsesa."
Biglang bumangon ang prinsesa dahil sa narinig.
"Hindi sila magkatulad!" protesta nito sa dalawa. "Si Prince Jao ay mas mabait at mas kahanga-hanga kaysa kay Ama."
"Pero tinatawag mo siyang stupid kanina lang..." nagside-comment si Miss Ericka. Tumango naman ang katabi nitong si Miss Senna.
"Kung mahal mo talaga si prinsipe Jao, naging honest ka sana sa sarili mo at humingi ng tawad." Wika ni Miss Senna.
Kumalma naman ng kaunti ang prinsesa subalit patuloy pa rin sa pagdaloy ang kanyang mga luha. Lumapit ang dalawang maids sa kanya dala ang isang towel at lalagyan ng tsaa.
"Kaya tahan na, mahal na prinsesa. Nasisira ng mga luha mo ang napakaganda ninyong mukha..." sabi ni Miss Ericka habang pinapahid ng towel ang mga luha nito.
"Heto ang tsaa para ma-rehydrate ka, princess." Alok ni Miss Senna sa hawak nitong tsaa.
Ilang sandali ang lumipas, napakalma rin ng dalawa ang prinsesa. Namumula nang husto ang mukha nito tanda ng labis na pag-iyak niya kanina. Iniwan ng dalawang maids ang prinsesa ng umiinom na ito ng tsaa.
Nang mapag-isa ito sa kanyang silid, naroon pa rin ang lungkot na nadarama niya. Na-realize niya ang maling ginawa niya kanina kay prince Jao.
Talaga, bakit ko ba nasabi ang mga bagay na 'yon sa kanya?
I just simply love him.
Ngunit kapag kasama ko naman siya, hindi mapakali at parang may kirot ang puso ko. Ang pag-ibig ay sadyang mahirap intindihin...
Sa isiping iyon ay nagpalabas ng malalim na buntung-hininga si Areeya.
Siguro nga kailangan kong humingi ng tawad sa kanya ng mabuti...
Hihigop na lamang siya sa kanyang tsaa nang makarinig siya ng dalawang mahihinang katok mula sa bintana ng kanyang balcony. Lumingon siya roon at nagulat siya ng makitang naroon ang nakangiting si prinsipe Jao.
"Prince Jao!" sambit niya saka dali-daling lumapit rito.
"Are you still angry?" bungad na tanong ni Jao.
Pinagbuksan siya ng prinsesa.
"Did you sneak out to see me?! If anyone was to find you..." nag-aalalang tanong din ang sagot nito.
"Earlier, you went out of your way to come and see me even though you'll be scolded, right? And yet... I'm sorry." Prince Jao displayed an excruciatingly shy expression.
Areeya felt ashamed.
"A-ako dapat ang mag-sorry!" pulang-pula ang mukha at malakas ang kabog ng kanyang dibdib. "Nagalit na lang ako basta at napagsabihan kita ng masasakit na salita! P-pero kasi..."
Bahagyang yumuko ang prinsesa dahil sa matinding kabang nararamdaman. Napansin naman iyon agad ng prinsipe.
"Iniisip ko lang kasi kung ano'ng gagawin ko kapag napalayo ka sa'kin, at no'ng makita kita, parang nage-enjoy ka at nagsasaya lang... nag-alala ako na baka wala kang pakialam kung matuloy o hindi ang engagement natin..." nangingilid na naman ang mga luha ng prinsesa.
"I see... I'm sorry." Wika ni Jao.
Marahang hinaplos nito ang ulo ng prinsesa. Para siyang batang pinapatahan ng prinsipe.
"But that's not true." Patuloy ni Jao. "It's just that no matter what anyone says, my feelings won't change, and I know yours won't either. Am I wrong to think that way?"
Napatitig sa kanya ang prinsesa saka nag-shake ng ulo bilang tugon na hindi ito maling mag-isip ng ganon.
Napangiti ang prinsipe.
"Then everything will be fine." Sabi niya saka biglang niyakap ng mahigpit ang prinsesa.
"Jao..." gulat ang prinsesa.
Subalit hindi ito nagpilit na kumawala sa mahigpit na pagkakayakap nito sa kanya. Sa halip ay ipinatong niya ang kanyang ulo sa kanyang dibdib. Dinig na dinig niya ang malakas na kabog ng dibdib nito. Ipinikit niya ang kanyang mga mata saka gumanti ng yakap rito.
When I'm inside his arms,
My heart is still thumping like crazy...
When I just stay quietly this way,
It starts to feel really pleasant...
BINABASA MO ANG
Missions for Love
FanfictionA prince from the north kingdom and a princess from the south kingdom. What kind of relationship do they share? [my PRINCESS AND I version] Kathquen fanfic.