Jao...
Napabuntung-hininga ang prinsesa habang nakapangalumbaba ito malapit sa bintana. Pinagmamasdan niya ang kagandahan ng araw. Subalit medyo matamlay siya dahil may nami-miss siyang tao.
Isang linggo na rin ang nakalipas nang makabalik ang dalawa sa Judeccah mula sa kaharian ng Hadasseah. Lumilipas na lang ang araw na hindi pa rin sila nagkikita.
Ang dahilan?
Tambak ang trabaho ni Jao sa kanyang opisina. Marami siyang kailangang asikasuhing mga dokumento. Mahigpit rin siyang binabantayan ng dalawang assistant niya upang matapos o kahit maka-kalahati man lang ng prinsipe ang natambak na trabaho niya.
I know it can't be helped...
But I'm lonely...
Walang ganang ipinatong ni Areeya ang kanyang ulo sa desk. Nabo-bored siya sa kanyang kwarto pero wala naman siyang ganang kumilos ngayon, o lumabas.
"Princess Areeya, dumating na po 'yung exchange diary ninyo ng mahal na prinsipe." Masayang pumasok si Miss Senna sa kanyang silid.
Biglang nabuhayan si Areeya. Agad na binuksan ang diary. Kumislap ang mga mata niya nang mabasa ang isinulat roon ni Jao.
"Tomorrow I have the day off, so let's relax together." – Jao
"Magkikita at makakasama ko si Jao bukas!" natutuwang sabi niya sa dalawang maids.
"Ikinagagalak naming malaman ang magandang balita, princess." Sabi ni Miss Senna.
"Maghahanda ako ng magandang damit para bukas, prinsesa Areeya." Excited namang sabi ni Miss Ericka.
At dahil sa balitang iyon, pinaghandaang mabuti ni Areeya ang araw na 'yon. Nagplano siya ng ilang maliliit na activities para hind imaging boring ang kanilang date.
Kinabukasan, maaga siyang nagising. Tumulong din siyang maghanda ng picnic basket dahil sa garden sila magdi-date. Pinuno niya ng masasarap na pagkain ang basket. Tsaka masayang tinungo ang garden.
"Sorry kung pinaghintay kita ng matagal, Prince Jao..." ang ngiti sa labi ni Areeya ay unti-unting nawala sa nadatnang eksena. "Prince Jao!?"
Nakatayo si Prince Jao habang karga-karga ang isang bata lalaki. Malaki ang resemblance ng bata sa prinsipe.
"Sino ang batang 'yan?" tanong ni Areeya. Tapos biglang binalot ng takot ang mukha nito. "Don't tell me, a love child?!"
"No! He's my nephew!" mabilis na sagot ni Jao. "My older sister is here for a meeting and I was forced to babysit him."
"That's the reason he's with me." Dugtong pa ni Jao.
"Oh! I don't mind at all." Sabi naman ni Areeya. "Magkamukha talaga kayo. Ano'ng pangalan niya?"
"Niel. He's almost 3 years old." Sagot ni Jao.
Lumapit si Areeya sa kanilang dalawa.
"Nice to meet you, Prince Niel. I am Princess Areeya of Hadasseah. So cute!" natutuwang wika ni Areeya. "I hope today, we can become good friends."
BINABASA MO ANG
Missions for Love
FanfictionA prince from the north kingdom and a princess from the south kingdom. What kind of relationship do they share? [my PRINCESS AND I version] Kathquen fanfic.