Act #44: Scheme ♥

50 9 1
                                    


Makalipas ang ilang araw, naglabas ng opisyal na pahayag ang kaharian nina Areeya. Mabilis na kumalat ang balitang iyon sa buong bansa pati na rin sa mga kalapit nitong bansa.


Ayon sa inilabas na balita, walang kinalaman si Prinsipe Jao sa nangyaring massacre noon. Na wala siya noong mga panahong iyon at kasalukuyang nasa ibang lugar siya.


May kalakip itong mga patunay kagaya ng statements nina General Eliezer at Commander Zachariah kaya mas napagtibay ang katotohanan ng balita kumpara sa naunang balita patungkol sa insidenteng iyon.


At dahil doon, inihayag din ng palasyo na matutuloy ang nakatakdang engagement nina Princess Areeya at Prince Jao.


Nabunutan ng tinik sa dibdib ang mamamayan ng magkabilang bansa. Natuwa sila sa naging resulta nito.


------------------------------------------------------------------------------------------


PRINCE JAO WAS NOT INVOLVED IN THE MASSACRE

ONCE AGAIN, HIS ENGAGEMENT WITH PRINCESS AREEYA IS RESUMED


"Seems like our plan failed..." wika ng isang lalaki habang binabasa ang headlines ng newspaper.


"Please do not worry." Wika naman ng isang may edad ng lalaki na nakaupo.


"May mga nakaplano pa kaming paraan upang matanggal ang mga hadlang sa mga plano natin." Dugtong pa nito.


"Matapos ang ilang taong kinamuhian kami ng ibang lahi, ang tamang panahon ay malapit na." sabi naman ng kausap nito. "Be very cautious, Rowland."


Tusong ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Mr. Rowland.


"Ang lahat ng ito ay para sa pagbawi sa Judeccah. Upang maitayong muli ang aming kaharian, ang aming bansa." Mas tuso namang sabi nito sa kanya.


"Hmm, of course." Wika ni Rowland saka kinuha ang wine glass sa table sa harapan nila.


"Shall we?" tanong nito sa kanya saka itinaas ang hawak na wine glass.


Tumango lang si Rowland saka itinaas din ang hawak na wine glass. Itinaas rin niya ito sa katabing binata ng kausap.


Ang nag-iisang anak na lalaki ng bagong business partner ni Rowland, walang iba kundi si Nazer.


Ngumiti lang si Nazer sa ginoo. Subalit lingid sa ama nito ang kaunting protesta sa mukha nito. Parang ayaw niyang maging involved sa masamang binabalak ng mga ito subalit wala siyang magagawa.


Laging sunud-sunuran lang siya sa kanyang ama.


Pagkalipas ng ilang sandali, ini-excuse niya ang kanyang sarili upang makalabas sa kanilang mansiyon. Tila naririndi siya sa ingay ng mga panauhin ng kanyang ama. Nagpa-party kasi ito ngayon sa kanilang mansiyon.


Gusto niyang mapag-isa kahit sandali. Gusto niyang makahinga mula sa dami ng tao sa loob. Gusto niyang pag-isipan ang ilang mga bagay. Gusto niyang timbangin kung ano ba ang nararapat.


Napabuntung-hininga siya.


I couldn't possibly disobey my father,

Can I?





[ AUTHOR'S NOTE: Sorry, it's kinda short chapter. Pero please vote and comment po para malaman ko kung ano'ng masasabi niyo po sa story. At pag may mali po ako, comment po para ma-edit ko po. Salamat!]

Missions for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon