Act #33: Doubts 2♥

68 13 5
                                    


"Huwag ka nang malungkot, Areeya." Sabi ng ama nitong hari sa kanya. "Ipinahanda ko ang lahat ng mga paborito mong pagkain, kaya kumain ka."


Nanatiling tahamik lang sa inuupuan si Areeya. Nakatungo ito at walang ganang kumain kahit nasa harap niya ang lahat ng paborito at masasarap na pagkain.


Sinenyasan ng hari ang isang maid upang ibigay nito ang maliit na box na may nakataling ribbon.


"Ah, ito nga pala 'yung Ruby na nakuha namin sa bagong minahan noong nakaraan. Ibibigay ko na 'to sa'yo bilang regalo, Areeya. Maganda, hindi ba?" ipinakita ng hari ang laman ng box ngunit hindi iyon pinansin ng prinsesa.



Nagpumilit pa ring pasaiglahin ng hari ang kanyang anak na prinsesa. Kung anu-anong mga bagay ang ipinakita nito na sa tingin niya ay makakapagpasigla sa mood niya.



"Ang tagal na ring panahon nong huli tayong mag-bonding ng ganito, Areeya." Sabi pa ng hari. "Halika dito sa tabi ng 'papa' gaya nong ginagawa mo nong maliit ka pa..."



Pagkasabi non ay biglang hinawakan ng hari sa magkabilang balikat ang anak na prinsesa. Saka hinila itong paupo sa kanyang kandong. Noong bata kasi si Areeya, madalas itong umupo sa kandungan ng kanyang ama habang nagkukuwentuha o nagbabasa sila ng libro.



Subalit iba sa inaasahang reaksiyon ng anak ang nakuha ng mahal na hari. Sa halip na matuwa ang prinsesa, tila na-embarrass ito sa ginawa ng ama kaya nabigyan niya ito ng isang matunog na hampas sa kamay.



Saka mabilis na umalis sa silid na iyon.


"Oh my, are you okay, your highness?" tanong ng ilang maid na um-attend rito.



"Kung ganoon po talaga ang gagawin ninyo sa isang dalaga ng prinsesa, of course magagalit po talaga siya sa inyo, kamahalan." Sabi naman ng isa pa.



"S-sorry Areeya..." mahinang sambit ng hari.



Ilang araw na rin ang lumipas simula nang kumalat ang alingawngaw tungkol kay Prinsipe Jao na diumano'y kasali ito sa naganap na massacre noon sa bayan ng Azaleah.



May mga taong hindi naniniwala sa mga paratang sa kanya, mga sundalong saksi at nakikipaglaban sa hukbo ng prinsipe noong araw na nakasaad sa balita.



Ngunit karamihan sa mga mamamayan ay naniniwala sa balitang iyon. Nagagalit at sinisisi nila ang prinsipe dahil sa ginawa nitong panlilinlang sa kanila at sa prinsesa.

Missions for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon