Act #11: Useless efforts? ♥

267 28 9
                                    

 Act #11: Useless efforts? ♥

[Areeya's Paper Plane]

“Haha! Habulin mo’ko, Prince Jao.” Sabi ni Princess Areeya na lumingon pa sa prinsipe na nasa kanyang likuran.

“Ahaha! Wait for me, Areeya…” sabi naman ni prinsipe Jao na pinipilit humabol sa prinsesa.

Iyon ang nadatnang eksena ng dalawang tauhan ng prinsipe nang mapadaan sila sa may hardin.

“Akala ko nung una hindi magtatagal ang relasyon nilang dalawa, pero mukha namang habang tumatagal eh, nagkakasundo at nagmamahalan sila, di ba?” sabi nang isang tauhan ni Jao sa kasama nito na saglit na tumigil rin upang pagmasdan ang prinsipe at prinsesa.

“Oo nga. Kung magpapatuloy lang na ganito palagi… pero kapag naghiwalay yang dalawa eh sisiklab na naman ang kapayapaang pinakakaingatang wag masira.” Komento naman ng isa pa.

Subalit ang totoo, naghahabulan sila dahil nag-aaway sila. As usual, gusto na namang takasan ni prinsesa Areeya si prinsipe Jao. Ayaw na naman nitong harapin ang di nila pagkakaunawaan.

“I said wait.” Sabi ni prinsipe Jao nang malapit na nitong maabutan si Areeya subalit mas binilisan pa nitong tumakbo. Lumiko pa ito sa may mga halaman.

“Pero nagtataka ako kay prinsipe Jao, to think na siya ang tinaguriang bayani ng ating kaharian…yung dating karisma niya sa publiko ay medyo nasira hah.” Wika pa ng isa.

“Importante pa ba yon? Kitang-kita namang masaya ang prinsipe di ba ?” komento naman ng kasama nito. “Tara na nga. Baka makita pa tayong pinapanuod sila.”

Nang makaalis ang mga nadaang mga tauhan ni prinsipe Jao ay sakto namang naabutan na ng prinsipe ang tumatakas na prinsesa.

“Gotcha!” sambit nito sa sandaling maabot nito ang kanyang balikat.

Subalit hindi niya inaasahan ang counter attack ng prinsesa. Bigla nitong hinawakan ang kanyang kamay at pinilipit! “Tanggapin mo to!” sabi ng prinsesa.

Nawalan ng balance ang prinsipe sa biglang counter attack ni prinsesa Areeya kaya ito napahiga sa lupa. At agad na tumakbo patungo sa palasyo ang prinsesa.

“Hey wait!” sambit ng prinsipe habang bumabangon. Ngunit hindi siya pinansin ng prinsesa. “I told you to wait, shortie!!!” galit na sigaw ng prinsipe tsaka mabilis na hinabol ito.

Nataranta ang prinsesa nang marinig ang galit na sigaw ng prinsipe. Tumakbo siya ng mas mabilis ngunit huli na ng ma-realize niyang papunta na pala siya sa dulo.

“Too bad… it’s a dead end.” Nakangising sabi ni prinsipe Jao habang papalapit kay prinsesa Areeya na noon ay nagulat.

“You’re always like that… running away as soon as you look straight to my face.” Sabi ng prinsipe saka iniharang ang isang kamay nito sa pader kung saan nakaharap ang prinsesa. “You’ve been avoiding me recently, why?!”

“It is not just recently. I have never loved you from the start, Prince Jao.” Sagot ni prinsesa Areeya na nakatingin pa rin sa wall. “Magkasama tayo dahil iyon ang tanging paraan upang matigil ang digmaan. Hindi tayo tunay na nagmamahalan at magkasintahan…”

“That’s true. Pero lately, it’s been too much worse.” Mahina ang boses na wika ng prinsipe. “But…” sabi nito saka, “yesterday, I only bump into your shoulder a little bit then you scaredly move away! While having breakfast, I only asked you to pass me the salt but you ignored me.”

Nagrereklamo ang prinsipe sa asal ng prinsesa subalit hindi ito nagre-react man lang. Nanatili lang itong nakaharap sa pader at hindi kumikibo. Lalong nainis ang prinsipe.

“Hey! Are you even listening? Look at me when I’m talking, will ya?” naiinis na turan ng prinsipe sabay hawak sa pisngi ni prinsesa Areeya at iniharap sa mukha niya.

Iniangat ng dalawang kamay niya ang mukha ng prinsesa saka masuyong tinitigan ito. “Kung hindi kita ma-satisfied ng kung anumang bagay, please say it to me clearly. If you do so, I’ll try my very best para baguhin ang kaya kong baguhin…”

“It’s true that we need to be together for the sake of peace… but is it not time to open your heart to me already…?” wika pa ng prinsipe.

Napayuko ang prinsesa saka hinawakan ang mga kamay ng prinsipe. Nagulat ang prinsipe sa di inaasahang reaksyon nito. Tapos biglang lumundag.

Sapol ang noo ng prinsipe. Kulang ang salitang nabigla upang ilarawan ang reaksyon ni prinsipe Jao. Akalain mong marunong ng headbutt ang prinsesa Areeya. Saka mabilis itong tumakbo palayo.

“You little dork! I won’t forgive you!”  sigaw nito sa kanya habang hinahaplos ang kanyang noo.

Sandali lang din at sumunod din ang prinsipe subalit mukhang hindi na nito mahanap ang prinsesa. Mukhang nakapagtago na siyang mabuti.

“Where did you go shortie? Come out here.” Sabi nito habang tinatalunton nito ang mahabang pasilyo ng palasyo. Hindi napansin ni prinsipe Jao na nadaanan na pala niya ang pinagtataguan ng prinsesa.

[AREEYA’s POV]

Ah, ginawa ko na naman ulit… mahigit kalahating taon na rin mula nong mag-umpisang mag-date kami…

Noong una, akala ko si Prince Jao ay sarkastiko at violenteng tao kaya kinamumuhian ko siya… Sa mga nagdaang araw na kasama ko siyang namumuhay rito, hindi naman pala siya ganoon kasamang tao.

Siguro panahon na para ako naman ang makipaglapit ng loob sa kanya…

“Eto na ‘yun. Susubukan kong makipagusap ng normal sa kanya ngayon.” Medyo nagtatago ako sa mga halaman sa may hardin. Inaabangan ko kasing mapadaan si prince Jao. At hindi nga ako nagkamali dahil napadaan nga siya. Pero…

WHOOSH!!!

Pinulot ni Jao yung eroplanong papel na ibinato ko sa ulo niya. Sabi ko, makikipag-usap ng normal – normal na para sakin yung isulat sa papel ang sasabihin! Inunahan na naman ako ng hiya kaya hindi ko siya inapproach. >__<

“Maganda ang panahon ngayong araw, hindi ba?” tumingin sa direksyon kung nasaan ako si Jao pagkabasa nung nakasulat sa papel. “Kung may nais kang sabihin, sabihin mo sa aking harapan.”

Namula ako dahil sa pagkapahiya kaya umalis na lang akong bigla. Sa bandang huli, hindi ko pa rin talaga kayang makipag-usap sa kanya ng ‘normal’. I mean, yung normal talaga na conversation ng dalawang tao.

Kapag nasa harapan ko kasi siya, hindi ko kayang pakalmahin ang aking sarili. Kinakabog ang aking dibdib at iyon ang nagiging dahilan kung bakit lagi ko na lang siyang tinatakasan…

Siguro ganito talaga ang magiging resulta ng lahat kapag sinubukan kong makipaglapit sa taong kinamumuhian ko… useless efforts…

:(

Missions for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon