Act #54: Feud ♥

43 7 3
                                    


[ THE KINGDOM OF METENOIA ]

[ CITY OF OLIVIA ]

[ GRANDBLAISE PALACE ]


"Ang mga sabi-sabi tungkol sa kasal ni Prince Jao ay ang pinakapinag-uusapan ng mga mamamayan. Subalit dito sa loob ng palasyo ay mukhang tahimik ang mga narito." Sabi ng isang middle-aged na nakasalamin na lalaki.

"Aah, dahil 'yan sa kalagayan ng Crown Prince. Mukhang hindi pa rin bumubuti ang kalusugan nito," sabi ng kausap nitong matabang lalaki.

"Na naman? Taon-taon na yatang ganyan," napabungtong-hininga ang nakasalamin na lalaki. "At dahil nga diyan kaya maraming bagay ang naaantala, bakit hindi na lang kasi siya – "

"Shh!" sinita siya ng matabang lalaki na kausap nito dahil napansin nilang napadaan si Miss Erich malapit sa kinaroroonan nila.

Nag-bow lang ng kaunti si Miss Erich at saka ngumiti. Pilit lang iyon dahil narinig niyang lahat ang mga pinag-uusapan ng mga ito tungkol sa crown prince. Nagpatuloy itong maglakad dala-dala ang tray ng tubig, towel at mga gamot. Patungo ito sa kwarto ng crown prince.

Nang makalayo si Miss Erich, saka lang nagsalitang muli ang dalawa habang pinagmamasdan nila ito.

"Nasa kanya ang aking simpatya... dahil nalalabi na lang ang kanyang oras," wika ng nakasalamin na lalaki.

"Sa umpisa pa lang naman ay sumasalungat na siyang tanggapin ang kasalang iyan upang mabuo ang alyansa natin sa mga Hadasseah." Komento ng matabang lalaki.

"And on top of that, he must feel ashamed that he hasn't given rise to an heir." Nagtanguhan ang dalawang lalaki saka nagpatuloy na maglakad.

---------------------------------------


Pagkapasok sa silid ng crown prince ay agad na inilapag ni Miss Erich ang mga dala nito sa lamesa. Pinalitan niya ang mga dating nakalagay roon. Naglagay din siya ng bagong tubig at towel sa maliit na washbowl.

Nilapitan niya ang natutulog ng mahimbing na si Prince Joash. Pinalitan nito ang nilagay niya kanina na towel sa noo nito. Medyo bumababa na ang lagnat ng crown prince. Nakaramdam ng relief si Miss Erich.

Iniwan niya muna ito upang asikasuhin ang iba pang mga kelangan palitan sa silid nito. Hindi niya napansin na nanaginip pala ang prinsipe.


[ JOASH DREAM ]

Cough.

Cough..

"Hala, may lagnat na naman si Prince Joash!" nataranta ang mga maids na nagbabantay sa kanya. "Nasaan ang kamahalan?"

"Kasalukuyang nasa importanteng meeting pa ang kamahalan..." sagot ng isang guwardiya.

Maya-maya pa ay dumating ang mahal na hari.

"Are you okay, Joash?!" nag-aalalang bulalas nito pagdating sa silid ng anak.

"Father... Mother..." tila nagdedeliryo ang batang prinsipe. Panay pa rin ang pag-ubo nito.

"I'm here, Joash," wika ng kanyang amang hari.

Iminulat ng kaunti ng prinsipe ang kanyang mga mata. "Father...? Your work?" hirap man ay pinilit niya pa ring magsalita.

"Don't worry about it. You are more important than those kind of things," hinawakan siya ng kanyang ama at saka marahan siyang binuhat nito.

"Because you are my precious heir. This country's next king!" pahayag nito habang karga-karga niya ang batang si Prince Joash. "Illness won't beat you. Because papa will be by your side!"

Missions for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon