IKAW

52 3 0
                                    

*****


"Kuya sandali lang! Kuya tigil, sasakay po ako!" Sigaw ko habang hinahabol ang paalis na bus.

Mali-late na kasi ako sa klase ko. Istrikto pa naman ang professor namin.

"Puno na Miss, sa susunod ka na lang!" Naulinigan kong tugon ng konduktor.

"Kuya, kahit tayuan na lang. Please po!" Pakiusap ko.

Pero ayaw talagang huminto. Buti hindi pa masyadong mabilis ang takbo nito dahil sa motorcade. Nang matapat ako sa hulihang pinto ng bus, nagulat ako nang iabot niya sa akin ang kanyang kamay.

"Halika na!"

"Seryoso?"

"Bilisan mo na, maiiwan ka na! Kapit na sa kamay ko!" Sigaw niya nang bumibilis na ang takbo ng bus.

Sa mga pagkakataong ganito, walang puwang ang pag-iinarte kaya humawak ako agad sa kamay niya. Mabilis niya akong nahila paakyat ng bus. Dumiretso kami sa gitna kasi baka raw mahulog ako.

Siksikan, rush hour kasi. Oras ng pagpasok sa school at trabaho. Hindi maiwasang magkadikit kami. At sa tuwing magkakadikit ang aming mga braso, parang may kuryente. Biglang nanlamig ang mga palad ko at pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. Para bang ayaw ko nang matapos ang sandaling 'yon. Nang biglang mag-preno si mamang driver at ang mga pasaherong hindi pa nililisan ng antok ay biglang nabuhayan ng dugo.Kung hindi niya ako nahawakan sa baywang, malamang napayakap ako sa likod ng lalaking nasa harapan ko.

"Dahan-dahan naman kuya! Ayaw ko pang mag-last trip!" Sigaw ng isang pasahero.

"'Yong totoo, byaheng langit na ba 'to?" Sigaw rin ng isa pa.

"'Yon ay kung sa langit nga ang punta mo!" Sabat ng katabi niya na sa nakikita ko'y parang asawa niya.

"Ay sorry!" Sabi niya sa akin nang mapansin niyang naka-angkla pa ang braso niya sa baywang ko.

"Baka lang kasi mag-preno sa ulit bigla." Paliwanag niya.

Natawa siya sa sarili at napakamot ng ulo.

"Okay lang. Salamat ha?" Magiliw kong sagot.

"Wala 'yon."

"Ako nga pala si Shielo." Pakilala ko.

"Ang gandang pangalan naman. Ako naman si ---" Naputol ang pagpapakilala niya nang may biglang sumingit.

"Shielo!" Narinig kong tawag sa akin ng isang pamilyar na tinig.

Mayamaya, may kumakalabit na sa likod ko.

"Shielo, gising!"

"Miss Angeles! Natutulog ka na naman!"

Napadilat ako nang marinig ko ang galit na boses ng professor namin.

"Sir, sorry po. Nakatulog pala ako."

"Matulog ka kasi ng maaga para hindi ka napupuyat!"

"Sorry na po sir. Hindi na po mauulit, promise po."

"Talagang hindi na ito pwedeng maulit kung hindi ire-report na kita kay Dean."

"Naku sir, 'wag naman po."

"Kung ayaw mong makarating ito kay Dean, 'wag kang matutulog sa oras ng klase mo. Maling attitude 'yan, Dean's lister ka pa naman."

"Yes sir."

"Sinayang mo na naman ang isang araw mo. Wala kang natutunan ngayon dahil tulog ka."

"Sorry po talaga."

A DREAMLAND JOURNEYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon