*****
~ Entry at CHRISTMAS THEME WRITING CONTEST by TheLadyInBlack09 ~
Pasko na naman pero hindi katulad noon, mag-isa na lang akong sasalubong dito ngayon. Sampung taon pa lang ako nang mamatay ang aking ina sa isang aksidente sa kalsada. Tatlong taon pa lang ang nakalilipas nang pagbabarilin naman ang aking ama ng hindi nakilalang lalaki. Ilang buwan siyang nakipagbuno kay kamatayan at sa huli ay natalo rin siya nito. Si Manang Nena naman na itinuring kong pangalawang ina ay namatay naman sa pananaksak ng magnanakaw na nanloob sa amin. Lahat ng insidenteng 'yon ay nangyari sa loob ng buwan ng Disyembre. Ganoon pa man, hindi ako galit sa pasko. Kahit mag-isa, ipinagdiriwang ko pa rin ito. Kailangan kong maging matatag at matapang dahil ako na lang mag-isa. Ang sarili ko na lang ang tanging maaasahan ko.
Ako si Lara Santillan. Ang naiwang yaman ng aking mga magulang ay ginagamit ko upang makatulong sa kapwa. Pinili kong maging isang simpleng empleyada. Mabuhay ng normal at hindi nagpapabulag sa karangyaan.
Naglalakad ako pauwi nang mapansin kong tila may sumusunod sa akin. Tila may nagbabadyang panganib sa madilim na daan na aking binabagtas. Binilisan ko ang aking mga hakbang. Tensiyonado ang aking buong katawan. Pakiramdam ko ay may biglang dadakma sa aking likuran anumang oras.
Mayamaya lamang ay may biglang sumunggab sa akin at pilit inaagaw ang aking bag. Nanlaban ako at nakipagbuno sa lalaking doble ang lakas kaysa sa akin. Sinuntok niya ako sa tiyan kaya't nabitawan ko ang aking bag. Nanghina ako at napahandusay sa sakit hanggang sa unti-unting magdilim ang aking paningin. Nagising na lang ako sa isang lumang bahay.
"Nasaan ako?" naibulalas ko.
"Gising ka na pala. Dinala kita rito kasi nawalan ka ng malay sa daan."
Nagitla ako nang tumambad sa akin ang mukha ng babaeng nagsalita. Gusto kong sumigaw ngunit walang boses na lumabas mula sa aking bibig.
"I-ikaw? 'D-di ba ikaw 'yong ---?" Hindi na niya ako pinatapos sa pagsasalita. Bagkos ay inunahan niya na ako sa aking ibig sabihin.
"Ako ba 'yong baliw na mangkukulam? Mamamatay tao? Tama ba ako?" Tumango na lang ako bilang tugon sa kaniya. "Kung totoo 'yon, patay ka na sana ngayon. Ang hirap kasi sa mga tao, makakita lang ng madungis at kakaiba, hinuhusgahan kaagad kahit hindi naman nila kilala. Ayaw gawin sa kanila pero ginagawa naman nila sa iba."
Hindi ako nakaimik sa hiya. Ang taong iniiwasan at kinatatakutan ng lahat ay kasama ko ngayon. Hindi nagdalawang isip na tulungan ako.
"Christmas party na natin sa Martes!" excited na sigaw ni Brenna. "Lara, saan ka magpapasko?" untag niya.
"Sa bahay. Mag-isang magsi-celebrate ng pasko at aalalahanin ang mga taong mahal ko na nawala na, tulad ng dati," sagot ko.
"Sad naman. Ako nga, 'di ko rin makakasama ang pamilya ko ngayong pasko."
"Kung gusto mo, puwede kang pumunta sa bahay. Doon tayo mag-celebrate."
"Sige!" ngiting-ngiti niyang tugon.
"Teka, ilang araw ka nang naglalakad ah. Nasaan 'yong sasakyan mo?"
"Binigay ko na kay kuya Allan. Maari niyang gamitin 'yon sa paghahanapbuhay niya. Ayaw kong pati siya mawala kaya pinauwi ko na siya sa pamilya niya. Kawawa naman sila kapag nagkataon. Ayaw kong madamay siya sa kamalasan ko. Isa pa, malapit lang naman ang bahay ko. Kayang-kaya namang lakarin, execise pa."
"Ano ka ba? Hindi ka malas. Nagkataon lang ang mga nangyari sa inyo kaya huwag na huwag mong iisipin 'yan. Lahat ng nangyayari, may dahilan. At hindi 'yan ibibigay sa 'yo kung hindi mo kaya."
BINABASA MO ANG
A DREAMLAND JOURNEY
Random"A One-Shot Compilation" My dreams brought me in different places and situations. Writing is my way of expressing those unforgettable experiences and emotions.