***
Napapitlag ako nang umalingawngaw sa aking pandinig ang ingay na nilikha ng nabasag na baso. Bigla na lamang rumehistro sa aking isipan ang isang basag na plorera. Ang alingawngaw niyon ay sumuot sa kaibuturan ng aking pandinig. Tinakpan ko ang aking dalawang tainga ng aking mga palad. Napaluha ako dahil sa damdaming bumalot sa puso ko. Muli kong naramdaman ang panginginig ng laman dahil sa takot.
“Pasensiya ka na, anak. Nabitawan ko lang ang baso,” nag-aalalang paliwanag ni nanay.
Subalit, hindi ko siya pinansin. Ni hindi ko hinayaang dumampi ang kaniyang mga daliri sa akin. Ayaw kong mabahiran siya ng mantsang bumalot sa aking katauhan. Tumakbo ako papasok ng aking silid at muling nagkulong.
Iniisip nilang nababaliw na ako dahil sa lungkot.
Halos isang buwan na ang nakalilipas nang walang awang patayin ang aking katipan na si Robert. Nasaksihan mismo ng aking mga mata ang krimeng iyon. Ito ang gumugulo sa akin, hanggang sa ngayon. Hindi niya ako pinatatahimik. Maging sa aking mga panaginip ay naroon siya at ang kaniyang mga sigaw na puno ng lungkot at poot. Isinisigaw niya ang aking pangalan. Lagi ko siyang nakikita mula sa sulok ng aking mga mata. Minsan sa tuwing magigising ako sa kalagitnaan ng gabi, ang duguan niyang mukha ang nakikita ko. At ngayon, galit siyang nakatayo sa paanan ko.
Mayamaya lamang ay nakarinig ako ng mga katok. Kasunod niyon ay ang paglangitngit nang bumukas na pinto at muling pagsara nito. Natigilan ako habang namamaluktot sa aking higaan.
“Hindi pa rin umuusad ang kaso ng anak ko, Mameng. Hindi na yata siya mabibigyan ng hustisya,” aniya kasunod nang pag-iyak.
“Patawarin mo ako, Anday. Hindi kami makatulong sa kaso dahil sa kalagayan ni Aireen. Hindi ko pa rin siya makausap nang maayos. Lagi pa rin siyang takot,” paliwanag ni Nanay. Garalgal ang kaniyang boses. Tila ba hindi masiguro ang sasabihin para pagaanin ang loob ng kaniyang kaibigan.
“Biktima rin lang si Aireen. Mas mahirap ito para sa kaniya. Ako man ang makasaksi ng gano’n, baka mabaliw ako,” tugon ni Aling Anday.
Biktima? Oo, biktima rin ako.
Magtatakipsilim na ng araw na iyon. Nasa kilalang beach resort kami ni Robert kasama ang ilang kaibigan. Umupa kami ng ilang silid dahil pinagpasyahan naming mamalagi roon ng ilang araw. Nagpaalam siya sa akin na kukunin lang ang kaniyang pitaka sa aming silid. Ilang sandali pa ang nakararaan, hindi pa rin siya bumabalik. Noo’y napalingon ako, at doon ko napansing mayroong ibang pumasok sa aming silid. Kaagad akong tumakbo papunta roon.
Pagkabukas ko ng pinto, nandoon siya at ang kanina lang ay nakita kong pumasok. Nakasuot siya nang itim na katulad ng kasuotan ni kamatayan, nakatayo sa sulok. Ang ipinagtaka ko, parang hindi siya nakikita ni Robert. Halos manigas ako sa aking kinatatayuan, napamulagat at hindi makapagsalita.
Napapitlag na lamang ako nang bigla akong yakapin ni Robert at halikan. Pinigilan ko siya pero hindi siya nakinig. Bagkus ay sapilitan niya akong inihiga habang sinisiil ng halik. Bumaba iyon hanggang sa leeg. Nang akmang huhubarin niya na ang aking damit na pantaas, bigla na lamang nitong hinampas ng plorera ang ulo ni Robert. Nawalan siya ng malay. Samantalang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Hinila niya ang aking buhok kaya’t napatayo ako sa sakit. Pumulot siya ng kapiraso nang nabasag na plorera at akmang itatarak sa aking dibdib, ngunit isang kamay ang pumigil sa kaniya.
Nagpambuno sila ni Robert. Subalit sa huli ay nasaksak siya nito. Habang bumubulwak ang mga dugo buhat sa kaniyang sugat sa dibdib, sa akin siya nakatingin. Wala akong nagawa kundi sumigaw at umiyak sa takot. Nakita ko kung paanong winakwak ang kaniyang dibdib, dinukot ang kaniyang puso at mga mata. Hindi pa ito nasiyahan, pinutol nito ang maselang bahagi ng katawan ni Robert.
BINABASA MO ANG
A DREAMLAND JOURNEY
Random"A One-Shot Compilation" My dreams brought me in different places and situations. Writing is my way of expressing those unforgettable experiences and emotions.