KEN AND SAM

12 2 0
                                    

A/N : My entry for Madam Aivan's Writing Contest / Workshop ( EDITED)

*****

KEN'S POV

Matagal ko na siyang gusto. Mga bata pa lamang kami ay siya na talaga ang itinitibok ng puso ko. Si Sam ang tanging laman ng mga panaginip at pangarap ko. Alam kong ganoon din siya sa akin subalit ang mga paa ko ay tila ba nakadikit sa lupa na 'di makahakbang para malapitan siya. Ang aking dila ay tila ba nakabuhol.

Bakit?

Hari na nga ako ng kaduwagan, number one fan pa ako ni hari ng sablay. Nakadikit na yata sa akin ang kamalasan at kapalpakan. Kaya ang mga kakilala ko, malayo pa lamang ako ay nagtatawanan na. Mukha yata akong payaso sa mga paningin nila.

"Pare, sabi ko na nga ba nandito ka na naman. Ano bang binabalik-balikan mo rito sa coffee shop na ito?" untag ni Albie.

"Siya." Napatingin kami kay Sam sa isang sulok ng coffee shop habang nagbabasa ito ng libro.

"Tuloy ba ang plano mamaya? Naghihintay na ang mababango't mapupulang rosas na pinabili mo."

"Oo. Kanina pa nga ako nag-iipon ng lakas ng loob eh."

Pprruuuutt!

Hindi inaasahang nagpasabog ako ng masamang hangin na kanina ko pa kinikimkim sa loob ko. Kanina pa masama ang kondisyon ng tiyan ko eh.

"Pare, lakas ng loob ba talaga ang iniipon mo? Bakit ang baho?" Napatakip siya ng ilong.

"Hindi ko napigilan eh," nakangiti kong sagot.

"Kamote yata ang tinitira mo," panunudyo niya.

"Hindi masamang kumain ng kamote."

Nakita naming nagtakip ng ilong si Sam at ang ibang nandoon.

"Eh 'di inamin mo nga. Kita mo, umabot kay Sam 'yong amoy. Ang tindi mo!"

Siguro hindi niya natagalan 'yong amoy kaya tumayo na siya at binitbit ang bag niya. Nakatakip pa rin siya ng panyo sa ilong habang naglalakad palabas ng coffee shop.

"Tara na, papunta na yata siya sa parke."

"Sige kasi baka sumakit ang tiyan ko rito. Ang baho!"

"Kung magsalita ka naman parang hindi mabaho ang hininga mo. At least ako bihira sumingaw ang baho ko, ikaw segu-segundo eh." Inunahan ko na siya sa paglalakad.

"Sinong nagsabi sa'yo ng kasinungalingang 'yan?" untag niya.

"'Yong asawa mo, sino pa ba?" sagot ko.

"Naniwala ka naman?"

"Bakit hindi, lagi ko namang naaamoy eh."

Sinundan namin si Sam. Hindi niya alam na ako ang nagpapapunta sa kanya sa parke. Pinakiusapan ko lang ang kaibigan namin na alukin siyang magkita sila roon bandang alas-otso ng gabi. Hindi niya kasi ako pinapansin, ilang araw na.

Pagdating sa parke, iinabot na sa akin ng isa pa naming kaibigan ang mga rosas at isang box ng paaborito niyang chocolate na pinabili ko para sa kanya.

"Sige na, lapitan mo na."

Naglakad na ako palapit sa kanya. Ilang hakbang na lang ang layo ko sa kanya nang magsi-takbuhan 'yong mga daga sa dibdib ko. Inaatake na naman ako ng kaduwagan ko. Humakbang ako ng dalawang ulit paatras nang marinig ko ang boses ni Albie sa likuran ko.

"Aatras pa kasi eh, abante!" Malakas niya akong itinulak.

Nadapa ako sa damuhan. Naitapon ko ang mga bulaklak at ang isang box ng chocolate. Tinamaan si Sam noong chocolate sa ulo. Hindi na ako nakatayo dahil sa hiya. Para akong nanigas sa ganung posisyon habang tinitingnan siya.

A DREAMLAND JOURNEYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon