HOSTAGE

13 2 0
                                    


*****

NASA katanghaliang-tapat na subalit hindi pa rin mapigtas ang titig ko sa harap ng kompyuter. Masakit na ang mga mata at ulo ko dahil sa ilang oras na paglalagi ko rito. Nararamdaman ko ring nagkakaroon na ng rebolusyon sa loob ng tiyan ko dahil sa matinding gutom. Hindi ko kasi nagawang mag-agahan dahil mahuhuli na ako kanina at uminom lang ako ng kape pagdating ko. Ngayon lang naman nangyari ito dahil kailangan kong tapusin ang report na ipi-present ko mamayang alas-tres ng hapon. Kailangan kong gawin ang lahat nang makakaya ko dahil pagkakataon ko na ito para magpakitang gilas sa trabaho ko. Matagal ko na rin namang inaasam-asam ang salitang promotion na ilang taong naging mailap sa akin.

"Farah, kain muna tayo," alok ni Karlene.

"Sige na, mauna ka na. Kailangan kong tapusin itong report ko para mamaya."

"Ano ka ba? Sandali lang naman tayong kakain. May ilang oras ka pa para tapusin 'yan. Paano ka makakapag-present ng maayos at epektibokung walang laman ang tiyan mo? Sige ka, ikaw rin."

"Oo nga naman.Kain ka na muna," sabat ng isang boses ng lalaki. Napatingala ako at tumambad sa akin ang maamong mukha ng mabait kong boss.

"Sir, nandiyan po pala kayo," naibulalas ko at pakiramdam ko ay bigla akong namula sa hiya.

"Kumain ka na muna. Isa pa, baka hindi matuloy ang presentation mo mamaya. Baka i-move na lang daw bukas dahil may biglaang lakad ang kliyente natin."

"Talaga po ba sir?Salamat naman po at makakapaghanda pa ako."

"Oo, kaya sige na. Kumain ka na kasi namumutla ka na."

"Sige po, salamat sir."

Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib at nakahinga ako ng maayos dahil sa sinabi ng boss ko. Masaya kaming lumabas sa gusaling pinagtatrabahuhan namin. Didiretso na sana ako sa maliit na karinderyang kinakainan namin nang bigla akong hatakin ni Karlene papunta sa ibang direksyon. Tinitigan ko siya na parang nagtatanong at sinagot niya naman ako ng malapad na ngiti.

"Saan mo ba ako balak dalhin?" untag ko.

"Birthday ko ngayon, ili-libre kita. Doon tayo sa restaurant na pinagtatrabahuhan ng kapatid ko."

"Pero mahal doon ah?"

"Ako na nga bahala.Huwag mong sabihing tatanggi ka? Halatang-halata namang gutom na gutom ka na," biro niya kasunod ng kaniyang sarkastikong tawa.

"Nakakainis 'to! Kung hindi mo lang birthday ngayon binatukan na kita. Halika na, gutom na ako."Nagpalitan kami ng ngiti at masayang tinungo ang nasabing restaurant.

Tahimik kaming dalawa habang sarap na sarap sa pagkain nang may mga armadong lalaking pumasok. Naalarma ang lahat at ang mga bata ay nagsimula nang mag-iyakan dahil sa takot. Hanggang sa dumating na rin ang mga pulis na tila humahabol sa kanila. Hindi na sila malayang makalalabas dahil napaliligiran na ng mga pulis ang restaurant. Narinig kong iho-hostage kami ngunit hindi ko naunawaan ang kabuuhan ng kanilang pag-uusap. Isinara nila ang main door ng restaurant at iginapos ang iba. Nang hawakan niya ako sa braso patayo, inatake ako ng nerbiyos pero tila may sumapi sa akin na nagsasabing lumaban ako.

"Ano ba?Bitiwan mo nga ako, nasasaktan ako!"

"Tumahimik ka diyan kung ayaw mong masaktan!"

"Nasasaktan na nga ako eh, ano pa bang tawag mo diyan? Tanga ka ba?"

"Lintik na babae ito!" Akmang sasapakin niya na ako nang pigilan siya ng kaniyang kasama at mahigpit na nahawakan ang kamay niya. "Ano ba?"

"Pare, ang usapan iho-hostage lang natin sila para makaalis tayo rito. Wala kang sasaktan."

A DREAMLAND JOURNEYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon