"You have to understand that students are diverse learners. There are students na magaling sa oral pero mahina sa written and vice versa. Meron namang natuto while performing at meron namang sa reading. Kahit kayo meron kayong iba't ibang way to learn. Meron diyang nag eexcel sa sports but not in academic. Sino dito ang magaling sa sports pero mahina sa academic?" Our Professor asked while discussing, nakatitig lang ako sa kanya habang nakikinig. May mga nagtaas ng kamay sa tanong niya mostly varsity players.
"Sino namang prefer mag aral na lang kaysa maglaro?" Prof asked again. Nagtaas naman ng kamay yung mga nerds namin na classmate. Tsk.
"Ma'am si Faith po she can do both." A commented tsk papansin.
"Si E din naman ah?" C rebut kahit kelan talaga.
"Nanahimik ako dito nadadamay ako. Si B din naman saka ikaw C. Pahumble ka di bagay." E said at binatukan si C. Deserve!
"Also A can do both." Dagdag ni B wala na naman pong gustong magpatalo. Ayokong sumali medyo tinatamad akong magtalk ngayon.
"Well wala tayong magagawa halos lahat naman may iba't ibang bagay na nagagawa pero baka si Miss Smith at kayo ay pinagpala kaya nagagawa ninyo ng magaling both." Prof said to stop these idiots in commenting nonsense.
Napaisip naman ako sa sinabi niya, pinagpala daw ako?
"Kung ako pinagpala bakit hindi kita makuha?" I asked in my mind.
I heard my classmates saying ohh.
Anong meron? Napatingin ako sa paligid at sa mga kapatid kong nakangiti sakin. Anong nangyayari?
"Come again Miss Smith?" Prof said while looking at me intently. Patay!
Nasabi ko yata ng malakas?
"Ahh wala po?" I awkwardly said piskot.
"You said something Miss Smith all you have to do is to repeat it."
"Wala nga po Ma'am. Saka I believe in the saying less talk, less mistake." Nakangiti kong sabi.
"Okay I'll give you 3 then." Prof said and walk towards her table.
"Teka lang naman ma'am bakit 3?"
"Less talk, less mistake Miss Smith." Prof said and smirked.
"Sabihin mo na kasi yung sinabi mo ang pangit kaya ng 3 sa TOR." C said paepal ampt.
"Mr. Velasco is right, all you have to do is to repeat what you said." Napabuntong hininga ako sa sinabi ni ma'am narinig naman kasi bakit pa ipapaulit papaopera ko na lang tong bibig ko para manahimik.
"Wala naman po kasi talaga ma'am. Sa isip ko lang po yun sinabi, paepal lang po yung bibig ko!"
"Ano ngang sinabi mo kasi?" A asked.
"Sabi ko lang naman po, kung ako pinagpala, bakit hindi kita makuha? But it's not literally you ma'am, I'm thinking about something I can't get. Walang ibang meaning yun." I explained, sana maniwala. Napatango naman si Prof sa paliwanag ko.
"Okay? Sana wala ngang ibang meaning yun, but a piece of advice baka wala ka naman kasing ginagawa para makuha yung bagay na gusto mo. You have to exert some efforts to get what you want kasi hindi kusang lalapit sayo yan." Sinalubong ko ang mga tingin niya.
"Ma'am I almost did everything to get it pero sadyang ayaw talaga ng tadhanang mapasakin yun."
"Baka naman kasi kulang pa?" Prof asked again. Malapit na talaga akong mapikon pero sige keri lang.
"Kulang po? Like what kind of kulang? I tried the nice talking, the suhol and the so called suyo but I end up, still not having that thing." Nakatitig lang ako kay prof habang sinasabi ko yun. Patola din kasi to si prof epal pa. Ngayon nakakunot na ang noong nakatingin sakin. Patol kasi ng patol tapos magagalit.
"Ano ba yung thing na yun Faith?" Someone of my classmates asked. Salamat sa bida bidang yun nawala ang tensyon sa mga tingin ni prof.
"Yung sapatos na gusto ko sa mall, I tried to talk to the saleslady nicely pero ayaw ibigay sakin nakareserve na daw like what the heck bakit nakadisplay pa diba? Tapos natry ko na ding suhulan si ate para ibigay sakin pero ayaw tanggapin. Sinuyo ko pa baka sakaling hindi matanggihan ang charm ko pero wala! Sana kasi wag ng idisplay kung hindi naman na pala available diba??" Madramang paliwanag ko, may paiyak iyak pa ako naniwala naman ang mga tanga.
"That's all for today class. Goodbye." Prof said habang nagkakantyawan pa kami ng mga kaklase ko. Nakatingin siya sa cellphone niya bago maggoodbye at paalis na nakatingin pa din sa phone niya. Iisipin ko na sanang tinamaan siya sa sinabi ko pero malamang hindi kasi may katalk siya sa cellphone niya while smiling and for sure she's now talking to her happiness.
Right her happiness that is not me....
Authors Here!
Naisip ko lang, I will try to have portrayers in this story. Medyo natutuwa ako sa vibe ng LingOrm baka soon iupdate ko ang portrayers nila. Yun lang and I'll published the revised version of Chasing Game. Comment and Vote guys. Thank you!!
YOU ARE READING
THE QUEST FOR HAPPINESS (Velasco Series 2 LingOrm)
RomancePaano kung yung taong gusto mo ay may gustong iba? Lalaban ka ba o susuko na? How long will you hold on to your feelings? Is it worth it to wait and keep loving the person who can't reciprocate your feelings? Gaano ka katagal makikipaglaban sa digm...